Komunikasyon At Pananaliksik Flashcards
Ito ay Ugnayan ng tao na nagpapainog ng sibilisasyon, sistemang kinapapalooban ng wika at dayalekto. Maaaring ito ay intrapersonal o interpersonal.
A. arbiraryo
B. komunikasyon
C. Wikang katutubo
D. linggwahe
B. Komunikasyon
Ayon sa kanya ang wika ay Sistema ng tunog o sagisag na ginagamit ng tao sa komunikasyon.
A. Edward Sapir
B. Henry Gleason (1961)
C. Virgilio Almario
D. Hutch (1991)
D. Hutch (1991)
Ayon sa kanya ang wika ay masistemang balangkas na sinasalitang tunog na pinili at isinaayos sa paraang arbitraryo upang magamit ng mga taong kabilang sa isang kultura.
A. Virgilio Almario
B. Hutch (1991)
C. Henry Gleason
D. Edward Sapir
C. Henry Gleason
Ito ang katutubong wika na ginagamit sa buong bansang Pilipinas bilang wika ng komunikasyon ng mga etnikong grupo.
A. Filipino
B. Pilipino
C. Tagalog
D. Ingles/Tagalog
A. Filipino
Ang wikang ginagamit ng bawat tao sa daigdig ay sistematikong nakaayos sa isang tiyak na balangkas.
A. Ang wika ay sinasalitang tunog
B. Ang wika ay masistemang balangkas C. Ang wika ay natatangi
D. Ang wika ay nagbabago
B. Ang wika ay masistemang balangkas
Ito ang pinaka maliit na yunit ng isang tunog, o makabuluhang tunog.
A. Ponema
B. Morpema
C. Sintaks
D. Ponemo
A. Ponema
Ito ang tawag sa pinakamaliit na yunit ng salita.
A. Morpema
B. Sintaks
C. Ponema
D. Morpemo
A. Morpema
Ito ang tawag sa mga salitang karaniwang ginagamit sa mga kalye.
A. Lalawiganin
B. Balbal
C. Kolokyal
D. Pampanitikan
B. Balbal
Ito ang pagpapatupad ng iisang wika sa isang bansa tulad ng isinasagawa sa mga bansang England, Pransya, South korea, hapon at iba pa kung saan isang wika ang ginagamit na wikang panturo sa lahat ng larangan o asıgnatura.
A. Monolingguwal
B. Bilinggualismo
C. Monolinggualismo
D. Bilinggual
C. Monolinggualismo
Ito ang tawag sa taong may iisang wika lamang ang ginagamit sa pakikipag-usap sa ibang tao.
A. Bilingguwal
B. Monolingguwal
C. Multilingguwal
D. Poliglot
B. Monolingguwal
Ang tawag sa mga taong nakapagsasalita ng maraming wika.
A. Multilingguwalismo
B. Poliglot
C. Bilingguwal
D. Monolingguwal
B. Poliglot
(yan ang sagot if wala sa choices ang MULTILINGGUWAL)
Ito ay isang programa ng kagawaran ng Edukasyon ng Pilipinas, na naglalayong gamitin ang local na wika sa isang lugar bilang primaryang wika sa pagtuturo upang mapadali ang pag-aaral para sa mga katutubo.
A. MOTHER TONGUES BEST MULTI LINGUAL EDUCATION
B. MTB-MLS
C. MOTHER TONGUE BASED MULTI LINGUAL EDUCATION
D. MOTHER TONGUE BASED MULTI CULTURAL EDUCATION
C. MOTHER TOUNGE BASED MULTI LINGUAL EDUCATION
Ito ay barayti ng wika na ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan , rehiyon o bayan.
A. Sosyolek
B. Etnolek
C. Idyolek
D. Dayalek
D. Dayalek
Tukuyin kung anong uri ng barayti ng wika ang nasa ibaba.
Noli De castro - Magandang gabi bayan Jessica Sojo- Lumipad ang aming team
A. Jargon
B. Etnolek
C. Idyolek
D. Dayalek
C. Idyolek
Anong barayti ng wika ang kadalasang nagmula sa pinagsamang etniko at dayalekto. Taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko
A.Conyo speak
B. Jargon
C. Etnolek
D. Creole
C. Etnolek
Ito ang pinakamataas na uri ng wika. Mayaman ito sa paggamit ng
mga idyoma o tayutay. Kadalasang ginagamit ng mga manunulat, dalubhasa at mananaliksik.
A. Pampanitikan
B. Pambansa
A. Pampanitikan
Ang mga salitang ito ang ginagamit sa mga aklat, babasahin at
sirkulasyong pangmadla.Ito rin ang wikang ginagamit sa mga paaralan at sa pamahalaan.
A. Pampanitikan
B. Pambansa
B. Pambansa
Ayon sakanya, ang wika ang midyum na ginagamit sa maayos na
paghatid at pagtanggap ng mensahe na susi sa pagkakaunawaan.
A. Virgilio Almario
B. Mangahis et al (2005)
C. Henry Gleason
D. Edward Sapir
B. Mangahis et al (2005)
Barayti ng wikang nakabatay sa katayuan o antas panlipunan o dimensyong sosyal ng mga taong gumagamit ng wika.
A. Sosyolek
B. Etnolek
C. Idyolek
D. Dayalek
A. Sosyolek
Natatanging bokabolaryo ng particular na pangkat na nakapagpapakilala sa kanilang trabaho o gawain.
A. Pidgin
B. Etnolek
C. Jargon
D. Dayalek
C. Jargon
Ito ay umusbong na bagong wika o tinatawag sa Ingles na “nobody’s native language” o katutubong wikang di pag-aari ninuman. Nangyayari ito kapag may dalawang taong nagtatangkang mag-usap subalit pareho silang may magkaibang unang wika kaya’t di magkaintindihan dahil hindi nila alam ang wika ng isa’t isa.
A. Pidgin
B. Etnolek
C. Jargon
D. Dayalek
A. Pidgin
Mga barayti ng wika na nadebelop dahil sa mga pinaghalong salita ng indibidwal mula sa magkaibang lugar hanggang sa kalaunay ay naging pangunahing wika mula sa particular na lugar .
A. Pidgin
B. Register
C. Idyolek
D. Creole
D. Creole
Barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa sitwasyon at sa kausap.
A. Pidgin
B. Register
C. Idyolek
D. Creole
B. Register
Tatlong Uri ng dimension ang register
(LARANGAN, MODO, TENOR)
A. Field o larangan – ito ay tumutukoy sa larangan o kabuhayan ng taong gumagamit nito :
B. Mode o modo – nababatid kung paano isinasagawa ang komunikasyon
C. Tenor – nakaayon naman ito sa relasyon ng mga gumagawa ng komunikasyon o pag-uusap
Ito ay awit sa panghele sa mga bata
Oyayi
Ito ay awit sa panliligaw/ kasal
Diona
Ito ay awit ng mangingisda
Soliranin
Ito ay awit ng mga bangkero
Talindaw
Ito ay awit sa pakikidigma
Kumintang
Ito ay awit sa pagwawagi sa digmaan
Tagumpay
Awit sa pag ibig
Balitaw/kundiman
Awit sa paglilibing
Umbay
Ito ay awit sa papuri sa Diyos
Dalit
Ito ang ginagamit nilang panulat noong panahon ng katutubo, ang mga dahon, biyas ng kawayan batat ng kahoy ang nagsisilbing nilang papel sa panahon na ito.
Lanseta
Siya ang Amerikanong Antrhopologo na bumuo nang teoryang Wave Migration Theory
Dr. Otler Beyer
Isang arkeologo na nakatuklas ng bungo at isang panga sa Isang yungib sa palawan
Dr. Robert Fox
Kauna unahang Gobernador Heneral sa Pilipinas
Miguel Lopez De Legaspi
Ito ang nagsisilbing pamahalaan ng pilipinas noong panahon ng hapon Ito ay nag lalayon na mabigyan ng boses ang mga Pilipino sa pamamahala sa ating bansa
Puppet Government
Kauna-unagang Aklat na nailimbag sa Pilipinas.
Doctrina Cristiana
Ayon sa kanila , kailangan maging bilinggwal ang mga Pilipino noong panahon ng Kastila. Kaya’t ang karaniwang ginagamit ng mga Pilipino ay wikang katutubo at wikang Espanyol
Carlos at Felipe ll
Isinaad ang pagpapalimbag ng Tagalog English Vocabulary at Ang Balarila ng Wikang Pambansa.
KautusangTagapagpalaganap Blg. 263 (Abril 1, 1940)
Inilathala na naglalaman ng iba’t ibang impormatibo upang masagot ang katanungan ng publiko ukol sa usapaing wikang Pambansa.
Masao Tanaka
Mga tunog na nagpapakahulugan sa mga bagay.
A.teoryang dingdong
B.teoryang lala
Teoryang Dingdong