Aralin 2 - ANG SAWIKAAN BILANG TAGAPAGSULONG SA PAGPILI NG MGA SALITA NG TAON Flashcards
ay salitang bagong likha [Modernong Filipino, na nilapian ng sa-+ at +-an na nagpapahayag ng “sa pamamagitan ng”]
Sawikaan
Ayon kay Miclat mula sa Narvaez, 2016, ang salitang ito ay nangangahulugang pagbabanyuhay
Sawikaan
Anong taon nagsimula ang Sawikaan?
2004
Bago naging kumperensyang pangwika ang sawikaan ano ito noon?
Isa itong timpalak pangwika
Si _______ na kasapi ng Filipinas Institute of Translation (FIT) ang orihinal na may ideya nito bilang makabago at kakaibang pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
Perfecto T. Martin
Saan nagkaideya si Perfecto T. Martin na simulan ang Sawikaan?
Word of the Year (WOTY) ng American Dialect Society (ADS)
Isang makabago at kakaibang paraan ng pagdiriwang ng BWP na kakaiba sa tradisyunal na sayawan, kantahan, balagtasan, sabayang pagbigkas, talumpati at iba pa.
Itinakda ito tuwing Agosto.
Sawikaan
Sino ang nagpangalan ng “Sawikaan: Salita ng Taon” na naging opisyal na pangalan ng timpalak?
Virgilo S. Almario (Rio Alma)
Naglalayong suriin ang mahalaga at natatanging ambag ng mga nagwaging salita sa diskursong Pilipino, partikular na sa usapin ng ugnayan ng wika at kulturang popular.
Sawikaan
Bakit nagsimula ang sawikaan?
Nagsimula ito upang subaybayan ang pag-unlad ng wikang Filipino batay sa umiiral na gamit ng mga salita sa diskurso ng lipunan.
Anong taon walang sawikaan sa pilipinas
2008 at 2009
naglalaman ng diskurso ng lipunang Pilipino sa nakalipas na dalawang taon dahil sa mga kontrobersiya at mahahalagang usapin sa politika, teknolohiya, trapiko, kultura, sosyolohiya, kulturang popular, at iba pa
Salita ng taon
Nagmumulat sa madla sa mahahalagang isyu sa lipunan na kinakailangan ng pagkilos na binubuksan ng mga salitang natatampok
Sawikaan o Salita ng taon
ANG MGA SALITANG MAAARING ITURING NA “SALITA NG TAON”
- Bagong imbento;
- Bagong hiram mula sa katutubo o banyagang wika;
- Luma ngunit may bagong kahulugan;
- Patay na salitang muling binuhay;
- Mga salitang makabuluhang ginagamit ng mamamayan sa pagtukoy at pag-unawa sa mga pansarili at panlipunang karanasan;
- May malaking impak sa mahahalagang usaping pambansa at iba pang aspekto ng buhay sa lipunang Pilipino sa loob ng isa o dalawang taon; at
- Mga salitang nag-trending sa nakalipas na mga taon.
PAANO PINIPILI ANG MGA SALITA
- May panawagan sa nominasyon.
- Dumaraan sa mahaba at masusing proseso ang mga itinatampok na salita sa Sawikaan bawat taon. Isang taon bago ang mismong kumperensiya ay nagpalabas na ng panawagan para sa nominasyon ang FIT. May deadline ito ngunit tinatanggap pa rin ang iba pang magsusumite hanggang sa sumunod na taon kung makita ng FIT na karapat-dapat pa ring maisali ang mungkahing salita.
- Ngunit habang hinihintay ang nominasyon, may sariling pagsubaybay sa mga salita ang FIT.
- Inililista nila ang mga salitang sa tingin nila ay namayani sa diskurso ng mga Filipino.
- Sa pulong ng pamunuan, ihaharap ang mga salitang ito upang pagkuruan ng mga miyembro.
- Pagkaraan, ilalatag naman ang mga entri na ipinasa ng mga kalahok.
- Halos 90% ng nailista ng FIT ay tugma sa ipinapasa ng mga kalahok.
- Kapag opisyal nang nominado ang salita, hihilingin sa mananaliksik na magsumite ng pinal na papel (may kompletong saliksik, citation, at sanggunian).
Hangga’t maaari, maipasa ito sa FIT isang buwan bago ang kumperensiya upang suriin. - Inaasahan sa papel na mailahad ang pakahulugan sa salita, kasaysayan ng salita, silbi o gamit nito sa lipunang Pilipino, at ang katwiran kung bakit ito karapat-dapat na tanghaling salita ng taon.