Kabanata 3 Flashcards
Dalawang uri ng komunikasyon.
- Pormal at impormal
- Berbal at ‘di berbal
Inaasahan ang pino at ayon sa rehistro ang wika. Direkta o ‘di maligoy at seryoso ang tono, gayundin ang balangkas o pagkakasunod-sunod ng impormasyon ay depinido.
Pormal na komunikasyon
Hindi kailangang maging mapili sa gagamiting mga salita, ang tono ay hindi seryoso, at may laya sa lahat ng aspeto.
Impormal na komunikasyon
Lahat ng salitang pasulat o pasalita ay ginagamit at maaaring literal o nakatagong mensahe sa likod ng bawat salita.
Berbal na komunikasyon
Mga galaw ng katawan, ekspresyon ng mukha, tunog na ‘di salita, amoy, espasyo, at iba pang simbolo.
‘Di berbal na komunikasyon
Limang antas ng komunikasyon.
- Intrapersonal na komunikasyon
- Interpersonal na komunikasyon
- Pangkatang komunikasyon
- Pampublikong komunikasyon
- Pangmadlang komunikasyon
Isa lamang ang tagapagdala at tagatanggap ng mensahe.
Intrapersonal na komunikasyon
Nagsasangkot lamang ng dalawa o higit pang tao. Maaaring nag-umpisa sa mababaw na hangarin hanggang sa malalim.
Interpersonal na komunikasyon
Nagaganap sa pagitan ng isang grupo na kadalasan ay para sa isang komong layon kung saan magkakakilala ang mga kasangkot. Ito ay madalas sa binubuo ng 3-15 miyembro.
Pangkatang komunikasyon
Higit na malaki ang bilang ng mga participant at hindi magkakakilala ang mga ito. Dinadaluhan ito ng general public.
Pampublikong komunikasyon
May pinakamalawak na nararating at pinaka hindi personal dahil sa daluyan nito na karaniwan ay telebisyon, pahayagan, radyo, at internet broadcast.
Pangmadlang komunikasyon