AP - Final Exam | Q4 Flashcards
Pagtaas ng output o dami ng produkto at serbisyo na nagagawa ng isang bansa
Pagsulong
Pagbabago sa kalagayan ng buhay pagdating sa dignidad, edukasyon, kalusugan, seguridad at pagkakapantay-pantay sa lipunan.
Pag-unlad
Internasyunal na samahan ng mga bansa na itinatag pagkatapos ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
United Nations / UN
Kakayahan ng isang bansa na matugunan ang pangangailangan sa kasalukuyan
Sustainable Development
Mga Salik ng Pagsulong
Likas na Yaman
Yamang Tao
Kapital
Teknolohiya
Nasusukat ang pag-unlad ng isang bansa sa pamamagitan ng pagtingin sa mga ito
Life Expectancy
Literacy Rate
Enrollment Rate / Average Year of Schooling
pagtrato sa lahat ng kasarian o gender, atbp.
Panukat ng kaunlaran na ginagamit ng UNDP
HDI | Human Development Index
Ano ang UNDP?
United Nations Development Program
Ang kaunlaran batay sa HDI ay nalalaman sa pamamagitan ng 3 na ito.
Kalusugan
Edukasyon
Disenteng antas ng pamumuhay ng mga mamamayan ng bansa
Ito ang nagsasagawa ng pag-aaral tungkol sa HDI at naglabas din ng pabawagan sa mga bansang miyembro ng UN.
UNSDG | United Nations Sustainable Development Goals
Inaasahan nito ang lahat ng banda na wakasan ang kahirapan, protektahan and kapaligiran at iangat ang kalagayan ng buhay ng mga mamamayan.
SDG | Sustainable Development Goals
Kailan pinirmahan ng mga bansang kabilang sa UN ang dokumento ukol sa SDG at kailan inaasahang magkakaroon ng pagbabago sa katuparan nito?
2015 | 2030 , Bahagi ng 2030 Agenda for Sustainable Development
Porsyento ng pagbabago sa pagitan ng dalawang datos
Growth Rate
Ilang kilos ang meron sa tonelada?
Isang libong kilo
Pinagmumulan ng mga hilaw na materyales
Sektor ng Agrikultura
Ano ang mga subsektor ng Sektor ng Agrikultura?
Paghahalaman
Paggugubat
Pangingisda
Paghahayupan
Ano ang mga suliranin ng Sektor ng Agrikultura?
Masamang panahon
Mataas na gastusin
Monopolyo sa lupa
Teknolohiya
Pagdasa ng dayuhang kalakal
Pagkaubos ng likas na yaman
Ano ang mga sangay ng pamahalaan na tumutulong sa Sektor ng Agrikultura?
DA | Department of Agriculture
BFAR | Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
BAI | Bureau of Animal Industry
Ito ay sistemang Torrens sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano na kung saan ang mga titulo ng lupa ay ipinatalang lahat.
Land Registration Act ng 1902
Nakapaloob dito ang pamamahagi ng mga lupaing pampublilko sa mga pamilya na nagbubungkal ng lupa. Ang bawat pamilya ay maaaring magmay-ari ng hindi hihigit sa 16 na ektarya ng lupain.
Public Land Act ng 1902
Nakapaloob dito ang pagtatatag sa National Resettlement and Rehabilitation Administration (NARRA) na pangunahing nangangasiwa sa pamamahagi ng mga lupain para sa mga rebeldeng nagbalik loob sa pamahalaan. Kasama rin sa mga binibigyan nila ay ang mga pamilyang walang lupa.
Batas Republika Bilang 1160
Ito ay batas na nagbibigay-proteksiyon laban sa pang- aabuso, pagsasamantala, at pandaraya ng mga may-ari ng lupa sa mga manggagawa.
Batas Republika Blg. 1190 ng 1954
Ito ay simula ng isang malawakang reporma sa lupa na nilagdaan ng dating Pangulong Diosdado Macapagal noong ika-8 ng Agosto 1963. Ayon sa batas na ito, ang mga nagbubungkal ng lupa ang itinuturing na tunay na may-ari nito.
Agricultural Land Reform Code
Itinadhana ng kautusan na isailalim sa reporma sa lupa ang buong Pilipinas noong panahon ni dating Pangulong Marcos.
Atas Pangulo Blg. 2 ng 1972
Kaalinsabay ng Atas ng Pangulo Blg. 2 ay ipinatutupad ang batas na ito na sinasabing magpapalaya sa mga magsasaka sa tanikala ng kahirapan at paglilipat sa kanila ng pagmamay-ari ng lupang sinasaka. Sinakop nito ang lahat ng lupa na tinatamnan ng palay at mais. Hindi kasama rito ang malalawak na lupain na tinatamnan ng niyog, tubo, pinya, at iba pang pananim.
Atas ng Pangulo Blg. 27
Kilala sa tawag na CARL na inaprobahan ni dating Pangulong Corazon Aquino noong ika-10 ng Hunyo, 1988. Ipinasailalim ng batas na ito ang lahat ng publiko at pribadong lupang agrikultural. Ito ay nakapaloob sa CARP.
Batas Republika Blg. 6657 ng 1988
Ano ang mga hindi sakop ng CARP?
-Liwasan at parke
-Mga gubat at reforestration area
-Mga palaisdaan
-Tanggulang pambansa
-Paaralan
-Simbahan
-Sementeryo
-Templo
-Watershed, at iba pa
Ano ang ibig sabihin ng CARL?
Comprehensive Agrarian Reform Law
Ano ang ibig sabihin ng CARP?
Comprehensive Agrarian Reform Program
Batay sa CARP 2003, patuloy na isinasagawa ang sumusunod upang maikatuparan ang nais ng pamahalaan na maiangat ang kalagayang pangkabuhayan ng mga magsasaka.
β Pagtatayo ng bahay-ugnayan para sa mga magsasaka upang masigurong mayroon suportang maibibigay sa kanila;
β Pagtatayo ng gulayan para sa mga magsasaka;
β Pagsisiguro na ang mga anak ng mga magsasaka ay makapag-aaral kaya itinayo ang Pangulong Diosdado Macapagal Agrarian Reform Scholarship Program; at
β KALAHI agrarian reform zones
Ibigay ang tatlong ginagawa upang maprotektahan ang subsektor ng agrikultura na pangingisda.
Pagtatayo ng mga daungan
Philippine Fisheries Code of 1998
Fishery research
Ibigay ang tatlong ginagawa upang maprotektahan ang subsektor ng agrikultura na pagtotroso.
CLASP | Community Livelihood Assistance Program
NIPAS | National Integrated Protected Areas System
Sustainable Forest Management Strategy
Ano ang itinadhana ng pamahalaan na naglilimita at naglalayon ng wastong paggamit sa yamang pangisdaan ng Pilipinas?
Philippine Fisheries Code of 1998
Ito ay ang paglilipat teknolohiya o pagtuturo sa mga mamamayan ng wastong paglinang sa mga likas na yaman ng bansa.
CLASP | Community Livelihood Assistance Program
Ito ay programa na ang pangunahing layunin ay maingatan at protektahan ang kagubatan. Ito ay paraan upang mailigtas ang mga hayop at pananim dito.
NIPAS | National Integrated Protected Areas System
Ito ay binubuo ng mga gawaing pang-ekonomiko partikular sa pagpoproseso ng hilaw na materyales.
Industriya
Ito ay ang pagmamay-ari ng isang tao o kompanya.
Asset
Ito ang nag poproseso ng mga hilaw na materyales upang maging produkto o final goods
Sektor ng Industriya
Ano ang mga subsektor ng industriya?
Pagmimina
Pagmamanupaktura
Konstruksyon
Utilities
Ano ang dalwang uri ng industriya?
MSMEs | Micro, Small and Medium Industries
Malaking industriya o Large-scale indsutries