Katangian ng Wika Flashcards
Kapag tayo ay nagsasalita, gumagamit tayo ng mga berbal na simbolo upang ipahayag ang mga
kaisipan o bagay na ating tinutukoy. Ang berbal na mga simbolong ito ay ang mga tunog na bumubuo
ng wika.
Ang wika ay tunog
Halimbawa, ang mga tunog na /a:so/ ay nagsisimbolo sa isang hayop na may apat na paa, may buntot at kumakahol.
Ang wika ay tunog
ang pagbuo ng mga simbolo at tunog na kumakatawan sa kahulugan
ng bagay, ideya at kaisipan buhat sa mga taong may sosyal na relasyon, ugnayan o interaksyon sa
isa’t isa
Ang wika ay arbitraryo
Ang mga taong kabilang sa isang tiyak na pook o pamayanang gumagamit ng wika ang
nagpapasya at nagkasundo sa mga salitang gagamitin at tuntuning dapat sundin.
Ang wika ay arbitraryo
Halimbawa, Tagalog - ibon; Ilokano - bilit.
Cebuano - langgam; Bikolano - gamgam
Ang wika ay arbtraryo
may sinusunod na istruktura o
tuntuning gramatikal ang wika na nakatutulong sa pagbuo ng isang maayos at mabisang
pagpapahayag
Wika ay masistema
Ang mga tunog ng isang wika ay nabubuo sa tulong ng iba’t ibang sangkap ng pagsasalita tulad
ng labi, dila, ngipin, ilong, lalamunan at iba pa
Wika ay sinasalita
Ang kultura ay tumutukoy sa isang Sistema kung saan ang mga taong kabilang sa lipunan ay
kabahagi ng paniniwala, pananaw, kaalaman, pag-uugali at pagpapahalaga.
Kabuhol ng kultura
Halimbawa:
Eskimo-may labimpitong (17) iba ‘t ibang tawag sa salitang snow
Arabo-may anim na libong (6,000) salita na may kaugnayan sa kamelyo
Katutubo sa Sahara-may dalawang daang (200) salita para sa prutas na
dates at dalawampung (20) paraan ng paglalarawan
ng buhangin sa disyerto
Kabuhol ng kultura
Ang wika ay patuloy na nagbabago dala ng panahon at ugnayan ng mga tao sa isa’t isa. Habang
tumatagal ang panahon ay mas dumarami ang mga taong nagnanais na makiugnay sa isa’t isa dala
ng panlipunang pangangailangan
Dinamiko
Hal., Kung dati ang salitang selfie ay hindi kasama sa ating leksikon, ngayon ay
isinama na sapagkat tinanggap na ito ng nakararami at naging bahagi na ng ating pang-araw-araw na
pamumuhay.
Dinamiko
Walang limitasyon ang bilang ng mga salitang maaaring mabuo. Sa
tuwing tayo’y magsasalita, ipinapahayag natin ang ating mga salita iba’t ibang paraan
Malikhain
May kakayahan din ang wika na makabuo ng mga bagong salita ayon sa pangangailangan ng gagamit nito. Hal., (hindi ko siya naipagtanggol), (hindi ko siya ipinagtanggol)
Malikhain
Sinuman ang epektibong gumagamit ng wika ay nakapagtatamo ng malaking impluwensiya o
kapangyarihan, makaapekto sa kaisipan at pagkilos ng isang tao at makaapekto sa polisiya at
pamamaraan ng mga tao
Makapangyarihan
Binago ni Abraham Lincoln ang Amerika sa kanyang 267-salitang
talumpati: “The Gettysburg Address.”
Makapangyarihan