hjh Flashcards
Kaugnay ng prinsipyo ng katamaan, katunayan, katiyakan, katapatan, kataimtian at mabuting paniniwala.
katotohanan
Bawat tao ay obligasyon sa Diyos ang paggalang sa buhay dahil ang buhay ay galing sa Kanya kaya’t walang sinuman ang maaaring kumuha ng sariling buhay o buhay ng iba maliban sa Kanya.
pag papahalaga sa buhay
Maipapakita ang malasakit sa kapwa sa pamamagitan ng pagtulong na walang inaasahang
kapalit.
Pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa
Mahalaga ang pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos na lahat ay makakaya at posible.
pananampalataya
Mahalaga ang paggalang sa mga pamayanan dahil tumutulong ito sa mga tao na makibagay sa ibang mga tao.
paggalang
Ang pagpapanatili ng kung ano ang tama sa paraang walang kinikilingan. May paggalang sa karapatan ng kapwa mamamayan.
katarungan
Pagkakaroon ng katahimikan o walang kaguluhan at kapanatagan.
kapayapaan
Pamilya ang pangunahing institusyon ng lipunan. Dito unang tinuturuan ang mga bata tungkol sa kultura at tradisyon ng bansa.
Pagkalinga sa pamilya at salinlahi
Ginagamit ang talento at kahusayan sa anumang pamamaraan upang makatulong sa ikabubuti ng mas nakararami. Ginagawa ang gawain nang matiyaga at may pagmamahal.
Kasipagan
Lahat ng tao ay may responsibilidad na alagaan ang kalikasan at lahat ng nilikha ng Diyos sa pagkasira nito.
Pangangalaga sa kalikasan at kapaligiran
Ang pakikipagtulungan ng bawat tao na mapag-isa ang ninanais at saloobin para sa isang maayos na layunin.
Pagkakaisa
Isa sa mga ipinagmamalaking ugali ng mga Pilipino ay ang tinatawag na “bayanihan”. Hindi hinihintay kung ano ang magagawa ng bayan sa tao sa halip ginagawa ng tao ang magagawa para sa bayan.
Kabayanihan
Ang pagiging malaya na gawin ang mabuti, kumilos ayon sa batas na ipinapatupad ng bansa at paggawa ng tungkulin ng isang taong may dignidad.
kalayaan
Ang pagkilala, paghikayat at pakikibahagi sa pagsasabuhay sa mga batas ng lipunan. Isa ito sa mga susi sa pag-unlad ng lipunan.
pagsunod sa batas