Filipino Quiz 2 Module 7-12 Flashcards
Ano ang walong (8) paraan ng pangangalap ng datos?
Sinupan
Pakikipanayam o Interbyu
Focus Group Discussion
Pagsasagawa ng Sarbey
Imersyon
Pag-eeksperimento
Obserbayon
Internet Website
Paraan. Pagkuha sa aklat, journal, magasin, at pahayagan ng isang silid-aklatan o library, upang makahanap ka ng mga impormasyon na kailangan sa iyong pag-aaral.
Sinupan o Archival Research
Paraan. Pakikipag-usap sa isang eksperto tungkol
sa paksang pinag-aaralan mo. Maaring pormal o di pormal na panayam.
Pakikipanayam o Interbyu
Dalawang klase ng interbyu:
Pormal na Panayam
Di-pormal na Panayam
Interbyu. Pinaghahandaan ang mga tanong at itinatakda sa espesipikong lugar at panahon. Mayroon itong pormal na abiso o imbitasyon.
Pormal na Panayam
Interbyu. Kadalasang ginagawa sa kapamilya, kamag-
anak, o kaibigan. Maaaring sabihan ang kapapanayamin sa araw mismo ng panayam. Kaswal ang usapan sa panayam na ito.
Di-pormal na Panayam
Paraan. Isang halimbawa rin ng pakikipanayam ngunit sa apat o higit pang kalahok na may magkakaparehong karanasan na maaaring kapupulutan ng impormasyong tungkol sa iyong pananaliksik.
Focus Group Discussion
Paraan. Pagpapasagot sa mga respondente ng
talatanungan kung saan ang kanilang tugon ay makatutulong sa iyong pag-aaral.
Pagsasagawa ng Sarbey
Paraan. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng sadyang paglalagay sa iyong sarili sa isang karanasan o pakikisalamuha sa isang grupo ng tao ng pagkukuhaan ng tiyak na kaalaman.
Imersyon
Paraan. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagsubok ng isang bagay bago sumulat ng akda o anumang pag-aaral.
Pag-eeksperimento
Paraan. Isinasagawa ito sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga bagay-bagay, tao o pangkat, pangyayari, at mga katangian na kaugnay ng paksa.
Obserbasyon
Paraan. Tinatawag na hanguang elektroniko
Internet Website
Ano ang kahulugan ng URLs
Uniform Resource Locators
Internet Website.
a. Saan nagtatapos ang patungkol sa institusyon ng edukasyon o akademiko?
b. Nagmumula sa organisyon?
c. Mula sa komersyo o bisnes?
d. Mula sa institusyon o sangay ng pamahalaan?
a. .edu
b. .org
c. .com
d. .gov
Ano ang dalawang hanguan ng impormasyon o datos?
Hanguang Primarya at Hanguang Sekondarya
Hanguan. Datos na nagmula sa tuwirang pinanggalingan ng impormasyon.
Hanguang Primarya
Hanguan. Datos na nagmula sa tao o organisasyong hindi tuwirang pinanggalingan ng impormasyon. Maaaring pinagpasahan lamang ito ng impormasyon, ngunit hindi direktang nakasaksi o nakaranas ng
pinag-aaralang pangyayari.
Hanguang Sekondarya
Halimbawa ng hanguang primarya:
Mga indibidwal o awtoridad, mga grupo o organisasyon, mga kinagawiang kaugalian at orihinal na pampublikong kasulatan o dokumento,
Halimbawa ng hanguang sekondarya:
Mga aklat tulad ng diksyunaryo, ensayklopedia, taunang-ulat o yearbook, almanac at atlas, mga nalathalang artikulo sa journal, magasin, pahayagan at newsletter, mga tisis, disertasyon, at pag-aaral sa pisibility, nailathala man, ang mga ito o hindi at, mga monograp, manwal, polyeto, manuskrito at iba pa.
Ang ________ ay tumutukoy sa mga nakalap na patunay mula sa mga isinasagawang pag-aaral.
Datos
Kapag ang mga datos ay dumaan na sa pagpoproseso o pagsusuri, tinatawag itong ______________.
Impormasyon
Ano ang pitong (7) na tamang paggamit ng mga datos na nakalap?
Pagpapakahulugan
Abstrak
Tuwirang Sipi
Sinopsis o Lagom
Sinstesis
Presi/Presis
Hawig (Paraphrase)
PATSSPH
Tamang Paggamit. Maaari mo itong bigyan ng sariling interpretasyon at pag-unawa sa teksto.
Nakadepende sa tayog at lalim ng pag-iisip ng isang tao.
Pagpapakahulugan
Tamang Paggamit. Maaaring tuwirang kunin lalo na at malaki ang kinalaman nito sa gagawing sulatin.
Kino-quote ang mahalagang pahayag.
Tuwirang Sipi
Tamang Paggamit. Mula sa kompletong datos, isusulat ito sa SARILING PANGUNGUSAP na mas PINAIKLI ngunit ang DIWA AY NAROON.
Sinopsis o Lagon
Tamang Paggamit. Mula sa sari-saring datos, PAGSASAMA-SAMAHIN upang magdugtong-dugtong at makabuo ng bagong ideya.
Sintesis
Tamang Paggamit. Gagawa ng PINAKAMIKLING buod ng mahahalagang punto, pahayag, ideya, at impormasyon.
Presi/Presis
Tamang Paggamit. Ang tiyak na datos ay ipapahayag ng ibang ideya sa pamamagitan ng IYONG SARILING PANANALIYA. Pagdaragdag at pagkakaltas.
Hawig (Paraphrase)
Tamang Paggamit. LAGOM NG ISANG PINAL NA PAPEL. Hindi konkreto ngunit may intro, suliranin, saklaw, etc.
Abstrak
Ang salitang etika ay galing sa anong salitang Griyego? Ano ang kahulugan nito?
Ethos = Karakter
Saang salitang ugat galing ang etika? nangangahulugang?
ethicos = moral, moral na karakter
Ang ________ ay uri ng proteksyong ipinagkakaloob ng batas ng Pilipinas sa mga awtor o may-akda sa kanilang mga orihinal na likha o imbensyon.
copyright
Ang copyright ay isang legal na paraan o instrumento na nagbibigay sa mga manlilikha ng tanging karapatang maglathala at magbenta ng kanilang mga gawa o likha, na kilala sa tawag na ____________.
intellectual property
Ang intellectual property ay protektado sa anong law?
Copyright Law ng Pilipinas o Republic Act No. 8293
Ano ang dalawang likha na sakop ng Copyright Law?
- Orihinal na Literatura at Likhang Sining
- Mga Likhang May Pinagbatayan (Derivative Works)
Ang ___________ ay pangongopya o paggamit sa ideya o gawa ng ibang tao nang walang pagkilala rito.
plagiarism
Ano pa ang ibang kaso ng plagiarism?
Pagsubmit ng papel na gawa ng iba.
Redundant Publication
Self-Plagiarism
Pagparami ng listahan ng sources kahit hindi naman talaga ito ginamit
Mga estilo ng dokumentasyon.
a. Ano ang APA?
b. MLA?
c. CMS?
a. American Psychological Association
b. Modern Language Association
c. Chicago Manual of Style
Estilo. Isa itong samahan ng mga propesyonal na sikolohista sa Estados Unidos na naglatag ng mga estilo o format sa wastong paraan ng pagsulat.
Larangang edukasyon, sikolohiya, agham
APA American Psychological Association
Estilo. Ito ay prospesyunal na samahang itinatag ng mga guro at iskolar para itaguyod ang pag-aaral ng wika at panitikan.
Humanidades, wika, at panitikan.
MLA Modern languages Association
Estilo. Ginagamit sa pagsulat ng mga batayang aklat o teksbuk at iba pang lathalain.
CMS Chicago Manual of Style
CMS. Estilo na kadalasang ginagamit sa panitikan,
kasaysayan, at sining.
Tala at Bibliyograpiya
CMS. Estilo na ginagamit sa pisikal, likas, at agham
panlipunan.
Awtor-Petsa
Ano ang dalawang paraan sa pagsulat ng isang direktang sipi?
Sinisipi ang buong pahayag at sa ILALIM ang pangalan ng nagsabi.
Ipinapasok ang pangalan sa loob ng talata.
Ano ang sampung estratehiya sa mapanuring pagbasa?
Brainstorming
Iskiming
Iskaning
Previewing
Contextualizing
Reflecting
Evaluating
Questioning
Outlining & Summarizing
Comparing & Contrasting
BIIPCEREQ OS CC
Estratehiya. Pasaklaw na pagbasa o mabilis na pagbasa
upang makuha ang pangkalahatang ideya.
Iskiming
Estratehiya. Pagbasa nang mabilisan na hindi gaanong binibigyang-pansin ang mahahalagang salita.
Iskaning
Estratehiya. Ito ay isang paraan ng isang tao o grupo upang magkaroon ng kalayaang makapagbigay ng opinyon o input sa pangkahalatang ideya kaugnay sa isang tekstong babasahin.
Brainstorming
Estratehiya. Ito ang pagbasa na hindi muna ganap o buo ang sinusuri sa binabasang teksto bagkus kinukuha muna ang mga detalye upang makuha ang pangkahalatang pagkaunawa sa kabuuan ng teksto.
Previewing
Estratehiya. Ito ang pagsasaayos ng teksto sa paraang historikal, biograpikal at nakabatay sa kontekstong kultural.
Contextualizing
Estratehiya. Ito ay naglalaman ng mga katanungan
upang mas mapalalim ang pagkakaunawa sa nilalaman
ng teksto.
Questioning
Estratehiya. Ito ay pagbasa na kung saan nakabatay sa sariling pagpapakahulugan mula sa nakalimbag sa
teksto. Kung saan maaaring nakaimpluwensiya sa iyong pag-uugali, prinsipyo at pinaninindigang paniniwala sa buhay.
Reflecting
Estratehiya. Pagkilala sa panguhanging ideya at pagpapahayag ng sariling detalye tungkol sa paksa.
Ang o___________ ay nagsisilbing larawan ng pangunahing ideya at mahalagang detalye.
Ang s___________ ay isang buod na pinaikling argumento upang makabuo ng balangkas.
Outlining & Summarizing (Pagbabalangkas at Pagbubuod)
Estratehiya. Sinusuri nito ang pagiging lohikal ng teksto, kredibilidad at ang epektong pang-emosyonal.
Evaluating an Argument
Ang ________ o __________ ay nagpapahayag ng konklusyon-ideya,opinyon at husga ng manunulat na nais paniwalan ng mambabasa.
Punto o Claim
Estratehiya. Sa pamamagitan ng paggamit ng paghahambing at pagkokontrast nagagawa ng
manunulat na mapaunawa ang paksa sa mambabasa.
Comparing and Contrasting