Aralin 4: Impormal na Sektor Flashcards
Inilahad niya sa economic development model na nagmula ang paggamit ng konsepto ng impormal na sektor.
W. Arthur Lewis
Inilarawan niya ito bilang uri ng hanapbuhay na kabilang sa mga bansang papaunlad pa lamang (developing countries).
W. Arthur Lewis
Ayon dito, ang Impormal na sektor ay nagtataglay ng malawak na katangian.
Internatioinal Labor Organization (ILO)
Ito ay binubuo ng mga yunit na nagsasagawa ng pagbuo ng produkto at serbisyo na may layuning makalikha ng empleyo o trabaho at magdulot ng mababang antas ng organisasyon.
Impormal na Sektor
Ito ay mga hanapbuhay na nasa labas ng regular na industriya o ng itinakda ng batas.
Impormal na Sektor
Ito ang kauna-unahang pambansang sarbey tungkol sa impormal na sektor sa Pilipinas.
Informal Sector Survey
Ayon sa Informal Sector Survey na isinagawa ng National Statistics Office, ilan ang taong kabilang sa impormal na sektor?
10.5 milyon
Ayon sa Informal Sector Survey na isinagawa ng National Statistics Office, ilan ang taong self-employed?
9.1 milyon
Ayon sa papel niya, ang impormal na sektor ay nakatutulong sapagkat nakapagbibigay ito ng empleyo o trabaho sa mga mamamayan.
Cleofe S. Pastrana
Ito ay isang non-government organization (NGO), na nagsasaliksik tungkol sa mga usaping sosyal, political, at ekonomiko ng bansa.
IBON Foundation
Ayon dito, and impormal na sektor ay paraan ng mga mamamayan lalo na ang kabilang sa tinatawag na “isang kahig, isang tuka” upang magkaroon ng kabuhayan lalo na sa tuwing panahon ng pangangailangan at kagipitan.
IBON Foundation
Ayon sa artikulo niya, ang tinatayang kabuuang bahagdan ng impormal na sektor sa GDP ay 40%.
Philippine Daily Inquirer ni Cielito Habitosa
Tinatawag niya rin ang impormal na sektor bilang underground economy o hidden economy.
Cielito Habitosa
Ito ang sector ng ekonomiya na salat o walang pormal na dokumentong kailangan sa pagsasagawa ng mga gawaing pang- ekonomiya.
Impormal na Sektor
Ano-ano ang mga katangian ng impormal na sektor?
1.) Hindi nakarehistro sa pamahalaan.
2.) Hindi nagbabayad ng buwis mula sa kinikita.
3.) Hindi nakapaloob sa legal at pormal na balangkas na inilatag ng pamahalaan para sa pagnenegosyo.