FILPILA 12 Flashcards
Ang apat na rason kung bakit laging nagsusulat ang tao
- Libangan
- Paglahad ng ideya o kaalaman
- Para makatamo ng kasanayan
- Para sa kanilang propesyon
Ano ang pagsulat ayon kay Mabilin, 2012?
Ang pagsulat ay ang pagpapahayg ng kaalamang hinding-hindi maglalaho.
Ang pagsulat ay naisasalin
Ang kaalaman nito ay mananatiling kaalaman.
Ang 5 na makrong kasanayan
Pagbasa
Pakikinig
Panonood
Pagsulat
Pagsasalita
Alin sa 5 na makrong kasanayan ang pinaka importante at bakit?
Sulat at Salita
Dahil dito naipapamalas ng tao ang kanilang alam sa pamamagitan ng paglabas ng impormasyon.
Ayon kay Royo, 2001 ano ang layunin ng pagsulat?
Ang makapagbahagi ng iyong mga ideya, kaalaman, paniniwala, at karansan.
Ayon kay Royo, bakit nakakatulong ang pagsulat?
Ang pagsulat ay nagbibigay ng plataporma upang maibahagi ng manunulat ang kaniyang saloobin at ideya. Mas nakikilala ng manunulat ang kanyang sarili (kalakasan/ kahinaan, tayog ng kaisipan at kamalayan)
Ano ang 2 uri ng sulatin ayon kay Mabilin?
Expresibo/ Personal: damdamin, ideya, saloobin
Sosyal/ Panlipunan: interactions– liham, pananaliksik, tesis…
Ano ano ang benepisyo ng pagsulat?
(keywords!)
1. Mag organisa sa OBHETIBONG pamamaraan
- Kasanayan sa PASGURI ng datos
- MAPANURING pagbasa
- MATALINONG paggamit ng silid aklatan
- Magdulot ng KASIYAHAN sa bagong-diskubreng impormasyon
- PAGKILALA at PAGGALANG sa mga gawa at akda
- PANGANGALAP ng datos sa iba’t-ibang batis ng kaalaman.
Mahalaga ang pagkakaroon ng ______ o _______ sa kung paano maging mahusay na manunulat.
Interes o Wastong kaalaman
Behikulo upang maisatitik ang impormasyong nakalap;
Wika
Tama o Mali: Mahalagang alamin kung anong klase ng wika ang wastong gamitin para sa iyong sulatin
TAMA
Ang pinaguusapan o tema ng sulatin
Paksa
Ang motibo ng pagsulat
Para kanino ang sulatin?
Ano ang nais mong ipahiwatig?
Layunin
Ang writing style o paano isinulat ang sulatin
Pamamaraan ng pagsulat
5 Pamamaraan ng pagsulat
Impormatibo
Ekspresibo
Naratibo
Deskriptibo
Argumentatibo
Ang uri ng pamamaraan ng pagsulat kung saan nais magbigay ng impormasyon ng manunulat
impormatibo
Ang uri ng pamamaraan ng pagsulat na nagbabahagi ng damdamin
Ekspresibo
Ang uri ng pamamaraan ng pagsulat na nagk’kwento sa sunod-sunod na pamamaraan
Naratibo
Ang uri ng pamamaraan ng pagsulat na naglalarawan ng katangian ng isang paksa
Deskriptibo
Ang uri ng pamamaraan ng pagsulat na naglalayong manghikayat o mangumbinsi
Argumentatibo
Tinatalakay nito ang pag analisa ng datos, lohikal na pagiisip, malinaw na pagpapaliwanag, at obhetibong pagsuri
Kasanayang pampagiisip
Dito makikita ang teknikal na aspekto ng pagsulat: wastong gamit ng bantas, paggamit ng maliit at malaking titik, tamang baybay, pagsulat ng makabuluhang pangungusap
Kaalaman sa wastong pamamaraan ng pasulat
Dapat ang kaalaman o impormasyon ang organisado, obhetibo, at masining
Kasanayan sa paghabi ng buong sulatin
Ano-ano ang mga uri ng sulatin? (MTPDRA)
Malikhain
Teknikal
Propesyonal
Dyornalistik
Reperensyal
Akademiko
Uri ng sulatin na nagbabahagi ng damdamin, saloobin, at naglalayong magbigay ng aliw
Malikhaing pagsulat
Uri ng sulatin na naglalayong talakayin at magbigay solusyon sa isang suliranin ng komunidad
Teknikal na pagsulat
Sulatin na ginagawa sa trabaho o propesyon (Lesson plan, medical report, etc…)
Propesyonal na pagsulat
Sulatin na ginagawa ng mga peryodista at ibinabahagi ng mga mamamahayag
Dyornalistik na pagsulat