aralin 4 Flashcards
isang uri ng panitikan o kuwentong-bayan na nagsasalaysay hinggil sa pinagmulan ng mga bagay-bagay sa daigdig.
Alamat
kuwento ng mga mahihiwagang pangyayari na nagpasalin-salin sa bibig ng mga taong-bayan kaya’t walang nagmamay-ari o masasabing may akda nito.
Alamat
-Ang mga kuwento ay bunga ng masining na imahinasyon ng ating mga ninuno.
-karaniwang tumatalakay sa mga katutubong kultura, kaugalian o kapaligiran.
Alamat
Ano ang dalawang klase ng Alamat?
etiyolohikal at di-etiyolohikal
alamat na naglalahad ng sanhi o dahilan bilang patunay sa pinagmulan ng isang pook o bagay.
Etiyolohikal
alamat na nagsasalaysay tungkol sa kabayanihan at paniniwalang panrelihiyon.
di-etiyolohikal
Ano-ano ang mga elemento ng alamat?
- Tema
- Banghay
- Tauhan
- Tagpuan
Ano ang mga pangyayari sa Banghay?
- Panimula
- Tunggalian
- Kasukdulan
- Kakalasan
- Wakas
matatagpuan ang dalawang mahalagang elemento. Dito, inilalarawan o inilalahad ang tauhan at tagpuan.
Panimula
bahaging nagsasaad ng pakikipagtunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin na minsan ay sa sarili, sa kapwa o sa kalikasan.
Tunggalian
ang pinakamadulang bahagi kung saan maaring makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban.
Kasukdulan
ito ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan.
Kakalasan
Ito ang bahaging naglalahad ng magiging resolusyon ng kwento.
Wakas
nagbibigay-turing sa pandiwa, pang-uri, o kapwa _____.
Pang-abay
Ano ang dalawang uri ng Pang-abay?
- Pang-abay na pamanahon
- Pang-abay na Panlunan