Aralin 3 Flashcards
Teleplay
• Malikhaing akdang isinulat para gamitin sa pelikula, programang pantelebisyon, at iba pang gumagalaw na media.
• Makikita rito hindi lamang ang diálogo o usapan ng mga tauhan, kundi pati ang paggalaw ng iba’t ibang bagay sa screen ng telebisyon.
Teleserye
• Akdang pampanitikan na ipinalalabas sa telebisyon.
• Nagmula sa dalawang salita: telebisyon at serye.
• Isang dulang pantelebisyon na hinahati ayon sa episode o maikling bahagi na maaaring ituloy sa susunod na araw o linggo.
Ano ang Lohikal?
Pangangatwiran o pagkakataong ginagamitan ng mga katwiran o tumpak na pagkukuro.
Ano ang Lohikal?
Sa pagpapahayag, may mga konseptong higit na magiging makabuluhan kung ito ay pinag-uugnay at pinagsasama.
Ano ang mga uri ng lohikal na ugnayan?
- Dahilan at bunga
- Layunin at paraan
- Paraan at resulta
- Kondisyon at kinalabasan
Ano ang hudyat ng kaugnayang lohikal na dahilan at bunga?
Nagpapahayag ng sanhi at bunga ng isang pangyayari. Ginagamit ang mga salitang: sapagkat, pagkat, palibhasa, bunga, kaya, kasi, o dahil.
Halimbawa: Nag-aral siya nang mabuti kaya naman natuto siya nang husto.
Ano ang hudyat ng kaugnayang lohikal na layunin at paraan?
Nagpapahayag kung paano nakamit ang isang layunin sa tulong ng isang paraan. Ginagamit ang mga salitang: upang, para, at nang.
Ano ang hudyat ng kaugnayang lohikal na paraan at resulta?
Nagpapakita kung paano nakukuha ang resulta. Ginagamit ang mga salitang: sa, dahil, o kasi.
Ano ang hudyat ng kaugnayang lohikal na kondisyon at kinalabasan?
Naipahahayag ito sa dalawang paraan:
1. Salungat sa katotohanan – Gumagamit ng “kung, sana, sakali.”
Halimbawa: Kung nag-aral ka nang mabuti, sana ay natuto ka nang husto.
2. Haypotetikal na kondisyon – Gumagamit ng “kapag.”
Halimbawa: Kapag nag-aral kang mabuti, matututo ka nang husto.
Ano ang dokumentaryo?
Kalipunan ng mga dokumento na maaaring maging daan upang maipakita ang mga katibayan at ebidensya tungkol sa isang paksa.
Paano umunlad ang dokumentaryong pantelebisyon sa Pilipinas?
Saglit itong natigil noong panahon ng Batas Militar, ngunit nang matapos ang diktadura, sumilang ang isang mas liberal at mapusok na anyo ng pamamahayag.
Ano ang dokumentaryong pantelebisyon?
Isang programa o palabas na naglalayong maghatid ng komprehensibo, mapanuri, at masusing pinag-aaralang proyekto o palabas na sumasalamin sa katotohanan ng buhay.
Ano ang pangunahing layunin ng dokumentaryong pantelebisyon?
Magbigay ng tiyak at totoong impormasyong gigising sa isip at damdamin ng manonood patungkol sa isang isyu.
Paano nakatulong ang digital technology sa dokumentaryong pantelebisyon?
Naging daan ito upang makapagsulat ang mga tao sa pamamagitan ng blog at social media.
Ano ang mga dapat isaalang-alang sa pagsulat ng dokumentaryong pantelebisyon?
• Unawain kung sino at ano ang maasahan ng mga mambabasa.
• Alamin ang iba’t ibang istilo ng pagsulat.
• Sumulat ng mga ideyang makapagpapalaya at makapaghahamon sa mambabasa.
• Sumulat nang malinaw at may pokus.
• Magsagawa ng pananaliksik para sa makatotohanang impormasyon.
Ano pa ang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng dokumentaryong pantelebisyon?
• Pumili ng tiyak na paksa na tumutugon sa isyung panlipunan.
• Bigyang pansin ang kultural na aspekto ng programa.
• Iugnay ang mga popular na taong may kaugnayan sa paksa.
• Suriin ang historikal na aspekto.
• Ilantad ang mga hindi karaniwang nakikita sa telebisyon.
Ano pa ang dapat isaalang-alang sa pagsulat ng dokumentaryong pantelebisyon?
• Pumili ng tiyak na paksa na tumutugon sa isyung panlipunan.
• Bigyang pansin ang kultural na aspekto ng programa.
• Iugnay ang mga popular na taong may kaugnayan sa paksa.
• Suriin ang historikal na aspekto.
• Ilantad ang mga hindi karaniwang nakikita sa telebisyon.