komunikasyong Pilipino Flashcards
Ayon sa kanya, ang isang aspeto ng ating kultura na malimit na kinatitisuran ng mga dayuhan ay ang mataas na antas ng pagkakaalanganin sa ating pakikipag ugnayan sa isa’t-isa
Melba Maggay (2002)
Ayon pa kay Melba Maggay, ang PAHIWATIG ay isang maselang pamamaraan ng katutubong pagpapahayag na di tuwiran at palihis sapagkat napapaloob sa kulturang matindi ang pagpapahalaga sa niloloob ng kanyang _________.
Kapwa.
Ito ay ang sadyang pagpapahiwatig sa mensahe ngunit sadyang sumala o magmintis. Halimbawa: “paumanhin po sa matatamaanat alam kong masakit kaya sana wag ka nalang magpumilit” (general crowd)
PAHAGING
Ito ay mensahing lihis dahil sinadya lamang na makanti ng bahagya ang pinapatungkulan. (Group of people)
PADAPLIS
Instrumentong berbal para sa pagpapabatid ng niloloob ng nagsasalita na nakatuon hindi lang sa kaharap kundi sa SINO MANG NAKIKINIG SA PALIGID (general/reachable people)
PARINIG
Di tuwirang pahayag ng pula, PUNA, PARATANG, at iba pang mensaheng nakakasakit na sadyang iniuukol sa mga nakaririnig na kunwari ay labas sa usapan.
PASARING
mensaheng ipinaaabot ng tao o sinasabing gumagalang espiritu sa pamamagitan ng manipestasyon.
PARAMDAM
Mensahing humihingi ng atensyon.
PAPANSIN
Mekanismo ng pagpapahiwatig na karaniwang nakatuon o umiikot sa isang paksa o tema na hindi mailahad nang tahasan at paulit ulit na nababanggit sa sandaling may pagkakataon.
PAANDARAN
Apat na komunikasyong naghahayag ng tahasan
Ihinga, Ipagtapat, Ilabas, Ilahad
(Note:
Ihinga-pagpapaliwanag sa sarili sa pamamagitan ng pagbabahagi ng sama ng loob o pagsasabi ng lihim (like rant)
Ipagtapat- pagsasabi ng totoo at hindi umiiwas na magsalita ng tuwiran
Ilabas- paglalantad sa paningin ng madla sa mga bagay na maselan o nakatago at kinukubli
Ilahad- maayos na pagsasalaysay; pag uusapo pagkukwento ng mga pangyayari lingid sa iba maliban sa taong kapalagayang loob (confession)
Di berbal na komunikasyong pilipino na tumutukoy sa galawvo salita at kilos ng katawan.
Halimbawa: pagtatampo pagmumukmok, pagmamaktol at pagdadabog
KINESIKS
Di berbal na komunikasyong pilipino na ang oras o paggamit nito na nagtataglay ng mensahe.
Halimbawa:
Pagdating ng maaga sa trabaho -means you value your work
KRONEMIKS
Di berbal na komunikasyong pilipino na tlnakatuon sa espasyo o distansya sa pagitan ng tao sa kanyang kapwa.
Halimbawa- pag malayo ang distansya nyo sa isa’t isa- means you are not comfortable
PROKSEMIKS
Di berbal na komunikasyong pilipino na ang paggamit ng senso ng taong pahaplos sa pagbabatid ng mensahe na maaari ring HAWAK, HABLOT, HIPO, PINDOT, PISIL, TAPIK, AT BATOK
HAPTIKS
Di berbal na komunikasyong pilipino na tumutukoy sa paggamit ng simbolo o i cons na may malinaw na mensahe
ICONICS