KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO Flashcards
tumutukoy sa
natural; o likas na kakayahan ng isang
tagapagsalita na malalimang gamitin at
unawain ang wika.
kakayahang linggwistiko
Ayon sa kanya noong 1965, ang
kakayahang linggwistiko ay tumutukoy sa
natural; o likas na kakayahan ng isang
tagapagsalita na malalimang gamitin at
unawain ang wika.
NOAM CHOMSKY
Ito rin ay tungkol sa pag-unawa sa paggamit ng
mga kasanayan sa Ponolohiya, Morpolohiya,
Sintaks, Semantika at mga tuntuning pang
Ortograpiya.
KAKAYAHANG LINGGUWISTIKO
sangay ng
linggwistika na tumutukoy sa pag-aaral ng mga
tunog o ponema (phonemes) ng isang wika.
ponolohiya o palatunugan
nagmula ang ponolohiya sa griyegong:
(phone, tunog, boses)
Binububuo ng mga titik a, e, i, o at u.
PATINIG
binubuo ng mga titik b, k, d, g, h, l, m, n, ng,
p, r, s, t, w at y
Katinig
Pinagsamang tunog ng patinig (a,e,i,o,u) at
malapatinig (w at y).
DIPTONGGO
Magkasamang tunog ng dalawang ponemang katinig
sa isang pantig.
KLASTER
Pares ng salita na magkaiba ang kahulugan ngunit magkatulad ang bigkas maliban sa isang ponema.
PARES-MINIMAL
Magkaibang ponemang matatagpuan sa magkatulad na kaligiran na hindi nagdudulot ng pagpapabago sa kahulugan ng salita.
PONEMANG MALAYANG NAGPAPALITAN
Lakas o pagtaas ng tinig sa pagbigkas ng isang pantig ng salita
nakapagpapabago sa kahulugan nito.
DIIN
Pagtaas at pagbaba ng tinig sa pagbigkas ng salita o
pahayag na makapagbibigay ng iba’t ibang kahulugan
batay sa damdamin.
TONO/INTONASYON
Saglit na pagtigil sa pagsasalita upang higit na maging malinaw
ang mensaheng ipinahahayag
HINTO/ANTALA
ang pag-aaral ng mga paraan
o sistema ng pagbuo ng mga salita sa pamamagitan ng mga
morpema.
morpolohiya o palabuuan