FILIPINO aralin 10 Flashcards
Ito ay nagsisilbing proposal na kailangan ihanda para mapagsimulan ang isang
pananaliksik.
Kadalasan ito ay ginagawa bago talakayin ang isang akademikong sulatin
KONSEPTONG PAPEL
mga bahagi ng konseptong papel
1.) PAHINANG PAMAGAT
2.) KALIGIRAN NG PAG-AARAL
3.) MGA PRELIMINARING KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
4.) PAGLALAHAD NG SULIRANIN
5.) PAMAMARAAN
6.) INAASAHANG OUTPUT O RESULTA
7.) MGA REPERENSYA
8.) MGA APENDIKS
9.) CURRICULUM VITAE
Ito ay kakikitaan ng panukalang pamagat ng papel pananaliksik
PAHINANG PAMAGAT
Ito ay maikling panimula. Talakay ito na kakikitaan ng rasyunale ng
papel. Babanggitin dito ang “ano at bakit” ng papel. Tungkol saan ang
papel at bakit isasagawa ang panukalang papel na ito.
KALIGIRAN NG PAG-AARAL
Mga talakay sa mga piling kaugnay na literatura at pag-aaral.
Babanggitin dito ang pinaka may kaugnayan sa isasagawang pag-aaral.
MGA PRELIMINARING KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL
Isusulat ng proponent ng pananaliksik ang kanilang pangunahing layunin at isusunod naman ang mga tiyak na suliraning nais isakatuparan sa panukalang papel pananaliksik.
PAGLALAHAD NG SULIRANIN
Ito ang metodolohiya ng pananaliksik.
Isusulat ang lahat ng mga nakaplanong estratehiya sa pagbuo ng pananaliksik.
PAMAMARAAN
Ilalahad ang inaasahang kalalabasan o magiging resulta ng pananaliksik o pagaaral.
INAASAHANG OUTPUT O RESULTA
Ito ay talaan ng mga sangguniang ginamit.
MGA REPERENSYA
Ito ay pahina / mga pahina na kakikitaan ng mga dokumento na may kaugnayan sa papel.
(documentation)
MGA APENDIKS
Ito ay datos na maglalarawan kung sino / sino-sino ang mga proponent ng papel
na ito.
CURRICULUM VITAE