ARALIN 3 Flashcards
isang uri ng babasahing makatotohanan o di- piksyon.
TEKSTONG IMPORMATIBO
Ito ay nagpapaliwanag tungkol sa mga nakalap na mahahalagang kaalaman o impormasyon ukol sa mga bagay, lugar, pangyayari at lipunan.
TEKSTONG IMPORMATIBO
Ang nilalaman, estilo, istruktura at wikang gamit sa tekstong impormatibo ay angkop sa _
LAYUNIN NG MAY-AKDA
Tinatawag din itong organizational markers na nakatutulong upang agad makita at malaman ng mambabasa ang pangunahing ideya ng babasahin
PANGUNAHING IDEYA.
Mahalaga rin ang paglalagay ng mga angkop na pantulong na kaisipan tulad ng mga detalye, halimbawa at kongkretong sitwasyon upang makatulong mabuo sa isipan ng mambabasa ang mga pangunahing ideyang nais niyang matanim o maiwan para sa mga ito.
PANTULONG NA KAISIPAN
Kagamitan o sangguniang magtatampok sa mga bagay na binibigyang-diin. Ang paggamit ng mga estilo o kagamitan at sanggunian ay nakatutulong upang magkaroon ng mas malinaw at malawak na pag-unawa sa binasang tekstong impormatibo.
MGA ESTILO SA PAGSULAT
mga estilo o kagamitan na magbibigay-diin sa mahahalagang bahagi ng tekstong impormatibo
Paggamit ng mga nakalarawang representasyon
Pagbibigay-diin sa mahahalagang salita sa teksto
Pagsulat ng mga talasanggunian
pangunahing layunin ng tekstong impormatibo
Paglalahad ng Totoong Pangyayari/Kasaysayan
Pag-uulat Pang-impormasyon
Pagpapaliwanag
layuning maglarawan ng isang bagay, tao lugay, karanasan, sitwasyon at iba pa. Ang uri ng sulitang ito ay nagpapaunlad sa kakayahan ng manunulat na bumuo at maglarawan ng isang partikular na karanasan.
TEKSTONG DESKRIPTIBO
Katangian ng tekstong deskriptibo
- Ang tekstong deskriptibo ay isang malinaw at pangunahing impresyon na nililikha ng mga mambabasa
- Ang Tekstong deskriptibo ay maaaring maging obhetibo o subhetibo.
- Ang tekstong deskripsiyon ay mahalagang maging espesipiko at maglaman ng mga konkretong detalye.
kung ang manunulat at maglalarawan ng napakalinaw at halos madama na ng mambabasa subalit ang paglalarawan ay nakabatay lamang sa kanyang imahinasyon at hindi nakabatay sa totoong buhay.
SUBHETIBO
paglalarawan na may pinagbatayang katotohanan.
OBJEKTIBO