Filipino Flashcards
Isang uri ng panitikang nasusulat sa anyong tuluyan na karaniwang
pumapaksa tungkol sa mga kaisipan at mga bagay-bagay na sadyang
kinapupulutan ng impormasyon at aliw ng mga mambabasa.
sanaysay
- Paghahatid o pagbibigay ng mga mahahalagang kaisipan o
kaalaman sa pamamagitan ng makaagham o lohikal na pagsasaayos
ng mga impormasyon - Mapitagan at gumagamit ng Ikatlong Panauhan o Pananaw sa
paglalahad.
Pormal o Maanyo
→ binibigyang-pokus ang pagbibigay-aliw at pagbibigay-lugod sa
pamamagitan ng pagtalakay sa mga pakasaing pangkaraniwan,
pang-araw-araw at personal.
→ Unang panauhan o mismong manunulat ang nagsasalita sa akda.
pamilyar o personal
- Sa istruktural na pagbibigay-kahulugan, ang pang-abay ay
nakikilala dahil sa kasama ito ng isang pandiwa, pang-uri o isa
pang pang-abay na bumubuo ng parirala. - Sa semantikang pagbibigay kahulugan, ito ay nagbibigay-turing
sa pandiwa, pang-uri o sa iba pang pang-abay. - Nagbibigay turing sa:
Pang-uri
- Tunay na maganda ang bansang Pilipinas.
Pandiwa
- Mabilis tumakbo ang mga batang nasa lansangan na nanghihingi ng limos sa daan.
Kapwa Pang-abay
- Tunay na mabilis tumakbo ang mga batang nasa
lansangan na nanghihingi ng limos sa daan.
Pang- abay
Ito ay nagsasaad kung kailan naganap
o magaganap ang kilos na taglay ng pandiwa.
Halimbawa:
Maraming mag-aaral ang sumali sa patimpalak kahapon.
Tuwing huwebes ang aming pangkatan sa Filipino.
Pamanahon
Ito ay ginagamitang ng mga salitang nang, sa, noong, kung, kapag, tuwing, buhat at iba pang salitang nagpapahayag ng
panahon.
pamanahon
Ito ay tumutukoy sa pook na pinangyarihan, pinangyayarihan o pangyayarihan ng kilos ng pandiwa.
Karaniwang ginagamitan ng pariralang sa/kay ang ganitong pang-abay. Sa ang ginagamit kapag ang kasunod ay
pangngalang pambalana o panghalip. Kay, o ang maramihan nitong kina, ang ginagamit kapag ang kasunod ay
pangngalang pangtanging ngalan ng tao.
Halimbawa:
Nakita ko ang aklat ko sa ilalim ng kabinet.
Tumawag siya kay nanay bago siya umalis.
Panlunan
Ito ay naglalarawan kung paano
naganap, nagaganap o magaganap ang kilos na ipinahayag ng pandiwa o ng isang kayariang hango sa pandiwa. karaniwan
itong ginagamitan ng panandang nang, at pang-angkop na -ng, at na.
Halimbawa:
Umuwi si Gabriel na nagmamadali.
Masayang nagkukwentuhan ang magkakaibigan.
Tumakbo siya nang mabilis para ‘di mahuli sa klase.
Pamaraan
Ito ang tawag sa mga pang-abay na nagbabadya ng di-katiyakan sa pagganap sa kilos ng pandiwa. Ang ilan sa mga
pang-abay na ito ay marahil, siguro, tila, baka, atbp.
Halimbawa:
Marami na marahil ang dumating na mag-aaral sa silid-aklatan para magsaliksik.
Tila nangungulila parin siya sa kaibigan niyang nangibang bansa.
Pang-agam
Ito ay nagsasaad ng kundisyon para maganap ang kilos na isinasaad ng pandiwa. Ang mga ito ay pinangungunahan ng
mga sugnay o parirala na kung, kapag,o pag at pagka.
Halimbawa:
Sasama ako kung sasama ka.
Uunlad ang bansa kapag natutong mahalin ng mga Pilipino ang kanyang sariling bansa.
Kundisyunal
Ito ay nagsasaad ng pagsang-ayon. Ang ilan sa ganitonpang-abay ay oo, opo, tunay, talagang, atbp.
Halimbawa:
Oo, asahan mo na dadalo ako.
Talagang mahusay ang mga mag-aaral sa klaseng ‘yon.
Syempre ibibili kita ng pasalubong pag-uwi ko galling sa Baguio.
Panang-ayon
Ang pang-abay na panggi ay gumagamit ng mga kataga na nagsasaad ng pagtanggi o hindi pagsang-ayon. Sa salitang
ugat na tanggi, ang ibig sabihin nito ay pagtutol o hindi pagpayag. Gumagamit ito ng mga katagang ayaw, hindi, ‘di,
huwag, wala, atbp.
Halimbawa:
‘Di umamin ang aking kaibigan sa kasalanang kaniyang ginawa.
Ayaw niyang umalis ngunit wala siyang nagawa.
Pananggi
Ito ay tumutukoy sa bilang o dami ng isinasaad ng pandiwa at ito ay nagsasaad ng timbang bigat o sukat.
Halimbawa:
Ako ay nadagdagan nang limang timbang.
Uminom ka ng walong basong tubig sa isang araw.
Pang-gaano o Panukat
Ito ang tawag sa pang-abay na nagsasaad ng dahilan sa pagganap ng kilos ng pandiwa. Ito ay ginagamitan ng sugnay o
parirala na dahil sa.
Halimbawa:
Nagkasakit siya dahil sa sobrang pagtatrabaho.
Nakakuha siya nang mataas na marka dahil sa pagsisikap niya sa pag-aaral.
Kusatibo
Ito ang tawag sa mga pang-abay na nagsasaad ng benepisyo ng tao kaugnay ng pagkaganap ng kilos ng pandiwa o ng
layunin ng kilos ng pandiwa.
Halimbawa:
Magtapos ka ng pag-aaral para sa iyong kinabukasan.
Ang buwis ng mga mamamayan ay ginagamit para sa pagpapabuti ng bayan.
Benepaktibo