Kabanata 2 Flashcards
Kabuuang ginagawa ng mga tao kung nais na lumikha ng unawaan sa isip ng iba na kinasasangkutan ng patuloy ng pakikipag-usapap, pakikinig, at pag-unawa.
Komunikasyon
Proseso ng pagpapasa at pag-unawa sa impormasyon mula sa isang tao patungo sa kapwa.
Komunikasyon
Pagpapalitan ng impormasyon, ideya, at opinyon ng kalahok sa proseso.
Komunikasyon
Proseso ng pagpapasa ng nararamdaman, ugali, kaalaman, paniniwala, at ideya.
Komunikasyon
Pagkakaunawaan sa pagitan ng mga kalahok sa prosesong ito.
Komunikasyon
Ano ang tatlong dahilan ng pakikipagkomunikasyon ng tao?
- Pangangailangan upang makilala ang sarili.
- Pangangailangan makisalamuha o makihalubilo.
- Pangangailangang praktika.
Ano-ano ang walong elemento ng komunikasyon?
- Sender
- Receiver
- Mensahe
- Daluyan
- Sagabal
- Tugon
- Epekto
- Konteksto
Tumutukoy sa nagpapadala ng impormasyon.
Sender
Tumatanggap ng mensahe.
Receiver
Impormasyong ipinapadala ng sender na maaaring berbal at di-berbal.
Mensahe
Channel upang maiparating ang mensahe.
Daluyan
Iba’t ibang elemento na maaaring maging sanhi ng hindi pagkakaunawan.
Sagabal
Ano-ano ang anim na uri ng sagabal?
- Pisyolohikal
- Pisikal
- Semantiko
- Teknolohikal
- Kultural
- Sikolohikal
Kaugnayan sa kondisyon ng pangangatawan.
Pisyolohikal na sagabal
Sagabal na matatagpuan sa kapaligiran.
Pisikal na sagabal
Nakaugat sa wika.
Semantikong sagabal
Nakaugat sa problemang teknolohikal.
Teknolohikal na sagabal
Nakaugat sa kultura, tradisyon, paniniwala, at relihiyon.
Kultural na sagabal
Nakaugat sa pag-iisip ng mga tao sa proseso ng komunikasyon tulad ng biases at prejudices.
Sikolohikal na sagabal
Tumutukoy sa feedback ng tagatanggap ng mensahe.
Tugon
Tumutukoy sa kung paano naapektuhan ang tagatanggap ng mensahe.
Epekto
Tumutukoy sa lugar, kasaysayan, at sitwasyon.
Konteksto
Paano naipapakita ang pagiging sensitibo sa lahat ng pagkakataon sa tuwing nag-uusap?
Pag-alam sa kultura
Tumutukoy sa pagiging malay ng isang taong ang pagkakatulad at pagkakaiba ng kultura ng bawat lipunan ay buhay ng walang pag-uri kung alin ang tama at mali.
Cultural Sensitivity