Filipino Flashcards
ito ay naglalarawan sa pisikal na katangian tulad ng hitsura, kulay, sukat, hugis, ugali, amoy, o lasa
pang-uring panlarawan
ito ay salitang naglalarawan na binubuo lamang ng salitang-ugat
payak
ito ay salitang naglalarawan na binubuo ng salitang-ugat na may panlapi
maylapi
ito ay salitang naglalarawan na inuulit ang salitang-ugat o isang bahagi ng salita
inuulit
ito ay salitang naglalarawan na may dalawang magkaibang salita na pinagsama upang makabuo ng bagong kahulugan
tambalan
anong klaseng pang-uring panlarawan ang ganda?
payak
anong klaseng pang-uring panlarawan ang maganda
maylapi
anong klaseng pang-uring panlarawan ang kayganda-ganda?
inuulit
anong klaseng pang-uring panlarawan ang isip-bata?
tambalan
anong klaseng pang-uring panlarawan ang balat-sibuyas
tambalan
anong klaseng pang-uring panlarawan ang mahiyain?
maylapi
anong klaseng pang-uring panlarawan ang hiyang-hiya?
inuulit
anong klaseng pang-uring panlarawan ang talino
payak
ano ang tawag kung ang mga impormasyon o pahayag ay nagmula sa personal na palagay?
opinyon
ano ang tawag sa mga impormasyon o pahayag kung ito ay may batayan o ebidensiya at napatunayan dahil mula ito sa pag-aaral?
katotohanan
ang ______ ay mga salitang nagsasaad ng kilos o galaw ng isang tao, bagay, o hayop
pandiwa
ano ang tatlong aspekto ng pandiwa?
naganap o perpektibo, nagaganap o imperpektibo, magaganap o kontemplatibo
ito ay aspekto ng pandiwa na nagpapakita na ang pandiwa ay natapos na o nangyari na
naganap o perpektibo
ito ay aspekto ng pandiwa na nagpapakita na ang pandiwa ay kasalukuyang nangyayari o ginagawa
nagaganap o imperpektibo
ito ay aspekto ng pandiwa na nagpapakita na ang pandiwa ay mangyayari o gagawin pa lamang
magaganap o kontemplatibo
anong klase ng pandiwa ang nagbasa
perpektibo
anong klase ng pandiwa ang nagtatanong
imperpektibo
anong klase ng pandiwa ang babaguhin
kontemplatibo