FILIPINOLOHIYA Flashcards
Sa Saligang-Batas ng Pilipinas, nagtadhana ng tungkol sa wikang pambansa: “… ang Kongreso ay gagawa ng mga hakbang tungo sa pagpapaunlad at pagpapatibay ng isang wikang pambansa na batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.”
1935 - (Seksyon 3, Artikulo XIV)
Itinagubilin ng Pangulong Manuel L. Quezon sa kanyang mensahe sa Asemblea Nasyonal ang paglikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa na gagawa ng isang pag-aaral ng mga wikang katutubo sa Pilipinas.
Okt. 27, 1936
- Hinirang ng Pangulong Manuel L. Quezon ang mga kagawad na bubuo ng Surian ng Wikang Pambansa alinsunod sa tadhana ng Seksyon 1. Batas Komonwelt bilang 184, sa pagkakasusog ng Batas Komonwelt bilang 333.
Enero 12, 1937
Pinagtibay ng Batasang-Pambansa ang Batas Komonwelt Blg. 184 na lumilikha ng isang Surian ng Wikang Pambansa at itinatakda ang mga kapangyarihan at tungkulin niyon.
Nob. 13, 1936
() - Batas Komonwelt Blg. 184, ang Surian ng Wikang Pambansa a nagpatibay ng isang resolusyon na roo’y ipinahahayag ay na ang Tagalog ay “siyang halos lubos na nakatutugon sa mga hinihingi ng Batas ng Komonwelt Blg. 184,”
Nob.9, 1937
() Bilang pag-alinsunod sa tadhana ng Batas ng Komonwelt Blg. 184, sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 ay ipinahayag ng Pangulong Quezon ang Wikang Pambansa na batay sa Tagalog.
Dis. 30, 1937
Pinagtibay ang Batas ng Komonwelt Blg. 333, na nagsususog sa ilang seksiyon ng Batas ng Komonwelt Blg. 184.
Hunyo 18, 1937
() - binigyang-pahintulot ang pagpapalimbag ng isang Diksyunaryo at isang Gramatika ng Wikang Pambansa, at itinakdang mula sa Hunyo 19, 1940 ay pasisimulan nang ituro ang Wikang Pambansa ng Pilipinas sa lahat ng paaralang-bayan at pribado sa buong bansa.
Abril 1, 1940
)-Pinalabas ng Kalihim Jorge Bocobo ng Pagtuturong Pambayan ang isang Kautusang Pangkagawaran: ito’y sinundan ng isang sirkular (Blg. 26, serye 1940) ng Patnugot ng Edukasyon Celedonio Salvador.
Abril 12, 1940
()- Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 12 na nagpapahayag ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa simula sa Marso 29 hanggang Abril 4 taun-taon, napapaloob sa panahong saklaw ng pagdiriwang ang Araw ni Balagtas (Abril 2).
Marso 26, 1954
()- Nilagdaan ng Pangulong Ramon Magsaysay ang Proklama Blg. 186 na nagsususog sa Proklama Blg. 12 serye ng 1954, na sa pamamagitan nito’y inililipat ang panahon ng pagdiriwang ng Linggo ng Wikang Pambansa taun-taon simula sa ika-13 hanggang ika-19 ng Agosto.
Set. 23, 1955
() - Pinalalabas ng Kalihim Jose E. Romero ng Kagawaran ng Edukasyon ang Kautusang Pangkagawaran Blg. 7, na nagsasaad na kailan ma’t tutukuyin ang Wikang Pambansa, ang salitang PILIPINO ay siyang gagamitin.
Agosto 13, 1959
() Naglagda ang pangulong Marcos ng isang Kautusang Tagapagpaganap (Blg. 96), na nagtatadhanang ang lahat ng gusali, edifisyo at tanggapan ng pamahalaan ay pangangalanan na sa Pilipino.
Oct. 24, 1967
()- Pinalabas ng Kalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas ang Memorandum Sirkular Blg. 172 na nagbibigay diin sa p ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 96, at bilang karagdagan ay iniaatas din na ang mga “letterhead” ng mga kagawaran, tanggapan, at mga sangay ng pamahalaan.
Marso 27, 1968
() Memorandum Sirkular Blg. 199 na pinalabas 1 - Kalihim Tagapagpaganap Rafael M. Salas na nananawagan sa mga pinuno at empleyado ng pamahalaan na dumalo sa mga seminar sa Pilipino na idaraos ng Surian ng Wikang Pambansa sa lahat ng purok pangwika.
Agosto 5, 1968