Kabanata 19 Flashcards
Pamagat at tauhan sa kabanata 19
“Mga Suliranin ng Guro” mga tauhan: Crisostomo Ibarra, guro, Padre Damaso, at Sakristan Mayor
Sino ang kasama ni Crisostomo Ibarra sa talampas?
isang lalaking guro
Ano ang pinagusapan nila Ibarra at ang guro?
pinagusapan nila ang tungkol kay Don Rafael at ang mga suliranin ng guro at mag-aaral
Bakit ayaw ng guro na magpasalamat si Ibarra sa kanya?
Dahil malaki na ang utang na loob ng guro kay Don Rafael
Bakit ayaw ng guro na magpasalamat si Ibarra sa kanya?
Dahil malaki na ang utang na loob ng guro kay Don Rafael
Ano ang mga naiambag ni Don Rafael sa pag-aaral ng mga bata?
Siya ay nagbigay ng mga gamit sa paaralan at nagbigay ng kaunting salapit sa mga mag-aaral
Ano-ano ang mga suliranin ng mga bata sa kanilang pag-aaral?
Ang mga bata ay walang motibasyon o hindi nagaganyak, sila ay nagbabasa at nagsasaulo ngunit hindi nila naiintindihan
Bakit nagagalit ang kura sa guro?
dahil ang paaralang ginagamit ay ang silong ng kumbento at pag napapalakas ang basa ng mga ito ay nagigising ang kura
Ano ang dapat taglayin ng isang guro upang siya ay igalang?
Dapat ay may dignidad, malakas ang loob at malayang makapagdesisyon
Bakit nagulat si Padre Damaso sa guro?
Dahil marunong ang guro magsalita ng wikang kastila at ayaw ni padre damaso na gamitin ang wikang kastila dahil dapat ay tagalog lamang
Bakit hindi sinuway ng guro ang kura?
Dahil baka masuplong siya sa alkalde
Bakit nagalit ang kura sa paraan ng pagtuturo ng guro?
Dahil hindi na ito gumagamit ng pamalo ngunit wala siyang magawa kundi ibalik ito dahil gusto ni Padre Damaso at ng mga magulang
Ano-ano pa ang itinuro ng guro sa mga mag-aaral?
Kasaysayan ng Pilipinas at Relihiyon (misteryo, trisagio, at Doctrina Cristiana)
Ano ang sinabi ni Ibarra sa guro?
Sinabi nito na ibabahagi niya ito sa pagpupulong na gaganapin kasama ang tinyente mayor