Konsepto ng Wika Flashcards
- Ito ay isang sistema na ginamit sa komunikasyon na binubuo ng mga simbolo o letra at mga panuntunan.
- Ang mga simbolong ito ay maaaring pagsama-samahin upang makalikha ng mga salita na bubuo sa isang wika.
Wika: Batayang Kaalaman
“… ang wika ay isang masistemang balangkas ng sinasalitang tunog na binigyan ng mga simbolo at hinugisan ng mga letra upang makabuo ng mga salita; ang mga salita ay pinagsama-sama upang makabuo ng pangungusap at makapagbigay ng
kaisipan…”
Henry Gleason
“… lumitaw ang wika bilang tugon ng tao sa mga naririnig sa kalikasan partikular
ang mga malalakas at nakayayanig na mga pangyayari sa kapaligiran…”
Giambattista Vico
“… ang pagkatuto ng ibang wika ay pagkakaroon ng pangalawang kaluluwa…”
Charlemagne
“… may koneksyon ang wika sa kalikasan na kaakibat ang gestura, emosyon, o
damdamin ng tao…”
David Abram
“… ang tao ay nakaprograma para sa abilidad na magsalita ng wika at batid niya
kung anong gramar ang katanggap-tanggap…”
Noam Chomsky
“… ang wika mismo ang patunay na tayo’y may katutubong kultura…”
Nasyonalisasyon ng Filipino ni Prof. Virgilio S. Almario
“…naipahahayag sa wika ang mga kaugalian, isip, at damdamin ng bawat grupo ng
mga tao at maging sa larangan ng kaisipan, ang wika rin ay impukan —- kuhanan ng
isang kultura…”
Zeus Salazar
Ang agham ng wika / pag-aaral ng wika sa siyentipikong pamamaraan
linggwistika
Ang taong dalubhasa sa wika
- dalubwika (Dalubhasa + wika)
- linggwista (linguist)
Ang isang taong marunong nang higit sa dalawang wika
polyglot
tawag sa taong napakahusay gumamit ng wika sa pagsasalita
Ananwnser (Announcer)
Mga Katangian ng Wika
- Buhay at Dinamiko
- May Sistematik na Balangkas
- May Tunog na Binibigkas
- Arbitraryo
- Nakabatay sa Kultura
- Patuloy na Ginagamit
- Ang wika ay nadaragdagan ng bagong bokabularyo habang lumilipas ang panahon.
Halimbawa: Ang salitang bomba ay nangangahulugan na:
Pampasabog
Igiban ng tubig mula sa lupa
Sikreto o baho ng ibang tao
Uri ng palabas
Buhay at Dinamiko
- Nakaayos sa tiyak na balangkas
- Nakabatay sa Gramatika at ponema, morpema, hanggang sintaks.
Halimbawa: Nag-aaral Anna siya mabuti makapasa pagsusulit
Si Anna ay nag-aaral nang mabuti upang makapasa siya sa pagsusulit
May Sistematik na Balangkas
- Ang wika ay binubuo ng mga tunog.
- Pinagsama-sama ang mga tunog upang makalikha ng mga salita.
- Layunin ng wika ang magkaroon ng epektibong komunikasyon na may malinaw na mensahe.
May Tunog na Binibigkas
Ang mga tunog na binibigkas sa wika ay pinili para sa layunin ng gumagamit nito.
Bahay:
Balay (Cebuano)
Casa (Chavacano)
Bay (Tausug)
Arbitraryo
- Nagkakaiba-iba ang wika dahil sa iba-ibang kultura.
Halimbawa:
Ice Formations (Filipino vs. Ingles)
Nakabatay sa Kultura
- Isang katangian ng wika ay ang pagiging gamitin.
- Ito ay kasangakapan sa komunikasyon.
Patuloy na Ginagamit
Tungkulin ng Wika
- Instrumental
- Regulatori
- Interaksyunal
- Personal
- Pang-imahinasyon
- Heuristiko
- Impormatibo
- Ginagamit ang wika upang mangyari o maganap ang mga bagay-bagay.
Halimbawa: Pagmumungkahi, pagpilit sa isang tao upang gawin ang isang bagay at
pag-utos sa isang bagay na makatutulong sa iyo..
Instrumental
- Ang wika ay pagkontrol sa kilos at asal ng tao.
Halimbawa nito ay ang: pagtakda ng regulasyon, direksyon o proseso sa kung papaano gawin ang isang bagay at pagbibigay ng babala tungkol sa isang panganib.
Regulatori
- Kung may interaksyon sa isa’t isa o ang pagkontak sa iba na bumubuo ng pakikipag-ugnayan natin sa ibang tao (tinatawag din itong relasyong
sosyal) sa pamamagitan ng mga talakayan.
Halimbawa: Kita tayo mamaya! Salamat po!
Interaksyunal
- Maituturing ito na isang personal kung nakapokus ito sa personal na damdamin tulad ng pagpapahayag ng opinyon. Ang wikaing ito ay isang impormal at walang tiyak na balangkas.
Halimbawa nito ay: pagmumura, pagsisigaw, pagsulat ng editoryal atbp.
Personal