aralin 1 Flashcards
ito ay iang panitikan na nagpapahayag ng pangyayari, kaisipan, at tradisyon ng isang lipunan o pangkat; mga aral na naipasa sa atin
karunungang-bayan
ano ang 4 na karunungang bayan
- bugtong
- sawikain
- salawikain
- kasabihan
-Isang uri ng palaisipan na nasa anyong patula.
-Taglay nito ang palaisipan mula sa mga bagay o imahen sa paligid.
Bugtong
Tukuyin kung anong klase ng karunungang bayan at ang kahulugan:
Kambal ngunit hindi magkakilala, hindi din nagkikita.
Bugtong, Tenga
Tukuyin kung anong klase ng karunungang bayan at ang kahulugan:
May puno, walang sanga;
May dahon, walang bunga
Bugtong, Sandok
Tukuyin kung anong klase ng karunungang bayan at ang kahulugan:
Tubig na nagiging bato;
Batong nagiging tubig.
Bugtong, Asin
-Mga kasabihang Pinoy na ginagamit ng mga Pilipino batay sa katutubong kalinangan, karunungan, at pilosopiya.
-Itinuturing na gabay sa pamumuhay nang matuwid at makatwiran dahil sa kagandahang-asal na taglay nito.
Salawikain
Tukuyin kung anong klase ng karunungang bayan
Kung makikipagkaibigan,
Huwag salapi ang titigan.
Salawikain
Tukuyin kung anong klase ng karunungang bayan:
Kapag maliit ang kumot, matutong mamaluktot.
Salawikain
Tukuyin kung anong klase ng karunungang bayan at ang kahulugan:
Kung ano ang itinanim ay siyang aanihin.
Salawikain
-Mga salitang patayutay o idyomatiko.
-Isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal.
Sawikain
Tukuyin kung anong klase ng karunungang bayan at ang kahulugan:
Huling baraha
Sawikain, Ang nag iisang baraha ay ang isang baraha na natitira sa iyo o di kaya ay ang huling alas mo
Tukuyin kung anong klase ng karunungang bayan at ang kahulugan:
Hinahabol ng karayom
Sawikain, Ang kahulugan ng hinahabol ng karayom ay marami ang punit ng damit
-Payak ang kahulugan nito kaya mabilis maunawaan.
-Ang kilos, ugali at gawi ng isang tao ay masasalamin sa mga kasabihan.
Kasabihan
Tukuyin kung anong klase ng karunungang bayan:
Sa panahon ng kagipitan, nakikita ang kaibigan.
Kasabihan