Kabanata 17 Flashcards
Pamagat at mga tauhan sa kabanata 17
“Si Basilio” mga tauhan ay sina Sisa at Basilio
Ano ang ipinakiusap ni Basilio kay Sisa?
Ipinakiusap ni Basilio na huwag sabihin na siya’y natamaan ng bala, at sabihin lamang na siya ay nalaglag sa puno.
Ano ang napanaginipan ni Basilio?
Napanaginipan niya ang nangyari kay Crispin
Ano ang isinabi ni Basilio sa kanyang ina nang siya’y nagising?
Sinabi niya ang plano niya para sa kanilang tatlo nina Sisa at Crispin. Ayaw na ni Basilio na magsakristan, gusto na lamang nyang magtrabaho sa bukiran, Makikiusap siya kay Ibarra na gawin siyang tagapastol ng kalabaw o baka at pagsiya’y nasa tamang edad na, sana ay pagkatiwalaan siya ni Ibarra sa isang lupa na mapagsasakahan.
Ano ang sinabi ni Basilio na gawin ni Sisa kinabukasan?
Sunduin si Crispin at sabihin na ayaw nang magsakristan ni Basilio
Ano ang naging reaksyon ni Sisa sa plano ni Basilio?
Natuwa si Sisa ngunit nalungkot dahil hindi kasama si Pedro sa mga plano ni Basilio