Filipino Quiz 3 Module 13 - 16 Flashcards
Isang paraan ng pang-araw-araw na pagpapahayag
na dapat matutunan. Nauuri ayon sa pakay o layunin ng pagpapahayag na inihahatid ng instrumentong ginamit dito.
Paglalarawan
Ano ang dalawang uri ng paglalarawan?
Karaniwang Paglalarawan at Masining na Paglalarawan
UriPaglalarawan. Ang layunin ay makapaghatid o makapagbigay ng dagdag na kaalaman.
Karaniwang Paglalarawan
UriPaglalarawan. Ang guni-guni ng bumabasa ay pinagagalaw upang makita ang isang buhay na buhay na larawan.
Masining na Paglalarawan
Ano ang limang hakbang sa masining na paglalarawan?
- Pagpili ng Paksa
- Pagbuo ng Pangunahing Larawan
- Pagpili ng Sariling Pananaw
- Pagkakaroon ng Kaisahan
- Pagpili ng Angkop na Pananalita
HakbangPaglalarawan. Isinasaalang-alang ang malawak na kaalaman o pagkakilala sa tao o lugar na ilalarawan; Ito ang laging unang isinasaisip.
Pagpili ng Paksa
HakbangPaglalarawan. Ito ang pangkalahatang
kabuuan ng isang tao, hayop, bagay, pook o pangyayari na nais agad maitanim sa isip.
Pagbuo ng Pangunahing Larawan
HakbangPaglalarawan. Pansariling pagtingin ng
tagapaglarawan.
Pagpili ng Sariling Pananaw
HakbangPaglalarawan. Bawat detalyeng babanggitin sa teksto
ay tumutulong sa pagbuo ng kabuoan ng isang pangunahing bagay.
Pagkakaroon ng Kaisahan
HakbangPaglalarawan. May kasanayan sa pagpili ng
mga salitang maaaring magpagalaw ng imahinasyon ng kanyang tagatanggap.
Pagpili ng Angkop na Pananalita
Ito ay nagsasaad ng mga pangyayari o karanasang
magkakaugnay; Itinuturing ito na pinakamasining,
pinakatanyag at tampok na paraan ng pagpapahayag; Ito ay sinasabing pinakamatandang uri ng pagpapahayag sapagkat dito nagsimula ang
alamat, epiko at mga kwentong bayan.
Pagsasalaysay
Mga Katangian ng Salaysay:
Kaakit-akit na pamagat may orihinalidad, makahulugan at di pangkaraniwan
Mahalagang paksa, makabuluhan, may mabuting aral at kaisipan
Makatawag-pansin sa simula, gumagamit ng iba’t ibang teknik tulad ng salitaan, pagtatanong, paglalarawan sa tauhan, lugar o pangyayari
Angkop na pananalita gumagamit ng mga salitang babagay sa salaysay, dapat nakadarama o nararanasan ng bumabasa ang isinasalaysay
Maayos na pagkakasunod-sunod o pagkakabuo ng salita may sapat na dahilan ang bawat pangyayari, gumamit ng mga upang maging kaakit-akit tulad ng parang patumbalik (flashback) sa pag-uusap
Kasukdulan kapana-panabik na bahagi ng isang salaysay.
Magandang wakas na nag-iiwan ng magandang aral, kakintalan at di agad mahuhulaan ang huling bahagi o ilang mga eksena.
Isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong mabigyang-linaw ang isang konsepto o kaisipan, bagay o paninindigan upang lubos na maunawaan ng nakikinig o bumabasa.
Paglalahad
Ano ang 4 na katangian ng paglalahad?
Kalinawan, Katiyakan, Kaugnayan, Diin
KatangianPaglalahad. Dapat maunawaan ng nakikinig o bumabasa ang anumang pahayag.
Kalinawan
KatangianPaglalahad. Dapat nakatuon lamang sa paksang tinatalakay.
Katiyakan
KatangianPaglalahad. Kailangang may kaugnayan ang lahat ng bahagi ng talata o pangungusap at magkakaugnay sa bagay na pinag-uusapan.
Kaugnayan
KatangianPaglalahad. Dapat may wastong pagpapaliwanag sa pagtalakay.
Diin
Ano ang tatlong bahagi ng paglalahad?
Panimula, Gitna, Pangwakas
BahagiPaglalahad. Kailangang may magandang _____ na makatawag-pansin sa mambabasa.
Panimula
BahagiPaglalahad. Ito ang magbibigay ng detalye sa
isang paksa.
Gitna
BahagiPaglalahad. Sa bahaging ito matatagpuanang pangngusap na magtatapos sa paliwanag tungkol sa paksa o kaisipan.
Pangwakas
5 paraan para sa magandang panimula (paglalahad):
a. Tanong
b. Makatawag-pansin na pangungusap
c. Paggamit ng kuwento
d. Gamit ang Diyalogo
e. Paggamit ng tuwirang-sipi