AP Flashcards
pagbabago mula sa mababa tungo sa mataas na antas ng pamumuhay
progresibo at aktibong proseso ng pagpapabuti ng kondisyon ng tao
Pag-Unlad
binibigyang-diin ang pag-unlad bilang pagtatamo ng patuloy na pagtaas ng income per capita
Tradisyonal na Pananaw
resulta ng pag-unlad
nakikita at nasusukat
Pagsulong
ang pag-unlad ay kumakatawan sa malawakang pagbabago sa sistemang panlipunan
Makabagong Pananaw
tumutukoy sa pangkalahatang sukat ng kakayahan ng isang bansa na matugunan ang mahahalagang aspekto ng kaunlarang pantao: kalusugan, edukasyon at antas ng pamumuhay
Human Development Index
nasusukat sa haba ng buhay at kapanganakan
Aspetong Pangkalusugan
nasusukat sa pamamagitan ng mean years of schooling
Aspetong Pang-Edukasyon
nasusukat gamit ang gross income per capita
Aspetong Pamumuhay
pangunahing hangarin ng pag-unlad ay palawakin ang pamimiliian ng mga tao sa pagtugon sa kanilang mga pangangailangan
ang layunin ng pag-unlad ay makalikha ng kapaligirang nagbibigay ng pagkakataon sa mga tao na magtamasa ng matagal, malusog at maayos na pamumuhay
Human Development Report
ang United Nations Development Programme (UNDP) ay gumagamit ng mga karagdagang palatandaan upang masukat ang hindi pagkakapantay-pantay, kahirapan at gender disparity
Human Development Report Office (HDRO)
ginagamit upang matukoy kung paano ipinamahagi ang kita, kalusugan at edukasyon sa mga mamamayan ng isang bansa
Inequality-Adjusted HDI
sumusukat sa puwang o gap sa pagitan ng lalaki at babae
Gender Development Index
ginagamit upang matukoy ang paulit-ulit na pagkakait sa mga sambahayan at indibidwal ng kalusugan, edukasyon, at mataas na antas ng pamumuhay
Multidimensional Poverty Index
Ang kaunlaran ay matatamo lamang kung mapapaunlad ang yaman ng buhay ng tao kaysa yaman ng ekonomiya nito”
Amartya Sen
Ang Pilipinas ay isang ___ dahil malaking bahagi nito ang ginagamit sa mga gawaing pang-agrikultural
bansang agrikultural
Isang agham, sining at gawain ng pagpoprodyus ng pagkain at hilaw na produkto, na tumutugon sa pangangailangan ng tao
Agrikultura
palay, mais, niyog, tubo, saging, pinya, kape, mangga, tabako at abaka
pinakamayaman ang Pilipinas sa kape
ang mga ito ay karaniwang kinokonsumo sa loob at labas ng bansa
tinatayang bilyon ang kabuuan kita mula sa pagsasaka
Paghahalaman
itinuturing ang Pilipinas bilang isa sa tagatustos ng isda sa buong mundo
panghuhuli ng hipon, sugpo at pag-aalaga ng mga damong dagat na ginagamit sa paggawa ng gulaman
Pangingisda
may kapasidad na hihigit sa tatlong tonelada para sa mga gawaing pangkalakalan o pagnenegosyo
Komersyal na Pangingisda
nagaganap sa loob ng 15 kilometro sakop ng munisipyo, hindi gumagamit ng fishing vessel
Munisipal na Pangingisda
pag-aalaga o paglinang ng mga isda at iba pang uri nito mula sa iba’t ibang uri ng tubig o pangisdaan
Fresh: tabang
Brackish: maalat-alat
Marine: maalat
Pangingisdang Aquaculture
isa sa pangunahing pang-ekonomikong gawain sa sektor ng agrikultura
patuloy na nililinang ang ating mga kagubatan bagamat tayo ay nahaharap sa suliranin ng pagkaubos nito
pagputol ng mga puno
Paggugubat
mahalagang parte ng agrikultura dahil ito ang nag susuply ng karne sa mga pamilihan
Paghahayupan
ang dumi ng mga hayop ay maaring gawing?
fertilizer o pampataba ng tanim
Kahalagahan ng Sektor ng Agrikutura
Nagtutustos ng pagkain
Nagbibigay ng trabaho
Pinagkukunan ng mga hilaw na materyales
Nagpapasok ng dolyar sa bansa
inaprobahan ni dating pangulong Corazon Aquino noong ika-10 ng Hunyo, 1988
nakapaloob dito ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP)
ipinapahayag ng batas ang lahat ng lupang agrikultural anuman ang tanim nito sa mga walang lupang magsasaka
hindi sakop ng CARP ang mga: liwasan at parke, mga gubat at reforestation area, palaisdaan, tanggulang pambansa, paaralan, simbahan sementeryo, templo, waitershed, at iba pa
Batas Republika Blg. 6657 ng 1988 or Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL)
gumagabay sa mga magsasaka ukol sa makabagong teknolohiya at wastong paraan ng pagtatanim
Department of Agrikulture (DA)
sinisikap na paunlarin ang larangan ng pangingisda
Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR)
nangangasiwa sa larangan ng paghahayupan
Bureau of Animal Industries (BAI)
nagsasagawa ng mga pananaliksik sa ecosystem upang maging batayan sa pangangalaga ng kapaligiran at yamang gubat
Ecosystem Research and Development Bureau (ERDB)
ang mga hilaw na materyales tulad ng mga puno ay pinoproseso ng sektor ng industriya upang maging bago at tapos na produkto
Sektor ng Industriya
pagkuha at pagpoporoseso ng mga yamang mineral (metal, di-metal o enerhiya) upang gawing tapos na produkto o kabahagi ng isang yaring kalakal
Pagmimina
Paggawa ng mga produkto sa pamamagitan ng manual labor o makikna
nagkakaroon ng pisikal at kemikal na transpormasyon ang mga materyal
Pagmamanupaktura
kabilang dito ang mga gawain katulad ng pagtatayo ng mga gusali, estruktura at iba pang land improvements
Konstruksiyon
binubuo ng mga kompanyang ang pangunahing layunin ay matugunan ang pangangailangan ng mga mamamayan tulad ng kuryente, tubig at gas
Kabilang din dito ang mga teknolohiya
Utilities
nakapaloob dito ang mga produktong gawang kamay
hindi hihigit sa 100 manggagawa ang kabilang sa industriya at maliliit na lugar lamang ang sakop nito
Cottage Industry
binubuo ng 100-200 na mga manggagawa at ginagamitan ng payak na makinarya sa pagproseso ng mga produkto
Small and Medium Scale Industries
binubuo ng higit sa 200 na manggagawa, ginagamitan ng malalaki at komplikadong mga makinarya sa pagproseso ng mga produkto
Large Scale Industry
gumagabay sa mga mangangalakal sa pagtatatag ng negosyo
Department of Trade and Industry (DTI)
tinutulungan nito ang mga nagsisimula ng industriya at nanghihikayat ng mga dayuhang namumuhunan
Board of Investments (BOI)
tumutulong sa mga namumuhunan na maghanap ng lugar na pagtatayuan ng kanilang negosyo
Philippine Economic Zone Authority
nagtatala at nagrerehistro ng mga kompanya sa bansa
Security Exchange Commission (SEC)
gumagabay sa buong yugto ng produksyon, distribusyon, kalakalan at pagkonsumo ng mga produkto sa loob o labas ng bansa
Maaring pampamayanan, panlipunan, o personal
ang paglilingkod ay ang pagbibigay ng serbisyo sa halip na bumuo ng produkto
Sektor ng Paglilingkod
binubuo ito ng mga paglilingkod na nagmumula sa pagbibigay ng publikong sakayan, mga paglilingkod ng telepono, at mga pinapaupahang bodega
Transportasyon,Komunikasyon at mga Imbakan
mga gawaing may kaugnayan sa pagpapalitan ng iba’t ibang produkto at paglilingkod
Kalakalan
kabilang ang mga paglilingkod na binibigay ang iba’t ibang institusyong pampinansyal tulad ng mga bangko, bahay-sanglaan, remittance agency, foreign exchange dealers at iba pa
Pananalapi
mga paupahan tulad ng mga apartment, mga developer ng subdivision, town house, at condominium
Paupahang Bahay at Real Estate
lahat ng mga paglilingkod na nagmumula sa pribadong sektor
Paglilingkod na Pampribado
lahat ng paglilingkod na ipinagkakaloob ng pamahalaan
Paglilingkod na Pampubliko
sistema ng pagkuha ng serbisyo ng pribadong kompanya upang gampanan ang ilang aspekto ng operasyon ng isang kliyenteng kompanya
BPO (Business Process Outsourcing)
nagsusulong ng malaking pagkakataon para sa pagtatrabaho, humuhubog sa kakayahan ng mga manggagawa, nangangalaga sa kapakanan ng mga manggagawa, at pagpapanatili sa kaayusan at kapayapaan sa industriya ng paggawa sa bansa
Department of Labor and Employment (DOLE)
ahensiya ng pamahalaan na tumitingin sa kapakanan ng mga Overseas Filipino workers
Overseas Workers Welfare Association (OWWA)
itinatag sa bisa ng Executive Order 797 noong 1982 na may layuning isulong at paunlarin ang mga programa ukol sa paghahanapbuhay sa ibayong-dagat at pangalagaan ang kapakanan ng mga Overseas Filipino Workers
Philippine Overseas Employment Administration (POEA)
itinatag sa bisa ng Republic Act 7796 noong 1994. Isinusulong ng batas na ito na hikayatin ang buong partisipasyon ng industriya, paggawa, mga lokal na pamahalaan at mga institusyong teknikal at bokasyonal upang sanayin at paunlarin ang kasanayan ng mga manggagawa sa bansa
Technical Education and Skills Development Authority (TESDA)
nangangasiwa at sumusubaybay sa gawain ng mga manggagawang propesyonal upang matiyak ang kahusayan sa paghahatid ng mga serbisyong propesyunal sa bansa
Professional Regulation Commission (PRC)
nangangasiwa sa gawain ng mga pamantasan at kolehiyo sa bansa upang maitaas ang kalidad ng edukasyon sa mataas na antas
Commission on Higher Education (CHED)