Aralin 3: Sektor ng Palilingkod Flashcards
Ito ang sektor na gumagabay sa buong yugto ng produksyon, distribusyon, kalakalan at pagkonsumo ng mga produkto sa loob o labas ng bansa.
Sektor ng Paglilingkod
Ito ay maaaring pampamayanan, panlipunan, o personal.
Sektor ng Paglilingkod
Ito ay ang pagbibigay ng serbisyo sa halip na bumuo ng produkto.
Paglilingkod
Ano-ano ang mga sub-sektor ng paglilingkod?
1.) Transportasyon, komunikasyon, at mga imbakan
2.) Kalakalan
3.) Pananalapi
4.) Paupahang bahay at Real Estate
Binubuo ito ng mga paglilingkod na nagmumula sa pagbibigay ng publikong sakayan, mg paglilingkod ng telepono, at mga pinapaupahang bodega.
Transportasyon, komunikasyon, at mga Imbakan
Mga gawaing may kaugnayan sa pagpapalitan ng
iba’t-ibang produkto at paglilingkod.
Kalakalan
Kabilang ang paglilingkod na ibinibigay ng iba’t-ibang institusyong pampinansiyal tulad ng mga bangko, bahay-sanglaan, remittance foreign agency,foreign dealers at iba pa.
Pananalapi
Mga paupahan tulad ng apartment, mga developer ng subdivision, town house, at condominium.
Paupahang bahay at Real Estate
Ano ang dalawang uri ng paglilingkod?
Paglilingkod na Pampribado at Pagllilingkod na Pampubliko
Lahat ng mga paglilingkod na nagmumula sa pribadong sektor.
Paglilingkod na Pampribado
Lahat ng paglilingkod na ipinagkakaloob ng pamahalaan.
Paglilingkod na Pampubliko
Ano-ano ang mga ahensiyang tumutulong sa sektor ng paglilingkod?
1.) DOLE
2.) OWWA
3.) POEA
4.) TESDA
5.) PRC
6.) CHED
Nagsusulong ng malaking pagkakataon para sa pagtatrabaho , humuhubog sa kakayahan ng mga manggagawa, nangangalaga sa kapakanan ng mga magngagawa, at nagpapanatili sa kaayusan at kapayapaan sa industriya ng pagawaan sa bansa.
Department of Labor and Employment (DOLE)
Ahensiya ng pamahalaan na tumitingin sa kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers.
Overseas Workers Welfare Administration (OWWA)
Itinatag sa bisa ng Executive Order 797 noong 1982 na may layuning isulong at paunlarin ang mga programa ukol sa paghahanapbuhay sa ibayong-dagat at pangalagaan ang kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers.
Philippine Overseas Employment Administration (POEA)
Itinatag sa bisa ng Republic Act 7796 noong 1994. Isinusulong ng batas na ito na hikayatin ang buong partisipasyon ng industriya, paggawa, mga local na pamahalaan, at mga institusyong teknikal at bokasyonal upang sanayin at paunlarin ang kasanayan ng mga manggagawa sa bansa.
Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)
Nangangasiwa at sumusubaybay sa gawain ng mga manggagawang propesyonal upang matiyak ang kahusayan sa paghahatid ng mga serbisyong propesyonal sa bansa.
Professional Regulation Commission (PRC)
Nangangasiwa sa gawain ng mga pamantasan at kolehiyo sa bansa upang mataas ang kalidad ng edukasyon sa mataas na antas.
Commission on Higher Education (CHED)
Ano-ano ang mga kahalagahan ng sektor ng paglilingkod?
1.) Tinitiyak na makararating sa mga mamimili ang mga produkto mula sa mga sakahan o pagawaan.
2.) Nagbibigay ng trabaho sa mga mamamayan.
3.) Tinitiyak ang maayos na pag-iimak, nagtitinda ng kalakal at iba pa.
4.) Nagpapataas ng GDP ng bansa.
5.) Naggpapasok ng dolyar sa bansa.
Ang isang manggagawa ay nakatali sa kontrata na mayroon siyang trabaho sa loob ng limang buwan lamang.
Kontraktuwalisasyon
Pagkaubos ng mga manggagawa patungo sa ibang bansa.
Brain Drain
Kawalan ng mapapasukang trabaho.
Unemployment
Kakulangan ng kinikita sa pinapasukang trabaho.
Under-employment
Hindi angkop ang trabaho sa pinag-aralan o pagsasanay.
Under-utilization