KOMUNIKASYON Flashcards
Ayon kay Adler et al, 2010; Sa Bernales, 2019, may iba’t ibang dahilan kung bakit nakikipagkomunikasyon ang isang tao. Maliban sa pangangailangang makisalamuha o makihalubilo at pangangailangang praktikal, ano ang isa pang pangangailangan na tumutukoy sa ating sarili?
Pangangailangan upang makilala ang ating sarili
Sa elemento ng komunikasyon, ito ay tumutukoy sa taong nagpapadala ng mensahe sa ibang tao.
Tagapagpadala (sender)
Sa elemento ng komunikasyon, ito ay ang impormasyong ipinapadala
mensahe (message)
Sa elemento ng komunikasyon, ito ang mga paraan kung paano ipadadala ang mensahe sa tatanggap nito.
Daluyan (channel)
Sa elemento ng komunikasyon, Ito ay tumutukoy sa isang indibidwal o pangkat na pinagpapadalhan at tumatanggap ng mensahe.
Tagatanggap (reciever)
Sa elemento ng komunikasyon, ito ay tumutukoy sa iba’t-ibang elemento ng komunikasyon na nagiging dahilan ng hindi pagkakaunawaan sa pagitan ng tagapagpadala at tagatanggap
Sagabal (hindrance/obstruction)
Ito ay isa sa mga komunikasyong sagabal na tumutukoy sa pagkakaiba-iba ng mga kinalakhang paligid at pagkakaiba-iba ng mga nakagawiang kulturanamaari bunga ng misinterpretasyon ng mga kahulugan ng mensahe.
Sikolohikal na sagabal
Isa ito sa mga komunikasyong sagabal. Ito ay matatagpuan sa salita o pangungusap mismo. Ito ang mga salita o pangungusap na may dalawa o higit pang kahulugan.
Semantikong sagabal
Isa ito sa mga komunikasyong sagabal. Ito ay matatagpuan mismo sa katawan ng nagpadala o tagatanggap ng mensahe. Ito ang kapansanan sa paningin, paningin o pagsasalita. Mahinang pagsasalita o di maayos na pagbibigkas ng salita
Pisyolohikal na sagabal
Isa ito sa mga komunikasyong sagabal. Ito ayangmga ingay sa paligid, distraksyong biswal, suliraning teknikalnakaugnayngsound system.
Pisikal na sagabal
Ito ay isa sa komunikasyong sagabal.
Uri ito ngsagabal nanakaugat sa problemangteknolohikal. Kabilang sa mgasagabal naito ang mahina o walang signal ng internet at network ng telepono.
Teknolohikal na sagabal
Ito ay isa sa mga komunikasyong sagabal. Nakaugat sa pagkakaiba ng kultura, paniniwala, tradisyon at relihiyon
Kultural na sagabal
Ito ay elementong tumutukoy sa pidbak o tugon ng tagatanggap ng mensahe batay sa pagpapakahulugan sa mensahe
Tugon (response)
Elementong tumutukoy sa kung paano naaapektuhan ang tagatanggap ng mensahe (emosyonal, sikolohikal)na ipinadala ng tagapagpadala o sender.
Epekto (effect)
Elementong tumutukoy sa lugar, kasaysayan at sitwasyon na kinapapalooban ng komunikasyon.
Konteksto (context)