ARALING PANLIPUNAN Flashcards
Ito ay isang pook (hindi kailangan pisikal na lokasyon) kung saan pumupunta ang mga tao at ang mekanismo na kung saan may interaksyon sa pagitan ng konsyumer at prodyuser.
PAMILIHAN
Ang pamantayan o benchmark ay ang pamilihang may ganap na kompetisyon sapagkat sa estrukturang ito ay may ekwilibriyo.
Ang mga produktong ipinagbibili ay magkapareho o homogenous.
Malayang paggalaw ng salik ng produksyon.
Malayang paglabas at pagpasok sa industriya.
Malaya ang impormasyon ukol sa pamilihan.
Ganap na elastiko.
Constant ang presyo.
GANAP NA KOMPETISYON
Ang mga tindera ay walang kakayagan mag-impluwensiya sa presyo man o supply kaya sila ay tinatawag na?
Sila rin ay nangangahulugan na kung ano man ang umiiral sa presyo sa pamilihan ay iyon ay makapangyayari.
PRICE TAKERS
Ito ay ay ang katawagang ginagamit sa konteksto ng pagbiling “sulit”
PESO VOTES
Dahil pareho ang mga produkto at presyo, ang kumpetisyon ay kung paano mo maakit ang mga customer o “suki.” TAMA o MALI?
TAMA
Hanggang nomal na tubo lamang.
BREAK-EVEN PROFIT
Pormula para sa Kabuoang Benta o Total Revenue?
P * Q
Pormula para sa Benta sa bawat produkto o Average Revenue
TR/Q
Pormula para sa Karagdagang Benta o Marginal Revenue
ΔTR/ΔQ
Nasa pinakamainam na antas ang pamilihang ito kapag?
P = MR = MC
Naipasa para i-promote at protektahan ang competitive market.
Karaniwang isang patakaran upang ipatupad ang ganap na kumpetisyon.
Ginawa para: “No one is left behind.”
RA 10667 O PHILIPPINE COMPETITION ACT
Halimbawa ng mga produkto sa ganap na kompetisyon:
PRUTAS, GULAY, ISDA, KARNENG BABOY, BAKA
Saan mo makikita ang ganap na pamilihan sa ekilibriyo?
KUNG SAAN NAGPAPAKITA NG PAREHONG SUPPLY AT DEMAND.
Hindi magbabago ang presyo, gaano man ang pagbabago sa demand.
SUPPLY NA GANAP NA ELASTIK/ PERFECTLY ELASTIC
Pamilihang iilan lamang ang nagbibili o nagsu-supply ng produkto o serbisyo.
OLIGOPOLYO
Ang tawag kung ang pamilihan ay kakikitaan ng mga produktong magkakapareho o homogenous. (halimbawa: gas)
PURE OLIGOPOLYO
Ay kung ang ipinagbibili sa pamilihan ay yaong mga produktong magkakatulad nga sa uri ngunit magkakaiba naman sa wingis o yaong tinatawag na differentiated products. (halimbawa: mga kotse)
DIFFERENCIATED OLIGOPOLYO
Kapag may sabwatan, maaari silang kumilos na parang iisang kompanya. Nakapagtatakda sila ng presyo upang magtamo ang buong industriya ng mataas na tubo. Maari din nilang itakda ang antas ng demand. TAMA o MALI?
MALI.
Maari din nilang itakda ang antas ng supply.
Ang sabwatan ay hindi illegal at sinusuportahan ng gobyerno. TAMA o MALI?
MALI.
Ang sabwatan ay illegal.
Ano ang nangyayare sa ganap na sabwatan?
ANG SABWATAN AY IDINAAN NG MGA OLIGOPOLISTA SA PORMAL NA USAPAN AT KASUNDUAN
Ito ay may bubuoing lupon mula sa mga nagsasabwatang oligopolista na siyang magtatakda ng presyo at antas ng supply.
CENTRALIZED CARTEL
Ay kapag magkakasundo sila na maghahati-hati sa pagsu-supply sa pamilihan.
MARKET-SHARING CARTEL
Ano ang nangyayare sa di-ganap na sabwatan?
ANG MGA OLIGOPOLISTA AY MAGKAKASUNDO SA PRESYO AT ANTAS NG OUTPUT NGUNIT WALANG PORMAL NA USAPAN.
Sa di-ganap na sabwatan, maari magkaroon ng price war. TAMA o MALI?
TAMA
Ano ang price war?
KUNG SAAN MAGBABA NG PRESYO ANG ISANG OLIGOPOLISTA KAHIT ANG MAGING KAPALIT NITO AY ANG PAGBABA NG KANIYANG TUBO PARA MAS MARAMING MAMIMILI ANG PUMUNTA O BUMILI SA KANIYANG PRODUKTO.
Ang iba ay maaaring gumamit ng mga propaganda upang gawing mas maganda ang kanilang produkto sa mata ng mamimili kahit na pareho sila sa iba.
PAGPAPAIGTING NG TATAK NG KANILANG PRODUKTO O BRAND NAME
Ano ang duopoly?
DALAWA LAMANG ANG PRODYUSER O SUPPLIER.
Ito ay ipinangalan kay Augustin Cournot. Ito ay kapag ang dalawang oligopolista ay may kompetisyon sa lebel ng supply.
COURNOT DUOPOLY
Ito ay ipinalangan kay Joseph Louis Francois Bertrand. Ito ay nakabatay sa presyo.
BETRAND DUOPOLY
Ang tubo ng oligopolista ay normal kapag?
MAY KOMPETISYON SA ISA’T ISA
Ang tubo ay maaaring maging supernormal kapag?
MAY COLLUSION O MAY NILIKHA NG CARTEL
Halimbawa ng mga produkto sa hindi-ganap na kompetisyon:
INTERNET CONNECTION, BANKING INDUSTRY, PETROLYO O LANGIS, SEMENTO
Ay ang katawagan sa presyo kung saan ang mga oligopolista ay may kompetisyon kung kaya wala silang magawa kundi manatili sa umiiral na presyo sa pamilihan.
STICKY PRICE
Ito ay ang katawagan sa presyo kapag ang mga oligopolista ay may sabwatan, kaya ang presyo ay mabilis mapataas at ang mamimili ay walang magagawa kundi tanggapin ito.
SLIPPERY PRICE
Ano ang monopolyo?
Pamilihang iisa lamang ang nagtitinda o taga-supply ng produktong mahalagang-mahalaga o pangangailangan.
Ito ay kung saan ang ipinagbibiling produkto ay unique o wala halos pamalit o substitute.
PURE MONOPOLY
Ito ay pumoprotekta sa mga imbensyon upang mapagbawalan ang iba na amitin, gayahin, ibenta, langkat, o iluwas.
PATENT
Ito ay uri ng intellectual property na pumoprotekta sa pampanitikan o sining.
COPYRIGHT
Kapag pinipigilan ng mga monopolist ang sinuman na makipagkumpitensya sa kanila, ito ay tinatawag na?
Maaari ang isang kumpanya magbagsak ang mga presyo nila kaagad upang hindi magawa pang makipagsabayan sa kanila ng iba.
CUT-THROAT COMPETITION
Dahil malaki ang ginagastos ng mga monopolist sa produksyon, minamanipula nila ang supply kaya ang presyo ay mababago sa kanilang gustong presyo. (CUT-THROAT COMPETITION)
Para sa kadahilanang ito, maaari silang tawaging?
PRICE SETTER
Ang kawalan ng kompetisyon sa industriya ay maaaring makapagdulot ng?
MAS MATAAS NA NORMAL NA TUBO O SUPERNORMAL PROFIT
Napakahalaga ang mga regulasyon, ngunit mas madaling isagawa ang regulasyon sa iisang negosyante lamang. TAMA o MALI?
TAMA
Halimbawa ng mga produkto sa monopolyo:
KURYENTE (MERALCO), TUBIG (HINDI BOTTLED) (GOBYERNO), PAINTINGS
May katangian ng pamilihang may ganap na kompetisyon at pami lihang monopolyo.
Ang mga produkto ay similar but differentiated.
Mahalaga sa estrukturang ito ang paggamit ng promotional gimmick o pag-aanunsiyo upang maakit ang konsumer na tangkilikin ang kanilang produkto. Mahalaga rin tumatak ng brand name.
Sa pangkalahatan, pareho silang produkto ngunit sinusubukan ng mga producer na ibahin ito sa mga disenyo at pakete upang isipin ng mga mamimili na espesyal ito.
Relatibo ang kalayaan sa pagpasok at paglabas sa pamilihan. Marami ang supplier o prodyuser.
Ang negosyante ay price maker ngunit hindi kasing makapangyarihan sapagkat may kompetisyon.
MONOPOLISTIKONG KOMPETISYON
Halimbawa ng mga produkto sa monopolistikong kompetisyon:
SABON, SHAMPOO
Galing sa salitang Griyego na “monos” na nangangahulugang isa (single) at “opsonia” nangangahulugang pagbili.
MONOPSONYO
Iisa ang bumibili ng produkto o serbisyo.
MONOPSONYO
Halimbawa ng monopsonyo:
PAG-EEMPLEYO NG PAMAHALAAN SA MGA MIYEMBRO NG SANDATAHANG LAKAS. (ANG PAMAHALAAN AY MAMIMILI AT KAPULISAN ANG TAGA-SUPPLY)
Pamilihan ng iilang mamimili.
OLIGOPSONYO
Halimbawa ng oligopsonyo:
BENTAHAN NG ANIG TOBAKO. (ANG IILANG KOMPANYA NA NAGMAMANUPAKTURA NG SIGARILYO ANG SIYANG MGA KONSUMER NG ANIG TABAKO NG MGA MAGSASAKA.)
Ito ay isang sitwasyon kung saan walang manlalaro ang makikinabang sa pamamagitan ng pagpapalit ng sarili nilang diskarte (kung saan naayos ang lahat ng diskarte ng iba pang manlalaro).
NASH EQUILIBRIUM
Two criminals are arrested and given the choice to confess or stay silent.
Prisoner A has two choices: remain silent or confess. If A believes B will confess, he ought to confess too so he won’t have eight years in prison. However, if A believes B will remain silent, they might act selfishly and confess, so that A only gets one year. Same with Prisoner B.
The result is that if prisoners pursue their own self-interest, both are likely to confess, and end up doing a total of 10 years of jail time between them.
PRISONER’S DILEMMA
Kung saan ang negosyante ay tinatawag na mga player.
Kung saan ang lahat ng mga manlalaro ay gustong talunin ang isa’t isa, at kung minsan ay nagsasama-sama upang talunin ang kumpetisyon. Ito ay sinasabing sabwatan o collusion.
GAME THEORY