Imperyong Byzantine Flashcards
Imperyong Byzantine
Ito ang silangang bahagi ng Imperyong Romano at
naitatag nang ilipat ni Constantine ang kabisera ng Imperyong Romano sa Byzantium noong 330 C.E.
Tinatawag din itong Constantinople
Lokasyon ng Imperyong Byzantine
Ang lokasyon nito ay nasapagitan ng rutang pangkalakalan ng Asya at Europa
Ang lokasyon din ay nakatulong nang Malaki upang
magkaroon ito ng malakas na ekonomiya.
produktong ikinakalakal sa imperyo
telang seda mula Tsina
karpet mula Persia
mamahaling bato mula India at Aprika.
Justinian
Isang mahusay na pinuno ng
Imperyong Byzantine
Namuno mula 527 C.. hanggang
565 C.E.
Pinalawak ang imperyo pakanluran
upang muling mabawi ang mga
dating teritoryo ng Imperyong
Romano.
Theodora
Nagmula sa mahirap na
pamilya bago siya
pinakasalan ni Justinian
noong 525 C.E.
Nakatulong ng malalaki
sa pamamahala ni
Justinian.
Justinian Code
Inutos din nya ang pagpapatipon ng mga
batas na nakabatay sa batas ng mga Romano.
Binubuo ng apat na bahagi:
- Code - mga batas na ipinatupad mula pa sa
panahon ni Hadrian ng Rome. - Institutes - batayang aklat ng mga nag-aaral
ng batas - Digest - mga batas ng Republikong Roman.
- Novellae - mga bagong batas na isinulat ni
Justinian
Hagia Sophia
Tinatawag din itong Church of the Holy Wisdom na itinatag ni Emperor Justinian sa Constantinople noong 530 C.E.
Malaon ay naging Mosque at sa kasalukuyan ay isang Museo.
Kinailangan ng 10,000 tao upang magawa ito.
Patriarch
Ang tawag sa mga namumuno at nagbibigay mungkahi sa mga mahahalagang pasya para sa Imperyo.
Ang pinakamataas na pinuno ng Simbahang Orthodox
Schism
Ang tuluyang paghihiwalay ng Simbahang
Kristiyano noong 1054.
Paghina ng Imperyo
Ang Imperyong Byzantine ay
humina sa patuloy na pagsalakay ng
mga Muslim. Sa huli, ang lungsod ay
nakuha ng Ottoman Turks noong
tong 1453.