Filipino Flashcards
- Isang kuwentong nagbibigay-diin sa banghay o maayos na daloy ng mga pangyayari.
Kuwentong Makabanghay
Maayos o masinop na daloy ng magkakaugnay na pangyayari sa mga akdang tuluyan
katulad ng maikling kuwento.
Banghay
pagpapakilala ng mga tauhan, tagpuan, at suliraning kahaharapin
Panimulang pangyayari
nagkakaroon ng pagtatangkang malutas ang suliraning magpapasidhi
sa interes o kapanabikan
Papataas na pangyayari
pinakamasidhing bahagi kung saan haharapin ng pangunahing tauhan ang
kanyang suliranin
Kasukdulan
matatamo ng pangunahing tauhan ang layunin
Pababang pangyayari
Magkakaroon ang kuwento ng isag makabuluhang wakas
Resolusyon/Wakas
ginagamit upang pagdugtungin ang mga sumusunod ✓ salita sa iba pang salita ✓ parirala sa iba pang parirala ✓ sugnay sa iba pang sugnay ✓ tinatawag din itong PANGATNIG
PANG-UGNAY
pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kuwento
Banghay
oras, lugar, kalagayan, at kondisyon ng lipunan maging ang kasaysayan
Tagpuan
tumutukoy ito sa protagonist, antagonista, at pangalawang tauhan sa kuwento
Tauhan
tumutukoy ito sa taong nagsasalaysay sa kuwento
Pananaw
Tatlong Mga Pahayag na Ginagamit ng isang Kuwento
Pagsisimula, Pagpapadaloy, Pagtatapos
- Isang mahabang likhang sining na nagpapakita ng mga pangyayariing pinagdikit sa
pamamagitan ng mga kabanata - Ginagawa sa isang malikhaing pagsasalaysay ng pangyayari
Nobela
Maayos o masinop na daloy ng magkakaugnay na pangyayari sa mga akdang tuluyan
katulad ng nobela
Banghay
tumutukoy sa protagonista (bida), antagonista (kontra-bida), at pangalawang tauhan
ng nobela
Tauhan
oras, lugar, kalagayan, at kondisyon ng lipunan maging ang kasaysayan
Tagpuan
labanan sa pagitan ng magkakasalungat na puwersa
Tunggalian
kasingkahulugan:
nakalilis
nakatupi
kasingkahulugan:
maluwat
matagal
kasingkahulugan:
maaantala
mahuhuli
kasingkahulugan:
humahangos
nagmamadali
kasingkahulugan:
pagkahampas-lupa
mahirap
tumutukoy sa tao laban sa mga elemento at puwersa ng kalikasan. Ito ay maaaring ulan, init, lamig, bagyo, lindol, pagsabog ng bulkan, at iba pa.
Pisikal (tao laban sa kalikasan)
Ang tao ay laban sa kapwa tao o ang tao laban sa
lipunang kanyang ginagalawan. Ang problema ng tao o kasawian ay dulot ng iba o ng
bagay na may kaugnayan sa lipunan gaya ng diskriminasyon o iba pang bagay na tila di
makatarungang nagaganap sa lipunan.
Panlipunan (tao laban sa kapwa tao)
Ito ay tunggalian ng tao laban sa kanyang
sarili. Masasalamin dito ang dalawang magkasalungat na hangad o pananaw ng iisang tao.
Panloob o sikolohikal (tao laban sa sarili)
Limang Mga Elemento ng Tula
Saknong Indayog Tugma Imahen Talinghaga
Apat na Karaniwang Paksa ng
Isang Tula
Tulang Makabayan
Tula ng Pag-ibig
Tulang Pangkalikasan
Tulang Pastoral
Nagtataglay ito ng mga taludtod na naglalahad ng isang ideya
Saknong
Ang tono kung paano binibigkas ang mga taludtod
Indayog
Pagkakatulad ng mga tunog sa dulo ng mga salita
Tugma
Paggamit ng mga larawang nakikita batay sa mga karanasan ng isang tao
Imahen
Hindi tuwirang paglalahad ng salita
Talinghaga
nagsasaad ng maalab na pagmamahal sa bayan at nagpapahayag ng
damdaming nasyonalismo
Tulang Makabayan
may kinalaman sa pagmamahalan ng dalawang magsing-irog, maalab na pagsinta
ng isang tao sa kanyang minamahal. Maging ang kasawian sa pag-ibig ay bahagi ng paksang ito.
Tula ng Pag-ibig
nagbibigay-diin sa kahalagahan ng kalikasan sa buhay ng tao
Tulang Pangkalikasan
nagbibigay-diin sa mga katangian ng buhay sa kabukiran, gayundin sa kagitingan
at kadakilaan ng mga magsasakang matiyagang nagbubungkal ng mga lupa, at maging ang kahalagahan ng pagsasaka sa ekonomiya ng bansa
Tulang Pastoral
- Isang uri ng pagpapahayag na ang pangunahing layunin ay magpatunay ng katotohanan at pinaniniwalaan at ipatanggap ang katotohanang iyon sa nakikinig o bumabasa.
- Kailangang ang katwurian ay nakabatay sa katotohanan upang ito ay makahikayat at makaakit nang hindi namimilit
Ang Pangangatuwiran (Pakikipagdebate)
4 na Mga Hakbang sa Paghahanda sa Pakikipagdebate
- Pangangalap ng Datos
- Ang Dagli
- Pagtatanong
- Panunuligsa
Payak o hayagang paghahambing ng 2 bagay na magkaiba
Pagtutulad (SIMILE)
Tiyak ang paghahambing ng 2 bagay na magkaiba
Pagwawangis (METAPHOR)
Sadyang pinaliliit o pinalalaki ang kalagayan o katayuan ng bagay, tao, pangyayari
Pagmamalabis (HYPERBOLE)
Pahayag ito na ang katangian, gawi, at talino ng tao ay isinasalin sa karaniwang bagay
Pagsasatao (PERSONIFICATION)
binabanggit dito ang bahagi bilang pagtukoy sa kabuuan
PAGPAPALIT-SAKLAW (SYNECDOCHE)
Pagtawag o pagkausap nang may masidhing damdamin sa tao o bagay na animo’y kaharap ng kausap
Panawagan (APOSTROPHE)