Kakayahang Diskorsal Flashcards
nangangahulugan na
“pag-uusap at palitan ng kuro”
diskurso
tumutukoy sa
kakayahang umunawa at
makapagpahayag sa isang tiyak na
wika.
kakayahang diskorsal
Kahusayan ng isang indibidwal sa pagbasa at
pag-unawa ng iba’t ibang teksto gaya ng
mga akdang pampanitikan, gabay
instruksyunal, transkripsyon, at iba pang
pasulat na komunikasyon.
kakayahang tekstuwal
Tumutukoy sa kahusayan sa isang indibidwal
na makibahagi sa kumbersyon. Ito ang
kakayahang unawain ang iba’t ibang
tagapagsalita at makapagbigay ng pananaw at
opinyon.
kakayahang retorikal
-napahahaba ang mga pangungusap sa pamamagitan ng mga
katagang gaya ng pa, ba, naman, nga, pala at iba pa.
Pagpapahaba sa pamamagitan ng kataga
-napapahaba ang pangungusap sa tulong ng panuring na na
at ng.
Pagpapahaba sa pamamagitan ng panuring
-napapahabaang mga pangungusap sa pamamagitan ng
komplemento o bahagi ng panaguri na nagbibigay kahulugan
sa pandiwa.
Pagpapahaba sa pamamagitan ng komplemento
-isinasaad ang gumawa ng kilos. Pinangungunahan ng
panandang ng, ni at panghalip.
Komplementong Tagaganap
-isinasaad kung sino ang nakikinabang sa kilos; pang-ukol
na para sa, para kay, at para kina.
Komplementong Tagatanggap
-Ang panandang sa at ang mga panghalili nito ang
nangunguna sa komplementong ito.
Komplementong Ganapan
-Isinasaad ang gumagawa o ng kilos. Dahil sa o kay at mga
panghalili nito.
Komplementong Sanhi
-Isinasaad ang bagay na ipinahahayag ng pandiwa; ng
Komplementong Layon
-Isinasaad ang instrumentong ginamit upang maisakatuparan
ang kilos; sa pamamagitan ng at mga panghalili nito.
Komplementong Kagamitan
-nagtatambal ang dalawang payak na pangungusap sa
pamamagitan ng mga pangatnig na at, ngunit, datapwat,
subalit, saka, at iba pa.
Pagpapahaba sa pamamagitan ng pagtatambal