Gamit ng Wika sa Lipunan Flashcards
Layunin nitong makipagtalastasan para tumugon sa pangangailangan ng tagapagsalita. Ginagamit ang wika para tukuyin ang mga preperensiya, kagustuhan at pagpapasiya ng tagapagsalita. Ginagamit din ito sa paglilinaw at pagtitiyak ng pangangailangan.
Instrumental
Halimbawa: liham pangangalakal, liham sa patnugot at patalastas tungkol
sa gamit at halaga ng produkto
Instrumental
May kakayahang makaimpluwensiya at magkontrol sa pag-uugali ng iba. Magagamit ng tagapagsalita ang kapangyarihan ng wika upang makapanghikayat, mag-utos at humiling sa kaniyang kausap o sinuman sa kaniyang paligid. Madalas, may negatibong konotasyon ang ideya ng pagkontrol, ngunit maaari naming isagawa ito sa positibong paraan ng angkop na paggamit ng wika. Maaari din itong gamitin sa mga aktuwal na karanasan ng pagbibigay ng panuto, batas at pagtuturo.
Regulatoryo
Halimbawa: pagbibigay ng direksyon, resipe, panuto at tuntunin
Regulatoryo
Ang tungkuling ito ay nakikita sa paraan ng pakikipag-ugnayan ng tao sa kanyang kapwa maging berbal man o di-berbal na pakikipagtalastasan.
Interaksiyonal
Halimbawa: liham pangkaibigan
Interaksiyonal
Ito ay tumutukoy sa pagpapahayag ng damdamin, opinyon at indibidwal na identidad.
Personal
Halimbawa: Pasalita: pormal o di-pormal na talakayan, debate o pagtatalo
Pasulat: Editoryal o Pangulong-tudling, Liham sa Patnugot, Pagsulat ng
Suring-basa, Suring-Pelikula, Pagsulat ng Talaarawan at Journal
Personal
Tungkulin ng wika na nakatuon sa pagkalap ng impormasyon o kaalaman tungkol sa kapaligiran ng nagsasalita.
Heuristiko
Halimbawa: pag-iinterbyu, pakikinig sa radio, panonood sa telebisyon, pagbabasa ng
pahayagan, magasin, blog at mga aklat
Heuristiko
Nagpapahayag ng komunikasyon sa pamamagitan ng mga simbolo o sagisag
Representatibo
Halimbawa: Pasalita: Pagpapahayag ng Hinuha, Pahiwatig sa mga simbolismo ng isang bagay o paligid
Pasulat: Anunsiyo, Patalastas at Paalala
Representatibo
Isang bantog na iskolar mula sa Inglatera. Ibinahagi niya sa nakararami
ang kanyang pananaw na ang wika ay isang panlipunang phenomenon. Naging
malaking ambag niya sa mundo ng lingguwistika ang popular niyang modelo ng
wika, ang systemic functional linguistics
M.A.K Halliday