FPL Flashcards
- ay nagbibigay-impormasyon din sa mga nakakabasa nito.
- Karaniwang malalaki ang sukat at estilo ng pagkakasulat ng mga paunawa at babala at matatagpuan sa isang lugar na madaling makita.
- Tiyak at direkta ang kadalasang paraan ng pagkakasulat ng mga paunawa at babala, hindi sobrang haba at kuha agad ang ibig iparating na mensahe upang mabilis na maalala.
Paunawa/Babala at Anunsiyo
Ang__ ay isang pag-aaral na ginagawa upang malaman ang iba’t ibang sangkap at epekto ng iminumungkahing produkto at/o serbisyo at kung ito ay naaayon sa pangangailangan sa pamilihan.
Feasibility Study
Mahalagang magawa ang feasibility study upang matiyak ang matagumpay na paglulunsad ng isang produkto o serbisyo.
Kahalagahan ng isang Feasibility Study?
Nagbibigay ng kabuuang pagtanaw ng lalamaning feasibility study. Madalas, huli itong sinusulat kapag buo na ang lahat ng iba oang bahagi.
Pangkalahatang Lagom/ Executive Summary
Malinaw na inilalarawan sa bahaging ito ang produkto/serbisyong inimumungkahing ibenta/ibigay.
Paglalarawan ng Produkto/ o Serbisyo
Ipinapaliwanag nito ang mga konsiderasyong kinakailangan kaugnay ng aspektong teknolohikal.
Kakailanganing Teknikal na Kagamitan
Inilalarawan sa bahaging ito ang pamilihan kung saan ibibigay o ibebenta ang produkto. Tinitiyak ng bahaging ito ang iba pang kaparehong produkto o serbisyong ibinibigay at kung ano ang bentahe nito sa iba pang produkto/serbisyo.
Marketplace
Tatalakayin sa bahaging ito ang paraan kung paano maipaaabot sa gumagamit ang produkto/serbisyo. Iniaayon ng marketing ang kahilingan at kaparaanan kung paano mahihikayat na kunin ang produkto/serbisyo.
Estratehiya sa Pagbebenta
Tinitiyak sa bahaging ito ang mga tao at ang kanilang espesipikong trabaho para sa produkto at/o serbisyo.
Mga Taong may Gampanin sa Produkto at/o Serbisyo
Itinatakda sa bahaging ito ang panahon kung kailan dapat magawa ang mga produkto/serbisyo.
Iskedyul
Tinitiyak sa bahaging ito kung mayroong nakikitang benepisyong pampananalapi.
Projection sa Pananalapi at Kita
Inilalahad sa huling bahagi ang paglalagom at pagbibigay-mungkahi batay sa ikalawa hanggang sa ikawalong bahagi.
Rekomendasyon
Ang __ ay isang dokumento na nagsasaad ng sunod-sunod na pangyayari o kaganapan sa isang tao o grupo ng tao.
Naratibong Ulat
Dahil ang naratibong ulat ay isang pagtatala ng nangyari o kaya’y posibleng mangyari pa, mahalaga ito upang magkaroon ng sistematikong dokumentasyon ang mga nangyari o kaya’y kaganapan na mababalikan kapag kinakailangan.
Kahalagahan ng Naratibong Ulat
Importante na ang pagsusulat ng naratibong ulat ay magsisimula at magtatapos batay sa nangyari.
Kronolohikal na pagkakaayos