Araling Panlipunan Flashcards
Kung ang Task Force Detainees of the Philippines (TFDP) ay may adhikaing matulungan ang mga political prisoner sa pamamagitan ng suportang legal at pinansyal. Anong pangkat naman ang itinatag nina Jose W. Diokno, Lorenzo Tanada Sr. at Joker Arroyo na may adbokasiya sa paglaban sa pag-usig sa mga indibiduwal sa kadahilanang politikal.
Free Legal Assistance Group
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng “Kamalayan, aktibo at malayang pagtatanggol sa mga karapatang pantao ng mga mamamayan”?
A. Paghahanda sa mgga darating na mga kalamidad tulad ng bagyo at lindol
B. Pag-anib sa mga people’s organizztion tulad ng Gabriela.
C. Pamamasyal sa mga lokal na tourist spot bago ang pangingibang bansa
D. Pagbili ng mga produktong Pilipino at pagwakas sa mga produktong dayuhan
B. Pag-anib sa mga people’s organizztion tulad ng Gabriela
Ayon sa United Nations Convention on the Rigths of the Child (UNCRC) tumutukoy ang children’s rigths sa karapatang pantao ng mga indibidwal na may gulang na 17 at pababa, maliban sa mga bansang may sariling batas at pagtukoy ng “legal age” ng mamamayan nito. Bilang isa sa mga kabataan ng lipunang ito, bakit sa tingin mo kinakailangan ng pamhalaang mapangalagaan ang karapatan ng mga bata?
Mahubog ang kanilang kakayahan upang magtagumpay sa buhay at maging yaman ng bansa sa hinahaarap
Bilang isang mapanuring mamamayan, alin sa sumusunod ang sa tingin mo hindi akma sa nilalaman ng Bill of Rights na nakapaloob sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?
Karapatan ng taumbayan ang mabilanggo sa pagkakautang o hindi pagbabayad ng sedula
Ang “Amnesty International” ay isang pandaigdigang kilusan na may kasapi at tagasuportang umaabot sa mahigit pitong milyong katao. Ang motto nito ay “it is better to light a candle than to curse the darkness”. Ano ang adhikain nito?
Itala at ilantad ang mga pang-aabuso sa karapatang pantao at makapagtaguyod ng mga repormang patungkol sa katapatang pantao at makapagbigay ng serbisyong legal.
Ayusin ang mga dokumentong nasa ibaba batay sa pagkabuo ng mga karapatang pantao mila sa sunaunang panahon hanggang sa kasalukuyan.
1. Magna Carta
2. First Geneva Convention
3. Cyrus’ Cylinder
4. Universal Declaration of Human Rights
3124
Ayon sa Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas 1987 Artikulo III, Seksyon 1, hindi dapat alisan ng buhay, kalayaan o ari-arian ang sino mangtao nang hindi sa kaparaanan ng batas. Sa kabila nito, patuloy ang pagdami ng mga pinatay at inabuso na mga indibidwal. Ano sa tingin mo ang dapat gawin ng Comission on Human Rights upang makatulong sa mga mamamayan?
Bigyang tuon ang iba’t ibang programa, estratehiya at advocacy campaign upang makapagbigay ng impormasyon at aktibong makalahok ang mga mamamayan sa pangangalaga ng kanilang karapatan.
Si Mang Tonyo ay nagtatrabaho sa isang pabrika kung saan ang mga manggagawa ay maraming reklamong dinadaing. Nangunguna ang hindi pagbibigay o maling computation ng night shift differentiation, overtime, at holiday pay. Subalit sila ay natatakot magpahayag ng kanilang problema. Ano ang pinakamabuting hakbang na dapat gawin ng mga manggagawa upang posibleng matugunan ang kanilang pinapangarap na pagbabago?
Magtatag ng uniyon kung saan ang kanilang kinatawan ang makipag-usap at ihayag ang kanilang interes sa may-ari
Ito ay tumutukoy sa isang sector ng lipunan na hiwalay sa Estado at binubuo ng mga mamamayang nakikilahok sa mga kilos protesta, li[punang pagkilos at boluntaryong organisasyon. Layunin nito na maging kabahagi sa pagbabago ng mga polisiya at maggiit ng accountability (kapanagutan) at transparency (katapatan) mula sa estado.
Civil Society
Isa sa panukat ng kalagayan ng demokrasya ng isang bansa ay ang democracy index. Binubuo ito ng Economist Intelligence Unit na nag-aaral sa kalagayan ng demokrasya sa 167 bansa sa buong mundo. May limang kategoryang ginagamit sa index na ito. Alin sa mga sumusunod ang hindi kasama sa kategoryang ginagamit?
A. Political Participation
B. Economic Policies
C. Electoral Process
D. Civil Liberties
B. Economic Policies
Sa mahabang panahon, dito sa ating bansa, ang paggawa ng mga desisyon para sa pamamahala ay nagmumula lamang sa mga namumuno. Isa ito sa mga dahilan kung bakit patuloy tayong nakakaranas ng maraming suliranin na nakakaapekto sa ating mga buhay. Ang tawag sa ganitong uri ng pamamahala ay ________.
Flawed Democracy
Tumutukoy ito sa paniniwalang kayang mabago ang mga lumang sistema ng pamahalaan para sa ikabubuti ng mamamayan. Binubuo ito ng pagbuo at pagkuha ng tiwala ng mamamayan, pagpapatatag ng kakayahan ng pamahalaan at ang pagmamalaki ng mga Nagueno sa kanilang sarili. Anong prinsipyo ng participatory governance ito?
Progressive Development Perspective
Maraming iba’t ibang uri ng NGO at PO ang makikita sa Pilipinas. Bawat isa ay may kani-kaniyang tungkulin sa bayan. Alin sa mga sumusunod ang nagbibigay suporta sa mga komunidad sa pamamagitang ng pagbibigay ng legal at medical na serbisyo?
DJANGO
Ang Pilipinas ay isang Estadong republikano at demokratiko. Ang ganap na kapangyarihan ay angkin ng sambayan at nagmumula sa kanila ang lahat ng mga awtoridad na pampamahalaan.” Ito ay nangangahulugan na?
Ang kapangyarihan ng isang Estado ay wala sa pamahalaan sa mga taong baya n na bumubuo nito sa halip, ito ay nagmumula sa mga mamamayan.
Ang pakikilahok sa eleksiyon ang pinakapayak na paraan ng pakikilahok ng mamamayan. Nagbibigay ito ng pagkakataon na maipakita ng mamamayan na siya ang pinanggalingan ng kapangyarihan ng mga halal na opisyal. Sa pagboto, pantay ang mayaman at mahirap. Ano ang kahulugan nito?
Bawat isang Pilipino ay mayroon lamang isang boto ano man ang katayuan niya sa buhay.
Ang “good governance ay tumutukoy sa proseso kung saan ang mga pampublikong institusyon ay naghahatid ng kapakaanng pampubliko, nangangasiwa sa pag-aaring-yaman ng publiko at tinitiyak na mapangalagaan ang mga karapatang pantao, maging malay sa pang-aabuso at korapsiyon at may pagpapahalaga sa Rule of Law. Paano natin malalaman na ang ating bayan ay pamamamahalaan alinsunod sa konsepto ng good governance?
Kung nagpapatawag ng consultative meeting ang namamahala upang malaman ang hinaing ng taongbayan.
Tingnan ang diyagram sa ibaba at sagutin ang tanong:
NGO → People’s Council →
Paglahok sa iba’t ibang prosesong Panlungsod → Paglahok sa talakayan, pagpanukala at pagboto sa mga batas
Anong proseso ang ipinapakita ng diyagram?
Participatory Governance
Ang Corruption Perception Index ay isa sa batayan sa pagsukat ng kalagayan ng demokrasya sa bansa. Naglalaman ito ng pananaw ng mga eksperto tungkol sa lawak ng katiwalian sa isang bansa. Maaaring makakuha ang isang bansa ng marka 0 (pinakatiwali) hanggang 100 (pianakamalinis). Noong 2016, Denmark at New Zealand ang may pinakamataas na marking na nakuha samantalang ang PIlipinas ay nakakuha ng marking 35/100. Ano ang ipinahiwatig nito?
Laganap pa rin ang katiwalian sa kabila ng pagsisikap na linisin ang pamahalaan.
Ang pagboto ay isang obligasyon at karapatang politikal ng mamamayang Pilipino na ginagarantiyahan ng ating Saligang Batas. Bilang isang mabuting mamamayan , kung ikaw ay nasa wastong gulang na at hindi diskwalipikado ayon sa isinasaad ng batas, dapat lang bumuto sa panahon ng eleksiyon dahil __________.
Makakapili ka ng mga opisyal ng pamahalaan na sa tingin mo ay makapaglilingkod ng maayos
Ang Supreme Student sa mga paaralan ay isang paraan ng pagbibigay kasanayan sa mga mag-aaral tungo sa mabuting pamamahala. Dapat itong itaguyod at bigyan ng mahalagang papel ang mga mag-aaral na nanununungkulan dito. Kung ikaw ang pangulo ng nasabing organisasyon, paano mo ipapatupad ang konsepto ng good governance?
Pagpapatawag ng pulong sa lahat ng kinatawan ng bawat seksiyon para sumangguni kung ano ang proyektong gagawin
Ang inyong Barangay Kapitan ay nagpapatawang ng pagpupulong hinggil sa lumalalang insidente ng dengue sa inyong komunidad. Sa pagpupulong, napagpasyahan na magsagawa ng “clean up dirve” at ang mga kakailanganin nito sa darating na Sabado. Paano mo maipapakita ang iyong kahandaang makilahok sa nasabing gawain?
Paghikayat ng people’s organization na iyong kinabibilangan upang makipagtulungan sa barangay.
Ang participatory governance ay konsepto na hindi bago sa mga Pilipino. Katunayan ang Local Government Code of 1991 ay isang testament sa pagkilala sa papel ng mamamayan sa pamamahala. Ang pakikilahok ng mga mammamayan ay may positibong epekto sa pamamahala. Mas magiging matagumpay ang isang proyekto kung malaki ang partisipasyon dito ng mamamayan dahil ___________.
Mas magiging aktibo ang paraan ng pakikilahok ng mga mamamayan kung sila ay kasama mismo sa pagbuo ng mga programa at paggawa ng mga desisyon sa pamahalaan.
Malaki ang papel na ginagampanan ng mga mamamayan sa pagkakaroon ng mabutng pamhalaan. Sa pagkamit ng good governance, mahalagang katangian ang partisipasyon ng lahat ng mamamayan tuwiran man o sa pamamagitan ng mga institusyong kanilang kinakatawan. Ito ay nangangahulugan na __________.
Hindi kakayanin mag-isa ng pamahalaan ang epektibong pamamahala nang hindi kabilang ang stakeholder nito, mapapubliko o pribado.
Ang esensiya ng demokrasya ay ang magkaroon ng mamamayang nakikilahok sa pagpapaunlad ng bayan na higit pa sa pagboto. Isang paraan ay ang pagsali sa Civil Society na direktang nakikipag-ugnayan sa pamahalaan upang iparating ang pangangailangan ng mamamayan. Halimbawa ng civil society ay ang mga NGOs at POs. Ang mga ito ay nabuo ________.
Boluntaryong magsagawa ng mga proyektong pambayan upang mabawasan ang paghihirap ng mga mamamayan.
Ang participatory governance ay isang uri ng pakikipag-ugnayan ng mamamayan sa pamahalaan upang bumuo ng mga karampatang solusyon sa mga hamon sa lipunan. Isang paraang ng pagsasagawa ng participatory governance ay ang pangangalap at pagbabahagi ng impormasyon sa mga mamamayan. Nais mong maging bahagi ng nasabing pakikipag-ugnayan. Maari mo itong gawin sa pamamagitan ng _________.
Pagdalo sa mga public hearing at pagsasagawa ng mga survey.
Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibidwal sa isang estado kung saan siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin.
Pagkamamamayan
Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang. Ito ang prinsipyong sinusunod ng Pilipinas.
Jus Sanguinis.
Ang pagkamamamayan ay hindi lamang bilang isang katayuan sa lipunan na isinasaad ng estado bagkus, maituturing ito bilang pagbubuklod sa mga tao para sa ikabubuti ng kanilang lipunan. Saan ibinabatay ang pagkamamamayan ng isang indibidwal?
Pagtugon sa kaniyang tungkulin sa lipunan at ginagamit ang mga karapatan para sa kabutihang panlahat.
Ang katayuan ng isang tao bilang miyembro ng isang pamayanan at maaaring iugat sa kasaysayan ng daigdig. Sa anong kabihasnan kyng saang ang pagiging citizen ay limitado lamang sa mga kalalakihan at ito ay isang pribilehiyo ngunit may kalakip na mga karapatan at tungkulin.
Kabihasnang Griyego
Bilang bahagi ng isang lipunan bawat isa ay maaaaring gumawa ng mga hakbang na maaaring magbunga ng malawakang pagbabago sa ating lipunan. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapahiwatig nito?
A. sumusunod sa batas trapiko kung may nakabantay lamang na traffic enforcer
B. laging humihingi ng opisyal na resibo sa anumang binibili
C. suportahan ang inyong simbahan
D. Magbayad ng buwis
C. suportahan ang inyong simbahan
Ang mga sumusunod ay ang mga paraan para mawala ang pagkamamamayan ng isang indibidwal, maliban sa isa.
A. nawala na ang bisa ng naturalisasyon
B. nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon
C. nanumpa ng katapatan sa saligang batas sa ibsang bansa
D. hindi naglingkod sa hulbing sandatahan ng ating bansa kapag mayroong digmaan.
B. nagtrabaho sa ibang bansa sa loob ng isang taon
Ang mga sumusunod ay itinuturing na isang mamamayang Pilipino ayon sa Saligang Batas nng 1987 Konstitusyon ng PIlipinas, maliban sa:
A. yaong mga nagiging mamamayan ayon sa batas
B. yaong ang mga ama o ang mga ina ay mga mamamayan ng PIlipinas
C. yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon na isinulat ang Saligang Batas na ito
D. yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino na pumili ng pagkamamamayang Pilipino sa pagsapi ng tamang gulang.
C. yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon na isinulat ang Saligang Batas na ito
Ayon sa lumalawak na pananaw ng pagkamamamayanm iginigiit ng isang mamamayan ang kaniyang karapatan para sa ikabubuti ng bayan. Bilang isang mamamayan, anong pamamaraan ang kaniyang gagamitin?
Gagamitin ang pamamaraang ipinahintuloyt ng batas upang iparating sa mga kinauukulan ang kaniyang mga hinaing at saloobin.
Bakit kailangang masiguro ng isang tao ang ligalidad ng kaniyang pagkamamamayan sa isang bansa?
Upang magkaroon siya ng pagkakakilanlan
Upang mabatid niya ang kaniyang mga karapatan at tungkulin
Sino sa mga sumusunod ang *hindi** maituturing na isang mamamayang Pilipino batay sa Saligang Batas ng 1987 ng Pilipinas?
Si maria na sumailalim sa proseso ng expatriation
Patuloy ang paglawak g konsepto ng pagkamamamayan. Alin sa mga sumusunod na sitwasyona ng hindi nagpapapakita ng lumawak na konsepto ng pagkamamamayan?
Si Rowel na nagtatrabaho para matugunan ang kaniyang mga pangangailangan.
Bilang isang mag-aaral na PIlipino. paano ka magkakaroon ng likas-kayang pag-unlad?
Mag-aral ng mabuti at maging modelong mamamayan ng bansa. Makilahok sa mga gawaing makatulong sa kapakanan ng kapwa mamamayan.
Alin sa mga pahayag ang nagpapakita ng isang Pilipinong iginigiit ang kaniyang karapatan bilang isang mamamayan.
Aktibo siya sa isang peace and order commitee ng kanilang baranggay.
Bakit mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng mga mamamayan sa mga nangyayari sa kanilang paligid?
Sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan namakatugon sa mga isyu at hamong panlipunan.
Ayon kay Yeban (2004) ang isang responsableng mamamayan ay inaasahang maging makabayan at may pagmamahal sa kapuwa. Bilang isang simpleng mamamayan, paano mo ito maipapakita ang pagmamahal sa ating bayan?
Igalang ang nagpapatupad ng batas trapiko, pulis at iba pang lingkod bayan.
Bilang isang responsable at mabuting mamamayanng mamimili, paano natin masisigurong masusuportahan ang mga produktong sariling atin?
Alamin ang pinagmulan ng bawat produktong ating bilhin at piliin ang gawang Pilipino.
Itinuturing na International Magna Carta for All Mankind ang dokumentong ito, dahil pinagsama-sama aang lahat ng karapatang pantao ng indibidwal at naging batayan ng mga demokratikong bansa sa pagbuo ng kani-kanilang saligang batas.
Universal Declaration of Human Rights
Ito ang tawag sa pagpupulong ng labing-anim na Europeong bansa at ilang estado ng United States sa Switzerland na may layuning isaalang-alang ang pag-alaga sa mga nasugatan at may sakit na sundalo nang walang anumang diskriminasyon.
First Geneva Convention
Ito ay tumutukoy sa mga karapatang taglay ng bawat tao kahit hindi ipagkaloob ng Estado.
Natural
Ito ay alyansa ng mga indibidwal, organisasyon at grupo na itinatag noong 1995 kung saan ilan sa mga programa ay ang magkaroon ng mataas na antas ng kamalayan ang mga mamamayan sa kanilang mga karapatan.
KARAPATAN Alliance for the Advancement of People’s Rights
Ito ay tinaguriang “world’s first chapter of human rights”. Dito nakatala ang pagpapasya ni Haring Cyrus ng Persia sa mga alipin at pagdeklara ng pagkakapantay-pantay ng lahat ng lahi
Cyrus’ Cylinder
Karapatang mabuhay, maging malaya at magkaroon ng ari-arian
Natural Rights
Karapatan na magbigay proteksiyon sa indibiduwal na inakusahan sa anumang krimen.
Constitutional Rights
Karapatang makatanggap ng minimum wage.
Statutory Rights
Sa pilipinas, ang Commisionn on Human RIghts (CHR) ang may pangunahing tungkulin na pangalagaan ang mga karapatang pantao ng mga mamamayan. Nagkakaloob ang CHR ng mga pangunahing programa at serbisyo upang maprotektahan ang karapatang pantao ng bawat Pilipino. Ilan sa mga ito ang mga sumusunod, maliban sa isa:
Itaguyod at pangalagaan ang karapatan ng mga makapangyarihang tao sa lipunan.