Kawalan ng trabaho Flashcards
Tumutukoy sa estado ng kawalan ng pagkakakitaan ng isang tao kahit na siya ay may sapat na kakayanan, kasanayan, kaalaman, at kahandaang makapagtrabaho.
Kawalan ng trabaho
Ito ay tinuturing na bumubuhay sa ekonomiya ng isang bansa.
Mekanismo ng supply at demand
Ito ay tumutukoy sa dami o kabuuan ng mga kagamitan at serbisyong magagamit, makukuha, o mabibili ng mga mamamayan.
Suplay
Ayon dito, ang pagtaas ng tasa ng kawalan ng trabaho ay nasa 5.2 porsiyento batay sa kabuuang bilang ng mga mamamayan na maaaring makapagtrabaho.
Pangasiwaan ng Estadistika ng Pilipinas (Philppine Statistics Authority)
Ang inisyatibong ito ay nagbibigay ng iba’t ibang tulong sa mahihirap at walang trabaho upang matugunan ang pangangailangan sa kalusugan ng ina, pag-aaral ng mga anak, at pansamantalang ayuda sa mga ama at pamilyang walang pinagkakakitaan.
Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps)
Ang ekonomiya ay maaaring humantong sa _______________ sakaling hindi matugunan ang hamon ng kawalan ng trabaho.
Market failure
Hindi tuwirang tumutugon ang mga kompetensi ng isang nagtapos ng kolehiyo sa mga inaasahang gawain ng industriya.
Industry-Academia mismatch
Ito ay nasusukat sa pamamagitan ng pagkilala sa bahagi ng populasyon na nasa wastong edad upang makapagtrabaho at ang aktuwal na bilang ng mga may trabaho.
Lakas-paggawa
Ito ay tumutukoy sa bilang ng mamamayan na may trabaho sa buong bansa.
Lakas-paggawa
Dito ay sinusukat ang pagbabago sa populasyong may trabaho at walang trabaho sa isang takdang panahon gaya ng taon.
Tasa ng kawalan ng trabaho
Ito ay nasusukat sa pamamagitan ng pagkalap ng proporsiyon ng mga taong may trabaho at ng populasyong walang trabaho.
Labor Force Participation Rate
Ito ay sumusukat sa bilang ng mamamayan na maaaring magtrabaho at kung ilan ang may trabaho.
Employment-population ratio
Ang pagbagsak ng ekonomiya na nagbunsod sa pagsasara ng mga negosyo at kawalan ng trabaho.
Asian Financial Crisis