Barayti ng wika Flashcards
1
Q
hindi mamamatay ang
isang wika hangga’t may mga
gumagamit pa rin ng mga ito bilang
kanilang unang wika
A
Paz, Hernandez at
Peneyra (2003)
2
Q
BARAYTI NG WIKA (6)
A
- Dayalek
- Idyolek
- Sosyolek
- Etnolek
- Register
- Pidgin at Creole
3
Q
ito ang barayti ng wikang ginagamit ng partikular na pangkat ng mga tao mula sa isang partikular na lugar tulad ng lalawigan, rehiyon o bayan
A
DAYALEK
4
Q
-Kahit iisang dayalek ang sinasalita ng pangkat ng mga tao ay mayroon pa ring pansariling paraan ng pagsasalita ang bawat isa. Ito ang tinatawag na idyolek -ito ay ang pekulyaridad sa pagsasalita ng isang indibidwal
A
IDYOLEK
5
Q
ang sosyolek
ay isang mahusay na palatandaan ng
istratipikasyon ng isang lipunan, na siyang
nagsasaad sa pagkakaiba ng paggamit ng
wika ng mga tao na nakapaloob dito batay
sa kanilang katayuan sa lipunan at sa mga
grupo na kanilang kinabibilangan
A
Rubico (2009),
6
Q
Wikang ginagamit ng
bawat partikular na grupo
ng tao sa lipunan
A
SOSYOLEK
7
Q
isang baryant ng Taglish
A
Coñotic
8
Q
ang
“wika ng mga beki”
A
Gay Lingo
9
Q
Isa pang barayti ng sosyolek para
naman sa mga kabataang jologs
A
Jejemon
10
Q
Ito ang mga natatanging bokabularyo ng particular na pangkat ay may pagkilala sa kanilang trabaho o gawain. Halimbawa: Exhibit, Appeal, compliant (abogado)
A
Jargon
11
Q
Nagmula sa etnikong at dayalek na taglay nito ang mga salitang nagiging bahagi na ng kanilang pagkakakilanlan ng isang pangkat-etniko
A
ETNOLEK
12
Q
Ito ang barayti ng wika kung saan naiaangkop ng isang nagsasalita ang uri ng wikang ginagamit niya sa siwatsyon at sa kausap Nagagamit ng nagsasalita ang pormal na tono ng pananalita kung ang kausap niya ay isang taong may mataas na katungkulan , nakatatanda, o hindi niya masyadong kilala
A
REGISTER
13
Q
(nobody’s native language) ay isang bagong wika na nabubuo mula sa dalawang taong may magkaibang unang wika na nagtatangkang mag-usap ngunit hindi makaintindihan na siyang nagbubunga naman ng tinatawag na makeshift language
A
PIDGIN
14
Q
Ito ay tawag sa wikang nagmula sa isang pidgin at naging unang wika ng mga batang isinilang sa komunidad kapag ito’y nabuo hanggang sa magkaroon ng pattern o mga tuntuning sinusunod ng karamihan. Halimbawa: Wikang Chavacano
A
CREOLE