AP Flashcards
Ang konsepto ng pagkamamamayan o citizenship ay maiuugnay sa?
Kasaysayan
Sinasabi na noong panahon ng ________ umusbong ang konsepto ng citizen (mamamayan)
Griyego
Ang ____ ay isang lipunan na binubuo ng mga taong may iisang pagkakakilanlan at mithiin. Limitado lamang sa mga lalaki ang mga mamamayan nito at ang isang citizen ay maaring politiko, administrador, husgado, at sundalo. Ito’y mga lungsod-estado
Polis
Ang pagiging citizen ng Greece ay isang pribilehiyo kung saan may kalakip na mga karapatan at tungkulin. Ayon sa orador ng Athens na si _______, hindi lamang ang sarili ang iniisip ng isang citizen kundi ang kalagayan ng estado.
Pericles
Sa ating lipunan ngayon, tinitingnan natin ang citizenship bilang?
Legal na Kalagayan
Sinabi niya na ang citizenship ay ugnayan ng isang indibiduwal at ng estado. Ito ay tumutukoy sa pagiging miyembro ng isang indibiduwal sa isang estado kung saan bilang isang citizen, siya ay ginawaran ng mga karapatan at tungkulin.
Murray Clark Havens, 1981
Sa Pilipinas, inisa-isa ng estado sa _____-______ ang tungkulin at karapatan ng mga mamamayan nito pati na rin kung sino ang mga maituturing na citizen ng isang estado at ang kanilang mga karapatan at tungkulin bilang isang citizen.
Saligang-batas
Ang Artikulo na agpapahayag patungkol sa Pagkamamamayan
Artikulo 4
- Mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagpapatibay ng saligang-batas na ito;
- Ang mga ama o mga ina ay mamamayan ng Pilipinas;
- Mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino, na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang;
- Mga naging mamamayan ayon sa batas.
Seksyon 1 ng Artikulo IV
Ang katutubong inianak na mamamayan ay yaong mamamayan ng Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano mang hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino. Yaong mga nagpasiya na maging mamamayang Pilipino ayon sa Seksiyon 1, Talataan 3 nito ay dapat ituring na katutubong inianak na mamamayan.
Seksyon 2 ng Artikulo IV
Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa paraang itinatadhana ng batas.
Seksyon 3 ng Artikulo IV
Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mamamayan ng Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng batas, na nagtakwil nito.
Seksyon 4 ng Artikulo IV
Ang dalawahang katapatan ng mamamayan ay salungat sa kapakanang pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas.
Seksyon 5 ng Artikulo IV
Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa kaniyang mga magulang. Ito ang prinsipyong sinusunod sa Pilipinas.
Jus Sanguinis
Ang pagkamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak. Ito ang prinsipyong sinusunod sa Amerika.
Jus Soli (or Loci)
Kawalan ng Pagkamamamayan, Tatlo
- Panunumpa sa batas ng ibang bansa
- Pagtakas mula sa digmaan
- Kawalan ng Naturalisasyon
Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa o pareho sa kanyang mga magulang.
Halimbawa: Kung ang iyong mga magulang ay Pilipino, ikaw ay awtomatikong Pilipino, kahit na ipinanganak ka sa ibang bansa.
Jus Sanguinis
Ang pagkamamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan ipinanganak ang isang tao.
Halimbawa: Kung ikaw ay ipinanganak sa Estados Unidos, ikaw ay awtomatikong Amerikano, kahit na ang iyong mga magulang ay hindi Amerikano.
Jus Soli
ay hindi na lamang isang legal na katayuan kundi isang aktibong papel sa pagpapabuti ng lipunan.
Pagkamamamayan
ay may tungkulin at karapatang dapat gamitin para sa kabutihang panlahat, hindi siya isang tagamasid kundi isang aktibong kalahok sa mga isyung panlipunan.
Mamamayan
Sinabi niyang ang isang responsableng mamamayan ay makabayan, may pagmamahal sa kapwa, may respeto sa karapatang pantao, may disiplina, at may kritikal na pag-iisip.
Yeban, 2004
Ayon sa kaniya, may labindalawang simpleng gawain na maaaring gawin ng bawat mamamayan upang makatulong sa bansa. Kahit simple, ang mga hakbang na ito ay may potensyal na magdulot ng malaking pagbabago sa lipunan.
Alex Lacson
likas sa bawat indibidwal anuman ang kanyang lahi, kasarian, relihiyon, kultura, o estado sa buhay
ito ay mga karapatang dapat tamasahin ng lahat upang mamuhay nang may dignidad at pantay-pantay.
Karapatang Pantao
Saklaw ng karapatang pantao ang iba’t ibang aspeto ng buhay tulad ng?
sibil, politikal, ekonomikal, sosyal, at kultural na karapatan.