Aralin 2 Flashcards
1
Q
Ano ang wika?
A
- Mahalaga sa lipunang ating ginagalawan
• Kalipunan ng mga simbolo, tunog, at bantas upang maipahayag ang kaisipan
• Ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-ugnayan sa kapwa
2
Q
Ano ang Pormal na Wika?
A
- Ginagamit sa pormal at opisyal na komunikasyon
• Karaniwang ginagamit sa akademya at pamahalaan
3
Q
Ano ang Impormal na Wika?
A
- Ginagamit sa pangkaraniwang komunikasyon
• Mas madalas gamitin sa di-pormal na usapan
4
Q
Ano ang iba’t ibang antas ng wika?
A
- Pambansa
• Pampanitikan
• Lalawiganin
• Balbal
• Kolokyal
5
Q
Ano ang Pambansang Wika?
A
- Opisyal na itinakda ng batas ng isang bansa
• Dumaraan sa estandardisasyon
• Sumusunod sa tuntunin ng ortograpiya
• Ginagamit sa aklat at babasahing sumisirkula sa buong bansa
6
Q
Ano ang Pampanitikan na antas ng wika?
A
- Maanyong wika na ginagamit sa panitikan
• Matalinghaga at may malalim na kahulugan
• May ibang konotasyon o pagpapakahulugan
7
Q
Ano ang Lalawiganing Wika?
A
- Mga diyalektong ginagamit sa partikular na pook
• May natatanging punto o accent
8
Q
Ano ang Balbal na wika?
A
- Slang o “panlansangan”
• Nagsisimula sa mga grupo o komunidad
• Itinuturing na pinakamababang antas ng wika
9
Q
Ano ang Kolokyal na Wika?
A
- Pang-araw-araw na salita na may bahagyang kagaspangan
• Madalas na pinapaikli o pinagkakaltasan ng ilang titik
• Ginagamit sa impormal na usapan