Imperyong Ottoman Flashcards
Ang Imperyong Ottoman
Ang imperyong Ottoman ay isa sa mga pinakamalakas at pinakamatagal na imperyong namamayani sa kasaysayan ng daigdig.
Ang malaking bahagi ng Kanlurang Asya, Silangang Asya, at Hilagang Aprika ay napasailalim ng Imperyong Ottoman sa loob ng mahabang panahon.
Nagmula ang pangalan ng Ottoman kay Osman
Naabot nito ang ruok ng kapangyarihan o ginintiuang
panahon sa ilalim ng pamumuno ni Sultan Suleyman
“The Magnificent”
Pagpalawak ng Teritoryo ng Imperyong Ottoman
Mula 1520-1566 ay lumawak ang teritoryo ng mga Ottoman mula kanlurang Asya; Hilagang Aprika; kabilang ang mga bansa sa Balkan tulad ng Gresya, Yugoslovia, Albana, Romania, at Bulgaria. Napasakamay din ng imperyo ang malaking bahagi ng Hungary sa ilog Danube.
Mandate System
ISANG KONSEPTO NG IMPERIAL TRUSTEESHIP. ANG ISANG BANSA NA NAGHAHANDA NA PARA SA KALAYAAN O SA PAGSASARILI NG BANSA AY IPASASAILALIM MUNA SA PATNUBAY NG ISANG BANSANG EUROPEO.
Ika 15 hanggang Ika 19 Dataon
- Noong panahon na iyon nagging sentro ang imperyo ng pag-aaral ng mga kaalaman na mula sa Gresya, Roma, at iba’t ibang bahagi ng Asya.
Sa pagpanaw ni Suleyman pawang mahihinang lider
ang humalili sa kanya, kabilang na dito ang kanyang anak na si Selim Il
Sultan Selim II
Unang nagging hakbang ni Selim Il ang pag-agaw sa Cyprus mula sa Venice.
Humantong ito sa labanan sa Lepanto noong 1571.
Tinulungan ng Espansya ang mga estado ng Papa, at ang Austria ang Venice na nagresulta sa pagkatalo ng mga Ottoman.
Labanan sa Vienna
Pagsapit ng 1683 sinalakay ng puwersang Ottoman ang Vienna sa pinamumunuan ni Kara Mustafa subalit sila ay muling nabigo na tinaguriang Labanan sa Vienna.
Digmaang Banal na Liga
Muling nakaranas ng matinding pagkatalo ang mga Ottoman sa Digmaang Banal na Liga na binubuo ng Austria, Poland-Lithuania, Venice, at Rusya noong 1683.
Humantong ito sa Kasunduan ng Karlowitz kung saan binitawan ng mga Ottoman ang ilan sa kanilang mga teritoryo sa Hungary at Balkan.
Kasunduan ng Karlowitz
Kasunduan kung saan binitawan ng mga Ottoman ang ilan sa kanilang mga teritoryo sa Hungary at Balkan.
Digmaang Crimean
Inagaw ng Rusya ang Balkan sa imperyo na tinutulan naman ng iba pang bansang kanluranin kung kaya nagsimula ang Digmaang Crimean noong 1853.
Tinulungan ng Sardinia, Pransiya, at Britanya ang Imperyong Ottoman sa panahon ng digmaan. Natalo ang Rusya at napilitan itong pumirma sa isang kasunduan sa Paris noong 1856.
Kasunduan sa Paris
Nakasaad sa kasunduan ang, pagbabalik ng Rusya ng mga lupaing inagaw nito sa Imperyong Ottoman at pagbabawal dito na magkakaroon ng hukbong pandagat sa Black Sea upang mapigilan ang anumang tangka nitong pagsalakay.
Pagbagsak ng Imperyong Ottoman
Nakaranas din ng mga suliraning panloob ang Imperyong Ottoman
Dahil dito nagsagawa ng reporma ang mga Ottoman na nakatuon sa modernisasyon ng pamahalaan, ekonomiya, at edukasyon sa imperyo na kinilala na Tanzimat. Ngunit hindi nagging matagumpay ang mga ginawang reporma, kung kaya nag-alsa ang ilang mga teritoryong nasasakupan ng imperyo.
Noong 1877, sa tulong ng Rusya at Serbia, nagsagawa ng pag-aalsa ang Bosnia, Herzegovina, at Bulgaria laban sa pamamahala ng Imperyong Ottoman kung saan natalo ang mga Turkong Ottoman.
Pagsapit ng 1878, nagkaroon ng kasunduan sa San Stefanto sa pagitan ng mga Ruso at Ottoman na nagtatakda sa pagkakaloob ng Imperyong Ottoman ng kasarinlan ng Romania, Montenegro, Bosnia, Herzegovina, at Bulgaria.