Aralin 8 Flashcards
Tumutukoy sa pagteteorya at pagbubuo ng mga konsepto
o kaisipan na mailalapat sa pagsusuri ng mga bagay-bagay
sa lipunan.
Dalumat
Samakatuwid; kung nagdadalumat ang isang palaisip, nakakapit sa isip niya ang _______, pagsisid sa
kailaliman ng kahulugan/penomenon at ________nito.
paglilirip, paghihiraya
Tumatalakay sa mga seryosong paksa at nangangailangan ng
masusing pag-aaral at malalim na pag-unawa sa paksa.
Sanaysay
Naglalaman ng mahahalagang kaisipan at nasa isang mabisang ayos na pagkakasunod-sunod upang lubos na maunawaan ng bumabasa.
Sanaysay
Ang mga salitang umaakma sa piniling isyu at kadalasang may mga terminong ginagamit na kaugnay ng tungkol sa asignaturang ginawan
ng pananaliksik.
Sanaysay
Pagtatambal ng dalawang salita upang ilahad ang pagsusuri sa
konsepto o kaisipan na bunga ng mga pagsusuri sa mga bagay-bagay sa lipunan na nangangailangan ng masusing pag-aaral at malalim na
pag-unawa.
Dalumat-Sanaysay
Naglalaman ito ng mahahalagang kaisipan na nasa mabisang ayos, ito ay nakakapit sa paglilirip, pagsisisid sa kailaliman ng kahulugan/penomenon at paghihiraya.
Dalumat-Sanaysay
Tagakatha’t tagasuri ito at ang mga salitang ginagamit dito ay umaakma sa piniling paksa, ang mga terminong ginamit ay kaugnay sa asignaturang ginawan ng pananaliksik.
Dalumat-Sanaysay
Nilalaman nito ang pangalan ng
pamantasan, kolehiyo, pangalan
ng mga nagdalumat-sanaysay,
kurso, taon at pangkat, buwan at
taon ng pagsumite.
Pabalat
Nakatala ang mga lupon ng
tagasuri, tagapayo ng mga
nagdalumat-sanaysay, at ang
dekano ng kolehiyo.
Dahon ng Pagpapatibay o Pagtanggap
Pagkilala sa lahat ng mga
tumulong sa mga
nagdalumat-sanaysay at
ang mga naiambag nila.
Pasasalamat
Pagbanggit sa mga naging
inspirasyon at nais na
pag-alayan ng mga
nagdalumat-sanaysay.
Paghahandog
Ang mga pangunahing
paksa at pahina ng mga
ito.
Talaan ng Nilalaman
Pagtalakay ng mga nagdadalumat-sanaysay sa paksa batay sa pangkalahatang pagkakaunawa
ng nakararami, maaari ring isama rito kung paano ginagamit ito sa lipunan.
Panimula
Paglalahad sa kasaysayan ng salita at kung paano nag-iiba ang kanilang anyo at kahulugan nito sa paglipas ng panahon.
Etimolohiya ng mga Salita