CHAPTER 3 AND 4 Flashcards
Ito ay isang proseso ng pagbibigay-kahulugan ng mga simbolo at salita.
Pagbasa
Ama ng pag basa
William s. Gray
Ayon kay william s. gray, may apat na hakbang ang pag basa
Persepsyon
Komprehensyon
Reaksyon
Integrasyon
Ito ay pagkilala at pagtukoy sa mga nakalimbag na simbolo at kakayahan sa pagbigkas ng mga tunog.
Persepsyon
Ito ay pag-unawa sa mga nakalimbag na simbolo o salita.
Komprehensyon
Ito ay kaalaman sa pagpasiya o paghatol ng kawastuhan, kahusayan, pagpapahalaga at
pagdama sa teksto.
Reaksyon
Ito ay kaalaman sa pagsasanib o pag-uugnay at paggamit ng mambabasa sa kanyang dati at
mga bagong karanasan sa tunay na buhay.
Integrasyon
ay pananaw ukol sa pagbasa. Ito ay nagtatangkang ipaliwanag sa mga proseso
at salik na kasangkot at may kaugnayan sa mga gawaing nararanasan sa akto ng pagbasa at ang pag-unawa sa
mga ito (Singer at Ruddell, 1985).
Napakahalagang kasanayan dapat na matutuhan ng mga estudyante ang isang matibay na pag-unawa
sa proseso ng pagbasa.
Teorya sa pagbasa
Ang teoryang ito ay naniniwalang ang pag-unawa ay nagmumula sa isipan ng mambabasa
mayroon nang dating kaalaman at karanasan. Ang daloy ng impormasyon sa teoryang ito ay
nagsisimula sa itaas (top) patungo sa ibaba (down) na ang ibig sabihin, ang pagunawa ay batay sa
kabuuang kahulugan ng teksto.
Teoryang itaas- pababa
Ito ay salungat sa teoryang top-down. Ito ay pananaw sa pagbasa na naniniwalang ang pag-
unawa sa teksto ay batay sa mga nakikita rito tulad ng salita, pangungusap, larawan, diyagram o iba
pang simbolo.
Teoryang ibaba-pataas
Ito ang kombinasyon ng teoryang bottom-up at top-down sapagkat ang proseso ng
komprehensyon ay may dalawang direksyon (McCormick, 1998). Sa paggamit ng dalawang paraan
(bottom-up at top-down), nagaganap ang interaksyon sa pagitan ng teksto at ng mambabasa. Ito’y nabubuo mula sa kaalaman at ideya na dala ng mambabasa sa pag-unawa sa teksto.
Teoryang interaktibo
Ang lahat ng ating naranasan at natutuhan ay nakaimbak sa ating isipan o memorya. Ito ay
nagiging dating kaalaman (prior knowledge). Ito’y nakakaimpluwensya nang malaki sa pag-unawa
kung ano ang alam na o hindi alam ng mambabasa.
Teoryang iskema
ang sistema ng pag-iimbak ng impormasyon sa utak ng tao (Anderson at
Pearson, 1984). Ang dating kaalaman (iskema) ang unang kailangan sa pagunawa sa binasa upang
maunawaan ang binasang teksto. Ang iskema ay nararagdagan, nalilinang, nababago at napauunlad.
Iskemata
Katangian ng isang mahusay na mambabasa
- Ang isang mambabasa ay hindi lamang marunong kumilala ng mga salita.
- Ang isang mahusay namambabasa ay nakakakuha rin ng mas malawak na kahulugan ng salita;
natatanto niya ang gustong buuing konsepto ng isang tao; ang parirala, sugnay, pangungusap at kahit na ang sanaysay, kabanata o ang mismong buong aklat.
Kaisipan o mensaheng ipinahahatid ng awtor sa mga mambabasa. Sa tulong ng dating kaalaman at mga karanasan at pag-unawa sa kapaligiran ay kinukuha ng mambabasa ang mga konseptong nakapaloob
sa teksto.
Konsepto
May mga salita o terminolohiya na nagiging hadlang sa pag-unawa ng mambabasa sa teksto.
Talasalitaan
mga salitang ang kahulugan ay hindi makukuha sa pag-unawa
sa kahulugan ng bawat salitang bumubuo dito. Madalas na inaakala ng mambabasa na madaling
unawain ang mga salitang alam na nila.
Idyoma o matalinhagang salita
makikita ang mga salitang ito sa mga metapora o
pagwawangis.
Salitang may nalipat kahulugan
ang isang payak na salita ay maaring magkaroon ng iba’t ibang
kahulugan ayon sa paraan ng paggamit ng awtor at ng disiplinang pinaggagamitan nito.
Salitang maraming kahulugan
ang isang payak na salita ay maaring magkaroon ng iba’t ibang
kahulugan ayon sa paraan ng paggamit ng awtor at ng disiplinang pinaggagamitan nito.
Salitang maraming kahulugan
ang isang awtor ay gumagamit ng mga kasingkahulugan o kasalungat na salita ayon sa kanyang layunin o nais iparating. Kung ang
mambabasa ay hindi sanay sa pagkilala sa ganitong mahihirapan siyang unawain ang ibig sabihin
ng bawat salitang ginagamit sa teksto.
Salitang kasingkahulugan o kasalungat
paggamit ng mga tulang ang karaniwang kahulugan na kabaligtaran sa nais ipahayag. Sa pagkakataong ito, hindi ang kahulugan ng salita ang mahirap unawain kundi ang ibig sabihin ng awtor sa pagkagamit ng salita.
Ironiya o kabanlintunaan
Ang mahahaba at maliligoy na pangungusap ay nagiging hadlang sa mabilis na pag-unawa ng
mambabasa sa nilalaman ng teksto.
Istruktura ng pangungusap
Ito ay isang anyo ng panitikan na may layuning magsalaysay ng mga pangyayari sa buhay ng pangunahing
tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa.
Maikling kwento
Elemento ng maikling kwento
Tauhan
Tagpuan
Tunggalian
Banghay
Magagandang kaisipan o pahayag
Simula at wakas