Group 3 - Mensahe ng Traditional na Komedya Flashcards
Ano ang komedya
Isang tradisyunal na dulang Pilipino na nagmula sa Spanish comedia de capa y espada.
Kailan unang ginamit ng mga Espanyol ang komedya
1766
paano ginamit ng mga Espanyol ang Komedya
bilang kasangkapan ng ebanghelisasyon
Ano ang karaniwang kwento sa komedya?
labanan ng kristiyano at Muslim, kung saan palaging nanalo ang Kristyano
Layunin ng Komedya
palakasin ang kristiyanismo at panatilihin ang kapangyarihan ng mga kolonisador
Sino ang may kontrol sa komedya
- prayle
- landlords
- karaniwang tao
sa anong paraan kinokontrol ng mga prayle ang komedya
nagbibigay ng pahintulot at suporta sa pagtatanghal
sa anong paraan kinokontrol ng mga landlords o mayayamang may-ari ng lupa ang komedya
Nagpopondo sa gastos ng produksyon kagaya ng kasuotan, musika, at pagkain
sa anong paraan kinokontrol ng mga karaniwang tao ang komedya
Nagtatayo ng entablado, nagluluto, at minsan ay lumalahok sa palabas
Ano ang isa sa mga sikat na linya sa Komedya
“Utos ng hari, hindi mababali”
Ano ang epekto ng komedya sa lipunan
- Pinapalakas ang kolonyal na sistema
- Pinanatili ang pagsunod ng mga Pilipino sa mga Espanyol
- Inilayo ang atensyon ng mga tao sa tunay na suliranin sa lipunan
Ano ang “religious superiority” sa tradisyonal na komedya
tumutukoy sa pagbibigay-diin sa kahalagahan ng pananampalataya at relihiyon sa buhay ng mga tao.
Ano ang ipinapakita sa religous superiority
- pagpapakita ng mga birhen at santo
- pagbibigay-diin sa mga moral na aral
- pagpapakita ng mga milagro at himala
- pagbibigay-diin sa kahalagahan ng pananampalataya.
Nagtatampok ng mga banal na tauhan upang ipakita ang kanilang kahalagahan sa pananampalataya.
Pagpapakita ng mga birhen at santo
Nagbibigay-diin sa mga aral ng Kristiyanismo tulad ng pagmamahal, pagpapatawad, at pagiging matuwid.
Pagbibigay-diin sa mga moral na aral
nagpapakita ng mga himala upang ipakita ang kapangyarihan ng Diyos at ng mga santo
Pagpapakita ng mga milagro at himala
Nagbibigay diin sa kahalagahan ng pananampalataya sa buhay ng mga tao at nagpapakita ng mga benepisyo ng pagiging matuwid at may pananampalataya
Pagbibigay-diin sa kahalagahan ng pananampalataya
Anong relihiyon ang itinaguyod ng komedya
relihiyong kristiyano, partikular na ang Katolisismo, bilang nag-iisang tunay na relihiyon na mananaig laban sa lahat ng iba pa.
Base sa komedya, sa lahat ng reliyon, ito ang itinuturing na pinakamasama at mapanganib sa
Islam
Ano ang naging epekto ng pagpapakita sa komedya na ang Islam ay pinkamasama at mapanganib
- Kinamumuhian at kinakatakutan sila ng kolonisadong Kristiyano o indio.
- Naging imposible ang alyansa ng katutubong muslim at Kristiyano laban sa Espanya
Paano pinalakas ng komedya ang pangingibabaw ng Kristiyanismo
sa pamamagitan ng pagpapakita sa Katolisismo bilang tanging tunay na pananampalataya.
Ano ang inilalarawan sa mga script ng komedya
inilalarawan ang Kristiyano bilang marangal at matapang, samantalang ang mga moro ay duwag at walang dangal.
ipininta bilang duwag at masama, na nagpapatibay sa pananakop ng Espanya.
Moro
kinonsidera bilang “magandang lahi” dahil sa kanilang pisikal na anyo.
Kristiyano