kabanata 2 Flashcards
isang gawaing kinakaharap araw-araw ng bawat isa magmula sa pagsilang hanggang sa pananatili sa mundo, nagaganap ang pakikipagkomunikasyon
komunikasyon
komunikasyon ay hango sa salitang Latin na “__”
communis
“komunikasyon” naman ay hango sa Kastila, at naging panumbas sa Tagalog ang katawagang ___
pakikipagtalastasan
Ang communis ay nangangahulugang __ o ___
panlahat o para sa lahat
Ang KOMUNIKASYON ay kabuuang ginagawa ng tao kung nais niyang lumikha ng unawaan sa isip ng iba na kinasasangkutan ng patuloy na pakikipag-usap, pakikinig at pag-unawa.
Louis Allen (1958)
Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapasa at pag-unawa sa impormasyon mula sa isang tao patungo sa kanyang kapwa.
Keith Davis (1967)
Ang komunikasyon ay pagpapalitan ng impormasyon, ideya, opinyon, o maging opinyon ng mga kalahok sa proseso.
-Newman at Summer (1977)
Ang komunikasyon ay isang pagkakaunawaan sa pagitan ng mga kalahok sa prosesong ito
Keyton (2011)
Ang komunikasyon ay isang proseso ng pagpapasa ng nararamdaman, ugali, kaalaman, paniniwala at ideya sa pagitan ng mga nabubuhay na nilalang.
Birvenu (1987)
MGA DAHILAN NG PAKIKIPAGKOMUNIKASYON NG TAO
a. Pangangailangan upang makilala ang sarili
b. Pangangailangang makisalamuha o makihalubilo
c. Pangangailangang praktikal
KAHALAGAHAN NG KOMUNIKASYON
1.Sa pamamagitan ng mahusay at maayos na pakikipag-usap at pakikisalamuha sa kapwa, mas lalo tayong nagkakaroon ng pagkakaintindihan at pagkakaunawaan.
2.Ito ang ginagamit ng tao upang matalakay ang mga bagay na mayroong kinalaman sa mga suliraning panlipunan at maipaabot sa kinauukulan upang matugunan ang mga pangunahing pangangailangan ng mamamayan.
3.Ito ang paraan natin upang makipag-ugnayan sa ibang tao, para tayo ay magkaunawaan at magkaintindihan.
4.Sa pamamagitan ng komunikasyon natutugunan at nagagampanan ang mga pang-araw-araw na gawain sa buhay.
5.Nalilinang ang kakayahang makipag-uganayan at makipagpalitan ng impormasyon sa ibang tao.
6.Isa itong paraan upang mas maunawaan at maintindihan natin ang pananaw at opinyon ng ibang tao.
7.Upang maipahayag, maihatid at maibigay ang impormasyon sa mabisang paraan.
Ang __ at __ ng komunikasyon ay maaaring tayain batay sa ekspektasyon sa magaganap na proseso at sa kung sino-sino at paano maisasagawa ang prosesong ito.
pormalidad at impormalidad
Mga salik na dapat isaalang-alang;
- Uri ng wikang gagamitin
- Balangkas ng komunikasyon
Tumutukoy ang __ sa pagkakasunuod-sunod ng mga segment ng komunikasyon.
balangkas
depinido o tiyak ang balangkas
pormal
may laya
impormal
Ito ay uri ng komunikasyon kung saan ang impormasyon aynaibabahagi o naihahatid sa pamamagitan ng mgasalita. Maaaring pasulat o pasalita
berbal
(sa mga rally – mga nakasulat sa banner)
berbal
Ito ay uri ng komunikasyon kung saan ang impormasyon ay naibabahagi o naihahatid sa pamamagitan ng kilos o galaw gaya ng senyas, ng pagtaas ng kamao, pagkakapit-bisig at iba pa.
di-berbal
Mga sangkap o elementong bumubuo sa proseso ng komunikasyon;
a. Sender (Nagpapadala)
b. Mensahe
c. Daluyan / Tsannel
d. Reciever (Tagatanggap)
e. Sagabal
f. Tugon
g. Epekto
h. Konteksto
uri ng mensahe
1). mensaheng pangnilalaman
2). mensaheng relasyunal o di-berbal
pisikal na daluyan kung saan ipinapadala ang mensahe mula sa nagpadala sa tumanggap.
daluyan/tsannel
uri ng sagabal
1) Semantikong sagabal
2) Pisyoslohikal na sagabal
3) Pisikal na sagabal
4) Teknolohikal na sagabal
ito ay mga salita na may dalawa o higit pang kahulugan
semantikong sagabal
matatagpuan mismo sa katawan ng nagpadala o tagatanggap ng mensahe, halimbawa kapansanan sa paningin o pagsasalita.
pisyolohikal na sagabal
kapaligiran (halimbawa: ingay, init)
pisikal na sagabal
mga ginagamit sa pakikipagkomunikasyon – koneksyon (internet)
teknolohikal na sagabal
pagkakaiba -iba ng mga kinalakhang paligid at nakagawiang kultura.
sikolohikal na sagabal
ito ang sitwasyon kung saan nabuo ang proseso ng komunikasyon. Kasama dito ang mga emosyonal, sosyal, mga kadahilanan na nararapat, atbp.
konteksto
Antas ng Komunikasyon
Intrapersonal
Interpersonal
Pampubliko
Pangmadla