Globalisasyon Flashcards
Ito ay karaniwang binibigyang-kahulugan bilang ugnayan, pagsasama-sama, at pagtutulungan ng iba’t ibang indibidwal, sektor, at mga bansa sa mundo.
Globalisasyon
Ayon sa kaniya, isang dalubhasa sa usaping politika at ekonomiya, ang globalisasyon ay nagpapabilis sa kilos at gawa ng tao.
David Held
Ito ay karaniwang nagiging kakompetensiya ng mga domestiko o lokal na kompanya sa nasabing bansa.
Multinasyonal na korporasyon
Itinatag sa pamamagitan ng isang kasunduan ng mga bansa sa Timog-Silangang Asya na magtutulungan sa pagpapalitan ng mga produktong agrikultural.
ASEAN Economic Community
Nagsusulong sa mga miyembrong bansa ng malayang pagpapalitan ng tradisyon, kaalaman, at kalakal.
ASEAN at European Union
Nagbibigay ng huling pasiya batay sa ugnayan ng suplay at pangangailangan.
Tao
Ang polisiya sa pagkontrol ng populasyon ay itinataguyod ng?
World Health Organization
Ang pagdadag naman ng ilang taon sa basic education ay bahagi ng ating mga kasunduan sa?
World Bank
Ang pagpapatupad ng _________________________ ay isang hamong pampolitika para sa Pilipinas.
Liberalisasyon ng kalakalan
Ang organisasyon na nakatutok sa politikal na ugnayan ng mga bansa.
UN
Ito ang samahan ng mga bansa sa mundo na nagtataguyod ng kaayusan at matiwasay na ugnayan ng mga bansa.
UN
Samahan na layuning magtaguyod ng kalakalan sa mga bansa sa mundo.
World Trade Organization
Ito ang pangunahing institusyon na tumatalakay sa lahat ng usapin, polisiya at hidwaan ng mga bansa pagdating sa kalakalan.
World Trade Organization
Isang organisasyon ekonomiko at politikal na nagtataguyod ng polisiyang pangkaunlara sa pamamagitan ng pagbibigay ng tulong pinansyal, pagpapautang, at pagbabahagi ng teknikal na kaalaman.
World Bank
Institusyon na nangangalaga sa kalusugan at usaping medikal ng mga bansa sa mundo.
World Health Organization
Ito ay may tungkulin na makibahagi sa mga alituntunin at programa ng mga pandaigdigang organisasyon kung saan ito kasapin sa pamamagitan ng paggawa ng mga batas.
Pamahalaan
Isang kongkretong panlipunang institusyon na may direktang impluwensiya sa kaisipan ng mga mag-aaral ukol sa usapin ng globalisasyon.
Paaralan
Ang mga ito ay tumutukoy sa mga kompanyang may mga estasyon at planta sa iba’t ibang panig ng mundo.
Mga Multinasyonal na Korporasyon
Itinuturing na pinakamabilis na mekanismo o paraan ng pagyakap ng impluwensiya at pagkalap ng impormasyon at kaalaman na mula sa iba’t ibang bansa.
Social/Mass Media
Nakatutulong sa pagpapalawig ng globalisasyon sa pamamagitan ng kanilang mga adhikain.
Samahang sibiko or NGOs