Kakayahang Komunikatibo ng mga Pilipino at Kakayahang Pragramatiko Flashcards
Mahalagang magkaroon ka ng kaalaman at kasanayan sa pagpili ng ____ na mga salita at paraan ng paggamit nito sa mga usapan o talakayan batay sa kausap, pinag-uusapan, lugar, panahon, layunin at grupong kinabibilangan.
Nag-iiba ang gamit at paraan o estilo ng paggamit ng wika depende sa ____.
kausap
Iba ang estilo o pananalita maging salitang ginagamit ng isang guro kapag ang kausap ay punongguro. Iba rin estilo sa pagsasalita at gamit na salita kapag kapwa n’ya guro ang kausap. Lalong iba ang estilo at gamit na salita kapag estudyante ang kausap
kausap
Nag-iiba ang kahulugan ng salita depende sa pinag-uusapan.
batay sa pinaguusapan
Ang kahulugan ng “travel” ay lakbay o paglalakbay kung ang pinaguusapan nyo ay paglalakbay o bakasyon, subalit kapag ang pinag-uusapan ninyo ay basketbol, ang “travel” ay tumutukoy sa isang paglabag o violation.
batay sa pinaguusapan
Ang salitang banas sa Quezon ay nangangahulugan ng inis o iyamot, subalit sa mga karatig lugar nito ang banas ay nagpapahayag ng mainit na panahon.
lugar
Ang mga salitang ito ay sumibol at laging bukang-bibig noong panahon na ginagamit ito.
panahon
Noong 80’s hanggang 90’s laging ginagamit ang luksong-tinik, tumbang-preso at syatong ng mga batang naglalaro, samantalang ngayon bukang-bibig ang ML at on-line games.
panahon
Ang pagbibilang ng isang guro sa loob ng klase ang may layuning pabilisin ang ginagawa o pagpasa ng papel. Ang layunin nya sa isa, dalawa, tatlo ay hindi para magbilang o wala naman talaga siyang binibilang, kundi ito ay panuto
layunin
Bawat grupong kinabibilangan ay may sariling paraan o ___ sa paggamit ng wika.
estilo
Ang mga doktor ay may sariling ____ o paraan sa pagsasalita at paggamit ng salita. Ang mga mangingisda ay mga salitang sila lang marahil ang nakauunawa. Maging ang mga tinatawag nating nasa ikatlong kasarian ay iba ang paraan sa paggamit ng wika o kaya naman ay may sarili silang wika.
estilo
Bibigyan kita ng reseta para sa sakit mo.
Mahihinuhang salita ito ng doktor para sa kanyang pasyente
Lagyan mo ng pain ang kawil para meron kang mahuli.
Mahihinuhang salita ito ng isang mangingisda para sa kanyang bagong kasama.
Ang sipag niya kasi. Ha-Gardo Versoza na ang hombre sa maghapong pamamasada.
Mahihinuhang sinasabi ng isang lalaki na may pusong babae na tinatawag na gay lingo sa kanyang kausap na poging lalaki.
Ang estilo o pamamaraan sa paggamit ng salita ay tinatawag na ___
register