ESP Flashcards
Ito ay mula sa salitang “lipon” na ang ibig sabihin ay
PANGKAT. Binubuo ng mga pangkat na maaaring may
pagkakapareho at pagkakaiba sa interes, paguugali, ideya o saloobin. Ito ay binubuo ng iba’t ibang komunidad.
LIPUNAN
Ito ay mula sa salitang “communis” na ang ibig sabihin ay common o pagkakapare-pareho. Pinagsama-sama ang mga kasapi ng komunidad hindi dahil
may misyon silang dapat tuparin kung hindi dahil mayroon silang pagkakapare-pareho sa isa’t isa.
KOMUNIDAD
Anong Bible Verses ito?
43 Dahil sa maraming himala at kababalaghang nagagawa sa pamamagitan ng mga apostol,
naghari sa lahat ang takot.
44 Nagsasama-sama ang lahat ng sumasampalataya at ang kanilang mga ari-arian ay para
sa kanilang lahat.
45 Ipinagbibili nila ang kanilang mga ari-arian at ang napagbilhan ay ipinamamahagi sa bawat
isa ayon sa kanyang pangangailangan.
46 Araw-araw, sila’y nagkakatipon sa Templo, masayang nagpipira-piraso ng tinapay sa
kanilang mga tahanan, at may malinis na kalooban.
47 Nagpupuri sila sa Diyos, at kinalulugdan rin sila ng lahat ng tao. At bawat araw ay
idinaragdag sa kanila ng Panginoon ang mga inililigtas.
GAWA 2:43-47
ang determinasyong itakda ang sarili sa kabutihang panlahat at
kabutihan ng bawat tao dahil tayo ay responsible sa bawat isa.
pagkakaisa
✓ Ang paggalang sa indibidwalidad ng tao
- Dapat nating galangin ang karapatan ng bawat isa.
✓ Ang tawag ng katarungan o kapakanang panlipunan ng pangkat
- Ang mga nasa katungkulan ay inatasan upang pumagitna sa iba’t ibang institusyon
upang makamit ang kabutihang panlahat
✓ Ang Kapayapaan
- Obligasyon ng bawat isa ang magtulungan upang protektahan ang lipunan at ang bawat
miyembro nito ayon sa sinasabi ng batas at sa pamamagitan ng hustisya.
Mga Elemento ng Kabutihang Panlahat
Ito ay pantay na karapatang pantao sa edukasyon, trabaho,paninirahan, maging ang
paggamit ng mga pampublikong mga pasilidad.
Konsensiyang Sibil
Kanya-kanyang paninindigan at paniniwala sa kakayahan ng mga pinuno. Ito ay base sa
ating paniniwala para sa kaayusan ng ating lipunan.
Mga Paninindigan Ukol sa Pulitika
Mahalagang alam natin na tayo ay may demokrasya o kalayaan at may sarilingkarapatan
bilang mga Pilipino at bilang tao na nilikha ng Diyos. Ngunit palagi natin limitahan ang
bagay na ito upang mapanitili ang kaayusan sa ating komunidad at lipunan na
kinabibilangan.
Kamalayan Tungkol sa Sariling Kalayaan at Karapatan
Sa pamamagitan ng mga aral mula sa salita ng Diyos ay maging mabuti ang iyong paguugali at pakikipagkapwa. Magbasa ng bibliya at makinig ng salita ng Diyos sa
pamamagitan ng pagdalo ng mga Gawain sa simabahan.
Materyal at Espiritwal na Kayamanan
Anong Bible Verses ito?
Narinig ninyo na sinabi noong Una, “Mahalin mo ang iyong kaibigan, at kapootan mo ang iyong
kaaway”. Ngunit sinasabi ko sa inyo na mahalin ninyo ang inyong mga kaaway at ipanlangin
ninyo ang mga umuusig sa inyo.
Mateo 5: 43-44.
Ayon sa Second Treatise of Government ni \_\_\_\_\_\_\_\_\_\_, magkaugnay ang lipunang sibil at lipunang politikal dahil ang mga sibilyan o mamamayan ang bumubuo ng isang pamahalaan.
John Locke
Ito ay uri ng gobyerno na hindi
ginawa para maibigay ang lahat ng pangangailangan
ng bawat indibidwal.
Lipunang Sibil
Ito ay nagsasalarawan sa
sistemang nagbibigay pansin sa organisasyon,
kaayusan, at pamahalaan.
Lipunang Politikal
Ito ay pampolitikang paraan ng pagsasaayos ng
lipunan upang masiguro na ang bawat isa ay
malayang magkaroon ng maayos na pamumuhay,
makamit ang pansariling mithiin sabay ang
kabutihang panlahat.
Lipunang Politikal
Nilikha ng mga tao ang ganitong kapangyarihan upang ipatupad ang mga batas at parusahan ang mga lalabag sa mga ito.
EHEKUTIBO
Executive