DALFIL_FT Flashcards
Tumutukoy sa halaga ng gamit ng bawat isa.
Sukatan
Tumutukoy sa pinagbabatayang usapin.
Laman
Antas ng pagkasangkapan sa kaisipan.
Sipat
Ang relasyon ng katauhan sa proseso ng pagbubuo ng teorya/dalumat.
Agwat
Ang gawaing ito ay
maihahalintulad sa isang makasariling/pansariling paglalakbay sa
mundo ng karanasan.
Pagdadalumat
Ito ay ang pagdudugtong-dugtong ng mga
marubdob na karanasan gamit ang alaala upang humabi ng
hinahanap na kahulugan ng buhay.
Pagdadalumat
TAMA O MALI:
Ang theoros ay isang maglalakbay kung saan, siya ay naglilibot sa iba’t-ibang lugar, manonood ng mga kaganapan, at maghahabi ng sariling ulat tungkol sa mga bagay na kaniyang nasaksihan (wandering) at naranasan sa kaniyang paggagala at paglilibot (wondering)
MALI
TAMA O MALI
Ang theoros ay isang maglalakbay kung saan, siya ay kabilang sa mga nakaluklok sa kapangyarihan, sa halip siya ay isang malayang mamamayan ng Polis.
MALI
TAMA O MALI:
Sa Pagteteorya, ang sariling ulat ay walang gamit o silbi kundi ang pansariling kasiyahan at kalinangan ng may-akda.
TAMA
TAMA O MALI:
Ang pagteteorya ay bunga ng modernisasyon.
MALI
Ito ay ang sariling paraan o estilo ng manunulat na magsalaysay.
Sarilaysay
Tinitiyak dito ng mga tagaakda na ang kanilang isinusulat ay nararapat na
bigyang pansin at kritikal na pag-iisip dahil pinagmumulan ng bagong
kaalaman (magagamit sa iba’t ibang disiplina. )
Sarilaysay
Ito ay ang muling pagbibigay ng pagtingin sa
kahulugan o konsepto ng isang akda.
Rekontektuwalisasyon
written records
History
Salitang ugat nito ay “saysay” na maaaring mangahulugang 1. Salaysay o kuwento, 2. Kahulugan, katuturan, kabuluhan o kahalagahan.
Kasaysayan
Sa kabuoan, ito ay “mga salaysay na may saysay”.
Kasaysayan
TAMA O MALI:
Hindi lahat ng nasa nakaraan ay kailangang ipilit, kundi yaong may saysay lamang sa bayan upang maunawaan ang kaniyang sitwasyon at sarili.
TAMA
Sariling diskurso ng mga Filipino batay kay Zeus Salazar.
Pantayong Pananaw
Nakapaloob ang kabuoan nito sa pagkakaugnay-ugnay ng mga
katangian, halagahin, kaalaman at karunungan, hangarin, kaugalian,
pag-aasal at karanasan ng isang pangkalinangan na naihahayag sa
pamamagitan ng isang wika.
Pantayong Pananaw
Pilipinolohiya sistematikong pag-aaral sa:
Pilipinong Kaisipan
Pilipinong Kultura
Pilipinong Lipunan
Naglalayong palabasin ang pagka-Pilipino ng bawat larangan na
mayroon ang kulturang Pilipinas.
Pilipinolohiya
Ito ang pagkakaroon ng iba’t ibang opinyon at walang katapusang
talastasan.
Sagandiwa
Ito ang pagtalakay sa lalim, lawak ng diskurso ng mga Pilipino.
Sagandiwa
Ama ng Sikolohiyang Pilipino. Nagpaunlad sa SP.
Virgilio Enriquez
Tagapangulo ng Kagawaran ng Sikolohiya sa UP.
Nagsagawa sa unang pambansang komperensiya sa SP noong 1975.
Dr. Alfredo Lagmay
Ito ay bunga ng karanasan, kaisipan at inuunawa mula sa oryentasyong Pilipino.
Sikolohiyang Pilipino
Damdamin at kaalamang nararanasan.
Kamalayan
Pakiramdam sa paligid.
Ulirat
Kaalaman at pagkaunawa.
Isip
Tumutukoy sa ugali, kilos o asal.
Diwa
Daan upang mapag-aralan ang budhi ng tao na nakabatay sa kultura at wikang Filipino.
Kaluluwa
TAMA O MALI:
Ang anyo ng Sikolohiyang Pilipino ay dapat nakabatay sa kontekstong
Pilipino.
TAMA
Naipaliwanag ng mga ito ang mga pagkakamali ng mga dayuhang
lente tungkol sa Filipino time, maňana habit at ningas-kugon.
Sikolohiyang Pilipino
Sa ilalim ay may pagka-Malay, at pagka-Indones. Sa gitna ay may Tsino, mga Bombay at Kastila. Sa ilalim ay mga impluwensiyang Amerikano. May estruktura ang pagkataong Pilipino.
Teoryang Sapin-sapin
Hindi ito mainam dahil waring nagkapatong lamang ang mga impluwensiya ngunit walang naging epekto sa pagka-Pilipino.
Teoryang Patong-patong
Kagaya ng pagkaing pampalamig na ito, ang bawat sangkap ay may pangkabuoang epekto sa kung ano ang lahing Pilipino. Ngunit ang pagkatao ng Pilipino ay parang isang lalagyan lamang dahil walang sariling pagkatao.
Teoryang Halo-halo
Binubuo ito ng dalawang salita: ang Pilipino at lohiya (logos) o pag-aaral.
Pilipinolohiya
Ito ang sistematikong pag-aaral ng Pilipinong kaisipan (psche), Pilipinong Kultura at Pilipinong lipunan.
Pilipinolohiya
Ito ay nasa panloob na pagkakaugnay-ugnay at pag-uugnay ng mga katangian, halagahin, kaalaman, karunungan, hangarin, kaugalian, pag-aasal, at karanasan ng isang kabuoang pangkalinangan—na naihahayag gamit ang isang wika.
Pantayong Pananaw
TAMA O MALI:
Walang iisang pantayong pananaw noon ang mga grupong etnolingguwistiko sa buong arkipelago, sa kabila ng pagiging magkakamag-anak at pagkakahawig sa lahi at kalinangan.
TAMA
ito ay nabuo lamang noong ikalawang bahagi ng nagdaang dantaon sa pagsusumikap ng mga elite ng bahaging Kristiyano ng kolonyang Kastila.
Nasyong Pilipino
Mga Pilipinong “akulturadong grupo” ng mga dayuhan noong panahon ng unang pagkatagpo ng mga taga-arkipelago at Kastila. Halimbawa: Ang mga ladino (marunong sa wikang Kastila at Tagalog).
Elite
Ito ay ang paglilipat sa pinagsasalinang wika ng pinakamalapit na katumbas na diwa at estilong nasa wikang isinasalin.
Pagsasaling wika
Gamitan ng __________ sa Filipino ang mga
tahasang pahayag sa Ingles upang hindi maging
pangit sa pandinig.
eupemismo