ARALIN 2 Flashcards
TATLONG BAHAGI NG MAPANURING PAGBASA
BAGO MAGBASA
HABANG NAGBABASA
PAGKATAPOS MAGBASA
Sa bahaging ito, inuugnay sa inisyal na pagsiyasat ng mga imbak at kagilirang kaalaman upang lubusang masuri kung anong uri ng teksto ang babasahin
BAGO MAGBASA
Sa bahaging ito, sabay-sabay na pinagagana ng isang mambabasa ang iba’t ibang kasanayan upang lubusang
maunawaan ang teksto.
HABANG NAGBABASA
Ilang Pamamaraan upang maging epekti ang pagbasa:
Pagtantiya sa bilis ng pagbasa
Biswalisasyon ng binabasa
Pagbuo ng Koneksiyon
Muling pagbasa
Pagsubaybay sa komprehensiyon
Paghihinuha
Pagkuha ng kahulugan mula sa konteksto
P
P
P
E
Pagtatasa ng komprehensiyon
Pagbubuod
Pagbuo ng Sintesis
Ebalwasyon
mga pahayag na maaaring mapatunayan o mapasubalian sa pamamgitan ng empirical na karanasan, pananaliksik, o pangkalahatang kaalaman o impormasyon.
KATOTOHANAN
mga pahayag na nagpapakita ng preperensiya o ideya batay sa personal na paniniwala at iniisip ng isang tao. Maaaring kakitaan ito ng mga panandang diskurso tulad ng “sa opinyon ko”, “para sa akin”, “gusto ko” o “sa tingin ko.”
OPINYON
tinutukoy rin ang suliranin o pangunahing tanong ng akda na nais solusyonan ng may-akda.
LAYUNIN
ang pagtukoy kung ano ang preperensiya ng manunulat sa teksto. Ibig sabihin, natutukoy rito kung ano ang distansiya niya sa tiyak na paksang tinatalakay.
PANANAW
ang ipinahihiwatig na pakiramdam ng manunulat sa teksto. Maaaring nagpapahayag ito ng kaligayahan, tuwa, galit, tampo, o kaya naman ay matibay na paniniwala o paninindigan tungkol sa isang pangyayari o paksa.
DAMDAMIN
tumutukoy sa muling pagpapahayag ng ideya ng may-akda sa ibang pamamaraan at pananalita upang padaliin at palinawin ito para sa mambabasa.
PARAPHRASE
isang buod ng pananaliksik, tesis, o kaya ay tala ng isang komperensiya o anomang pag- aaral sa isang tiyak na disiplina o larangan.
ABSTRAK
isang uri ng pampanitikang kritisismo na ang layunin ay suriin ang isang aklat batay sa nilalaman, estilo, at anyo ng pagkasulat nito
REBYU