AP 1st Quarter Flashcards
Ito ay sinadyang kaguluhan o pananakot na ginagamitan ng karahasan ng isang pangkat o ng isang estado upang matamo ang isang adhikaing politikal o kriminal.
Terorismo
Paniniwala sa pagkakaiba-iba ng lahi, at ang katangian at pisikal na anyo ay nababatay sa lahi ng isang tao.
Rasismo
Isang kondisyon ng katawan na kulang sa bitamina o maling pagpili ng pagkain.
Malnutrisyon
Tumutukoy sa pagtutulungan ng mga bansa sa buong mundo upang malayang makaikot ang mga produkto at serbisyo sa bawat bansa.
Globalisasyon
Pagbabago ng klima o panahon dahil sa pagtaas ng mga greenhouse gases na nagpapainit sa mundo.
Climate Change
Tumutukoy sa mga pangyayari sa kasalukuyan na maaaring nakaaapekto sa buhay ng mga tao sa lipunan.
Kontemporaryo
Tumutukoy sa anumang pangyayari, paksa, tema, opinion, o ideya na may kaugnayan sa kasalukuyang panahon.
Kontemporaryong isyu
Mga pangyayari, suliranin, o paksa na napag-uusapan at maaaring dahilan o batayan ng debate.
Isyu
Ito ay mga isyu o mahahalagang pangyayari na may malaking epekto sa iba’t ibang sektor ng lipunan tulad ng pamilya, simbahan, paaralan, pamahalaan, at ekonomiya.
Kontemporaryong Isyung Panlipunan
Ito ay mga isyu na may kaugnayan sa kalusugan na maaaring nakabubuti o hindi nakabubuti sa mga tao sa lipunan.
Kontemporaryong Isyung Pangkalusugan
Tumutukoy sa mga isyung may kinalaman sa kapaligiran at mga usapin sa pagpapaunlad at tamang paggamit sa ating kalikasan.
Kontemporaryong Isyung Pangkapaligiran
Mga suliraning may kinalaman sa globalisasyon at negosyo, kasama dito ang mga usapin o isyung pang-ekonomiya.
Kontemporaryong Isyung Pangkalakalan
3 uri ng pagkasira ng mga likas na yaman
Paghahawan ng Kagubatan o Deforestation
Pagmimina o Mining
Pagku-quarry o Quarrying
Ito ay mga basurang nagmula sa mga tahanan at komersiyal na establisyamento na makikita sa paligid at yaong nagmumula sa sector ng agrikultura at iba pang mga basurang hindi ka nakakalason.
Solid Waste
Dito sinasabing nagmumula ang pinakamalaking bahagdan ng municipal waste (MSW) ng bansa.
Kabahayan o Residensyal
Ito ang pinakamalaking uri ng itinatapong basura ayon sa ulat ng National Solid Waste Management Report noong 2015.
Biodegradable o Nabubulok
Ito ang batas na batayan ng iba’t ibang desisyon at proseso ng pangangasiwa ng solid waste sa Pilipinas.
R.A. 9003
“Ecological Solid Waste Management Act of 2000”
Dito isinasagawa ang paghihiwalay ng mga basura ayon sa uri nito at kinukuha ang mga maaari maibenta bago dalhin sa mga dumpsite.
Materials Recovery Facilities
(MRF)
Kapakinabangan ng Kagubatan:
Tahanan ng mga hayop
Kabuhayan ng mga tao
Maiwasan ang pagguho ng lupa
Proteksyon sa mga watershed
Nakakatulong sa mitigasyon ng Climate Change
Ayon sa Food and Agriculture (FAO), ito ay ang pangmatagaan at permanenteng pagkasira ng kagubatan dulot ng iba’t ibang gawain ng tao.
Deforestation o Deporestasyon
Epekto ng Deforestation:
Madalas ang pagbaha at pagguho ng mga bundok.
Paglala ng mga suliraning dulot ng climate change dahil sa epekto sa carbon.
Apektado ang mga mamayan na umaasa sa kagubatan.
Isa sa mga probisyon ng batas na ito ay ang pagtatatag ng Reforestation Administration na may layuning mapasidhi ang mga programa para sa reforestation ng bansa.
R.A. 2706
Batas Republika Bilang 2706
Sa ilalim ng batas na ito, idineklara ang ilang pook bilang national park kung saan ipinagbawal dito ang panghuhuli ng hayop, pagtotroso, at iba pang komersyal na gawain ng tao.
R.A. 7586
Batas Republika Bilang 7586
“National Integrated Protected Areas System Act of 1992”
Layunin ng batas na ito na ingatan at protektahan ang mga kuweba at ang mga yaman nito bilang bahagi ng likas na yaman ng bansa.
R.A. 9072
Batas Republika Bilang 9072
“National Caves and Cave Resources Management and Protection Act”
Ipinagbawal ng batas na ito ang paggamit ng chainsaw upang matigil ang ilegal na pagtotroso at iba pang gawaing nakasisira ng kagubatan.
R.A. 9175
Batas Republika Bilang 9175
“The Chainsaw Act”
Ang gawain kung saan ang iba’t ibang mineral tulad ng metal, di-metal, at enerhiyang mineral ay kinukuha at pinoproseso upang gawing tapos na produkto.
Pagmimina o mining
Masamang Dulot ng Pagmimina:
Ang mga anyong tubig ay nakokontamina at nalalason.
Ang mga minahan sa mga lugar na may mataas na banta ng pagguho ay nagdudulot ng trahedya.
Ang batas na ito ay niliha upang masubaybayan ang operasyon ng pagmimina sa buong bansa kasabay ng pangangakaga sa kalikasan.
Philippine Mining Act
Ipinatupas ito upang mapagtibay ang proteksiyong pangkapaligiran, masuportahan ang responsableng pagmimina, at makapagbigay ng karampatang revenue-sharing scheme kasabay ng paglago ng industriya ng pagmimina.
Executive Order No. 79
Layunin nitong ayusin ang mga makatuwirang pananaliksik sa pagmimina, at masubaybayan ang paggamit ng mga yamang mineral. Tinitiyak nito ang pantay pantay na benepisyong maibibigay ng pagmimina sa estado ng Pilipinas, sa mga katutubo, at sa mga lokal na komunidadn
Philippine Mineral Resources Act of 2012
Ang paraan ng pagkuha ng mga bato, buhangin, graba at iba pang mineral mula sa lupa sa pamamagitan ng pagtitibag, paghuhukay, o pagbabarena.
Pagku-quarry o quarrying
Kabutihang dulot ng quarrying:
Dito nanggagaling ang mga kagamitang panangkap na kinakailangan sa pagpapagawa ng mga pasilidad at serbisyo sa mga komunidad.
Nagbibigay ng trabaho at sa negosyo partikular sa konstruksiyon.
Di kabutihang dulot ng quarrying:
Polusyon sa hangin dulot ng alikabok at usok.
Pagmulan ng mga sakit sa baga.
Nasisira ang katubigan dahil sa mga basura o quarry waste.
Pagkasira ng biodiversity at ecological balance ang pinakamatinding epekto ng quarrying.
Isa sa mga key biodiversity areas na may malalaking minahan sa bansa.
Mindoro