kkf Flashcards
kkf mod 1-3
ang proseso ng pagpapataas ng antas ng isang wika upang magamit ito sa mga larangan ng karunungan at teknikal na diskurso. Sa konteksto ng wikang Filipino, ito ay nangangahulugang paglinang at pagpapayaman ng wika upang magamit sa akademya, agham, teknolohiya, at iba pang sopistikadong larangan
Intelektwalisasyon
Upang magamit ang Filipino sa pagpapalaganap ng kaalaman sa iba’t ibang larangan.
pagpapalaganap ng kaalaman
Upang mapanatili at mapayaman ang kultura ng Pilipinas sa pamamagitan ng wika.
pagpapayaman ng kultura
Upang magkaroon ng isang pambansang wika na magagamit sa lahat ng aspeto ng buhay
pagkakakilanlan
Pagtukoy sa mga salitang gagamitin at pagbuo ng mga bagong termino kung kinakailangan.
Seleksyon o pagpili
Pagkakaroon ng mga pamantayan sa paggamit ng wika, kabilang ang ortograpiya, gramatika, at bokabularyo.
istandardisasyon
Pagpapalaganap ng mga istandardisadong termino at paggamit nito sa iba’t ibang larangan.
desiminasyon
Patuloy na paglinang at pagpapayaman ng wika sa pamamagitan ng pagsulat at pagsasalita sa iba’t ibang konteksto.
kultibasyon
Ang wika ay ginagamit sa iba’t ibang larangan tulad ng edukasyon, agham, teknolohiya, at pamahalaan.
malawak na paggamit
May mga pamantayan sa paggamit ng wika na sinusunod ng lahat.
estandardisasyon
Ang wika ay may kakayahang maisalin sa iba pang wika nang hindi nawawala ang kahulugan.
kakayahang maisalin
Ang wika ay may mga diksyunaryo, gramatika, at iba pang mga aklat na nagsisilbing gabay sa tamang paggamit nito.
pagkakaroon ng mga referensiya
Kailangan ng sapat na mga aklat, diksyunaryo, at iba pang mga referensiya upang magamit ang wika sa mataas na antas.
kakulangan ng mga materyales
Mahalaga ang pagtanggap at paggamit ng lipunan sa intelektwalisadong wika upang ito ay maging matagumpay.
pagtanggap ng lipunan
Kailangan ng sapat na pagsasanay para sa mga guro upang magamit nila ang intelektwalisadong wika sa pagtuturo.
pagsasanay ng mga guro
Pagsulat ng mga siyentipikong artikulo at pananaliksik sa Filipino, tulad ng mga pag-aaral sa biolohiya, kimika, at pisika.
agham at teknolohiya (mga pananaliksik)
Paggamit ng Filipino sa mga presentasyon ng teknikal na proyekto o imbensyon sa mga kumperensya at seminar.
agham at teknolohiya (mga presentasyon)
Paggamit ng Filipino bilang midyum ng pagtuturo sa mga asignatura tulad ng matematika, agham, at kasaysayan.
edukasyon (pagtuturo)
Pagsulat at paglalathala ng mga aklat at materyales pang-edukasyon sa Filipino.
edukasyon (mga aklat at materyales)
Paggamit ng Filipino sa mga opisyal na dokumento tulad ng mga batas, resolusyon, at memorandum.
pamahalaan (opisyal na dokumento)
Paggamit ng Filipino sa mga talumpati ng mga opisyal ng pamahalaan sa mga pampublikong okasyon.
pamahalaan (talumpati)
Paggamit ng Filipino sa mga legal na dokumento at kontrata sa negosyo.
negosyo (mga kontrata)
Paggamit ng Filipino sa mga opisyal na pulong at presentasyon sa loob ng kumpanya.
mga pulong
Paggamit ng Filipino sa mga balita sa telebisyon, radyo, at pahayagan.
balita
Paggamit ng Filipino sa mga post at artikulo sa social media platforms.
social media